RFAS: Mondragon

11 4 2
                                    

(Author's POV)

"Totoo ba na may relasyon kayo ng trabahador natin na mas mahirap pa sa daga!." galit na galit na sikmat ni Don Crisostomo Mondragon sa kaisa-isa nitong anak na si Isabel. Halos kita ang malalaking ugat ng Don sa leeg habang sinisigawan ang anak.

Kilala ang mga Mondragon bilang pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa Santa Monica dahil sa koneksiyon ng mga ito sa kilalang politiko, at mga negosyante. Sila rin ang may pinakamalawak na ari-arian sa lugar.

"Kung sino man ang nagsabi niyan kuro-kuro lang niya iyan." pilit na ikinukubli ng dalaga ang inis sa taong nagsumbong sa kanyang ama tungkol sa relasyon nila ni Havier Sandoval.

Ayaw na ayaw ng dalaga ang may nagsusumbong ng mga bagay-bagay na dapat hundi umaabot sa pandinig ng ama tulad ng relasyon nito ng kasintahan na nagpakahirap siyang itago.

"Sigurado akong hindi nagsisinungaling ang nagbalita sa akin noon dahil simula nang padalas ng padalas ang paglabas mo sa mansiyon ng hindi ko alam, pinaman-manan kita." galit paring wika ng Don at ibinigay sa dalaga ang hawak na puting envelope.

Kinakabahang binuksan nito ang envelope at hindi na siya makapagsinungaling pa dahil lantad na lantad ang ebidensiya. Larawan nila ni Havier iyon habang nagsusubuan sila sa ilalim ng puno ng mangga at mga larawan kung saan nagyayakapan, naglalambingan at naghahalikan sila.

"Ngayon sabihin mong hindi totoo lahat ng isinisigaw ng larawang iyan"

Hindi makapagsalita ang dalaga.

"Gusto kong bukas na bukas din ay malaman kong wala na kayong koneksiyon ng lalaking iyon, at ayaw ko nang mabalitaan pa na nagkikita kayo ng gagong iyon!."

"I'm sorry Pa, mahal na mahal ko si Havier I .."

Galit na pinatid ng Don ang antigong plorera na nakapatong sa center table na kinagulat ng dalaga.

"Pesteng pag-ibig na iyan!"

"Ano po bang mali doon umibig lang ako Papa hindi niyo ba kayang intindihin iyon."

Alam ng dalagang dapat niyang irespeto ang ama ngunit kailangan din niyang ipaglaban ang nararamdaman sa lalaking minamaliit nito.

"Iyan ba ang tinuro ng maledukadong tao na iyon ang bastusin ang sarili mong ama!" mas lalong nagalit ang Don dahil sa unang pagkakataon sinagot siya ng anak ng pabalang na paraan.

"Hindi iyon.."

"Ano nalang ang sasabihin ng mga tao na ang kaisa-isa kong anak ay nahihibang sa hampas-lupa!"

"Hindi importante sa akin kung mahirap siya....."

"Binabalaan kita huwag mong bahiran ng katangahan mo ang pangalan ko lalo na at malapit na nanaman ang eleksiyon."

Ayaw ng Don ang eskandalo dahil tumatakbo ito sa pagiging gobernador ng bayan at gusto niya na manatiling mabango ang pangalan nito sa mga tao.

Akmang sasagot sana si Isabela para itama ang maling katwiran ng ama ngunit binara agad siya ng ama

"Kung hindi mo hihiwalayan iyan mas mabuting burahin ko na sa mundo ang lalaking iyan alam mo ang kaya kong gawin Isabelle." seryosong banta ni Don Crisostomo bago iniwan ang nababalisang anak.

Revenge For A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon