RFAS: Consequence

4 0 0
                                    

(Isabelle's POV)

Ihinatid ako ni Havier hanggang nasa paligid na kami ng Mansiyon ayaw ko sanang magpahatid kaso nagpumilit siya.

"Ingat."

Hinalikan ko siya sa labi bago siya umalis.

Gaya ng dati dumaan ako sa pader na dinaanan ko palabas, buti nalang nakarating ako sa tapat ng kwarto ko ng walang nakakakita sa akin. Tulog pa ata sila dahil alas tress palang ng madaling araw.

Itinulak ko ang pinto at dahan-dahang pumasok.

"Pa..pa" halos mapatalon ako sa pagkabigla dahil pagkapindot ko ng switch ng ilaw ay agad na sumalubong sa akin ang ama ko na prenteng nakaupo sa swivel chair na malapit sa kama niya at parang kanina pa ito naghihintay sa kanya.

"Saan ka nanggaling?."

Napalunok ako ng tatlong beses saka siya tinignan sa mata.

"Nagkayayaan ang mga barkada ko sa bar."

Iyon lang ang matinong sagot ko na sa tingin ko paniniwalaan ako ni Papa, alangan naman na sasabihin kong nagpahangin ako sa labas eh may terrace naman sa kwarto ko mas lalong hindi niya ako paniniwalaan.

Kinabahan ako sa klase ng tinging ipinupukol ni Papa sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa alibi ko.

"Sige matulog ka na."

Hinalikan niya ako sa noo saka siya lumabas bigla akong kinabahan kasi parang may mali. Isa ang Papa ko sa mga klase ng taong hindi agad nainiwala sa isang tao kung walang patunay sa sinsabi nito.

Kailangan ba akong kabahan?.

(Author's POV)

Hindi pinakita ng Don na alam niya kung saan nanggaling ang anak.

Noong may mapansin siyang tao sa malapit sa pader agad siyang sumilip sa terrace ngunit wala itong nakita na tao, biglang sumagi ang isang tao sa kanyang isip.

Nakalock ang pinto ni Isabelle ng tangkain niyang buksan iyon hinanap niya ang duplicate at binuksan iyon, doon niya nakumpirma ang hinala.

Halos masira ang cellphone nito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya dito.

"Hanapin niyo si Isabelle alamin niyo kung saan siya pupunta." maawtoridad niyang utos sa isa niyang tauhan sa kabilang linya.

"Sinasagad mo talaga ang pasensiya ko Isabelle."

Binaba niya ang cellphone at dumeretso sa silid nito at may tinawagang tao.

"Sige gawin mo lahat para matuto ang anak ko." huling wika ng Don saka niya pinatay ang gadget.

Hinintay niya ang anak sa kwarto nito at tinanong kung saan ito nanggaling at mas nadagdagan ang kagustuhan nitong burahin sa buhay ng anak si Havier ng nagsinungaling sa kanya si Isabelle.

Hindi niya pinakita na galit nito sa anak dahil ayaw pa niyang magtalo sila dahil sa walang kwentang tao.

Akala ni Isabelle ay hindi alam ng ama ang lahat ng kilos niya kaya wala itong pangambang nararamdaman habang inihahanda ang tatlong di kalakihang traveling bag kung saan pinagkasya niya lahat ng kanyang damit.

"Pasensiya na Papa kailangan kong gawin ito kung sana naiintindihan niho ang nararamdaman ko hindi na sana tayo aabot sa ganito." malungkot na wika ng dalaga.

Ihinintay nito ang pagsapit ng alas-dose ng gabi ng kumatok ang ama nito sa kwarto niya.

"Papa hindi pa po kayo tulog malalim na ang gabi." kinakabahang wika ng dalaga ng mpgbuksan ang ama.

Revenge For A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon