RFAS: Bernard

3 0 0
                                    

(Author's POV)

Nagkulong sa kwarto niya si Isabelle at wala itong ginawa kundi iyakan ang pagtatapos ng relasyon nila.

Hindi na rin ito kumakain kahit na gaano kalasa ang pagkain na nasa mesa hindi niya nalalasahan ang mga iyon.

"Hindi ka raw kumakain."

Nag-aalalang wika ni Don Crisostomo sa anak na umiiyak habang nakatalukbong sa kumot.

Bumuntong-hininga ang Don at umupo sa kama ng dalaga.

"Kung uubusin mo lang ang luha mo dahil sa walang kwentang lalaki na iyon walang mangyayari sa iyo ikaw parin ang talo." baling nito sa anak at saka tumayo.

"Lahat naman ng layaw mo ay ibibigay ko kapalit ng pagputol mo sa ugnayan niyo ng lalaking iyon kausapin mo lang ako pag nakapagisip-isip ka." habol nito saka umalis sa silid ng anak.

Pinahid ni Isabelle ang mga luha nito, namumula na ang mga mata nito dahil sa kaiiyak at nagkaroon na siya ng eyebug.

Pumikit siya.

"Kailangan ko na bang kalimutan si Havier at mag simula uli o ikulong ang buhay ko sa pait na dulot ng sakripisyo ko?."

Tanong ng dalaga sa sarili.

Ano nga ba ang pipiliin niya?

Kakalimutan na ba niya ang mga ala-alang binuo nila ni Havier ng halos isang taon?.

FOUR YEARS AFTER

(Isabelle's POV)

"Woooaaah!!

Heto ako ngayon sa dance floor hawak-hawak ang kopitang puno ng alak at napapasigaw ako sa taas ng enerhiya ng mga tao dito sa club.

Nasa kilalang club ako kasama ang mayayaman kong kaibigan na nakilala ko din dito sa US.

Obviously, umalis ako sa Pilipinas para makalimot ng pangyayaring nakakabangot alangang hahayaan kong mabulok ang sarili ko sa isang sulok habang iniiyakan ang pagsasakripisyo ko.

Masaya ako sa buhay ko ngayon lahat nagagawa ko, nakakanight life ako, nakakapagshopping hindi tulad noon na iknukulong ang sarili sa maputik na palayan.

Nasa akin na nga lahat ngunit malungkot parin ang buhay ko parang may kulang at si Havier iyon, iyon lang naman ang tanging hindi ko makukuha sa mundong ito.

Kahit na anong gawin ko hindi ko makalimutan ang pangalang 'Havier' paulit-ulit na umuugong sa isipan ko ang pangalang iyan.

Ipinilig ko ang ulo ko hindi ako pumunta sa club na ito para isipin ang lalaking iyon pumunta ako rito para mag-enjoy bago ako bumalik sa Pilipinas.

Sawa na ako sa buhay dito sa New York isa pa gusto mong malaman ang pagbabago sa Pilipinas kung may nagbago nga ba. I wonder.

"Hey!, you're boyfriend is finding you." kalabit sa akin ni Stella isa siyang kilalang modelo.

"Where?."

Tinuro niya ang isang couch at nandoon nga si Bernard.

Mahigit dalawang taon ko nang kasintahan si Bernard kahit na ayaw ko siyang maging boyfriend wala akong magagawa pilit siyang ipigsisiksikan ni Papa sa akin. Naisip ko na nawala naman sa akin lahat kaya bakit hindi ko na lubus-lubusin ang pagsira ko sa buhay ko.

"Hai."

As usual pekeng ngiti ang nakapaskil sa labi ko sa tuwing kakausapin ko siya.

"Hey Hon."

Hinalikan niya ako sa pisngi, hindi ko kasi hinahayaang halikan niya ako sa labi. Basta ayaw ko.

"Mhm, hobby mo na talaga akong sundan ano." nakaismid kong wika.

Palagi niya akong sinusundan kahit saan ako pumunta kung hindi siya, yung papangit niyang bodyguard ang sumusunod sa akin baka pati sa CR susundan pa niya ako.

Ayaw din niyang nakikipag-usap ako ng matagal sa ibang lalaki dahil napakaseloso niya. Tinangka kong makipaghiwalay sa kanya pero sinaktan niya lang ako.

Nagsumbong ako kay Papa ngunit parang si Bernard ang anak niya dahil siya ang kinampihan ng ama ko kaysa sa akin, pakiramdam ko wala na akong silbi sa kanya.

Sinenyasan ko ang isang babae na waiter para magdala ng isang serve ng margarita.

"I just making sure na hindi ka gumagawa ng kalokohan."

"Wala akong ginagawa ni hindi dumapo sa balat ko ang palad ng sinmang lalako kung iyan ang gusto mong malaman."

"Very Good dahil alam mo na ang mangyayari." matiim niyang banta.

"Oo nanam." sarcastic kong saad.

Papatayin niya ang sinumang lalaki na nakikita niyang kinakausap ko. Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon ayoko nang may masayang na buhay.

Flashback

Umiiyak ako habang nakaupo sa isang bench sa parke na madalas kong puntahan pag wala akong ginagawa o naguguluhan.  Wala akong pakialam kahit walang katao-tao at hindi na masisilayan si haring araw.

Mas mabuti nang iiyak ko ang sama ng loob ko dahil ako na ang sinaktan ni Bernard ako pa ang nagmukhang masama sa paningin ni Papa.

"Can I know what is the big reason why a beautiful lady like you is cying?."

Tiningala ko ang lalaking nagsasalita mestizo ito at matangkad. Mas lalo itong gumwapo dahil sa abot tangang ngiti nito.

Inilahad niya ang isang puting panyo at nakangiting tinanggap ko iyon.

"Pwede ba akong maupo sa tabi mo kung wala kang kasama."

Tumango ako.

"Bakit ka nga ba umiiyak at nandito ka pa sa parke eh malapit ng dimilim?."

"Uhm. Wala lang."

Wala akong balak na sabihin sa iba ang nangyari ngunit kailangan ko ng kausap para hindi ako panawan ng ulirat.

"Okey, ako nga pala si Elmer Evans."

Inilahad nito ang kamay.

"Isabelle..."

*BANG*

Parang naparaliza ang isang bahagi ng katawan ko dahil nakabulagta na ang lalaki sa harap ko at may tama ito sa noo.

Puno ng dugo ang mukha ko at namantsahan narin ng pulang likido ang puti kong blouse.

"Isabelle"

Nanginginig akong nilingon ang tumawag sa pangalan ko.

"Bernard"

"You killed him!."

Alam kong siya ang pumtay sa lalaki dahil sa ngisi nito na para bang sobrang nasisiyahan sa nangyari.

"Yeah, ako ang pumatay diyan kasalanan mo naman iyan kung bakit may namatay sa mismong harapan mo."

Lihim akong nagngitngit, ako pa ang sinisi  niya.

"At ako nanaman ang sisisihin mo sa kademonyohan mo!?."

"Oo naman nakikipaglandi ka kasi sa lalaking iyan."

Pakiramdam ko umangat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko.

"Nakikipaglandi!?, For Pete's sake nakikupag-usap lang iyong tao Bernard!"

Tumayo ako at nanginginig sa galit na hinarap si Bernard na nakangisi pa rin.

"Gusto lang namang ipakita sa kanila na akin ka lang paparayin ko lahat ng lalaking lalandiin mo."

Doon ko narealize na obssessed si Bernard sa akin, napakapossesive din niya at hindi iyon sweet nakakasakal iyon na nakakatakot.

Napapailing akong bumalik sa realidad, karma ko na ata 'to.

Ewan ko lang kung deserve ko ang karmang 'to o hindi.

Pero deserve ko nga ba o hindi.









Revenge For A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon