RFAS: Engagement Party

3 0 0
                                    

(Isabelle's POV)

"Aayusan pa ba kita eh napakaganda mo na."

Andami pang komento ang mga babaeng 'to bakit 'di nalang nila gawin ang trabaho nila. Naaasar na talaga ako.

Nandito lang naman kami sa mansiyon ni Bernard na magiging 'tahanan' ko soon.

"Just Shut up and do your work hindi namin kayo binayaran ng MAHAL para sumat-sat!."

Pag napagalitan pala ang mga ito saka tatahimik.

Parang hindi ko na nararamdamanang pwet ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko, bakit hindi ko nalang isuot ang pesteng damit at rumampa, magpakilalanng malapit ng maging asawa ni Bernard.

"Tapos na ba!?."

Nawawalan na talaga ako ng pasensiya, ayaw ko nang umupo.

"Malapit na po senyorita."

Nilalagyan pa kasi nila ng kung ano-anong palamuti ang buhok ko. Inayos na nga lalagyan pa ng kung ano-anu nagmumukha ng christmas tree.

"Bakit ba kasi andami niyong nilalagay!."

"Utos ni Senyorito Bernard."

Napakaraming arte!.

"Maam tapos na pwede na po kayong lumabas tinatawag na po kayo ni Senyorito Bernard."

Tumayo na ako at sinulyapan ang sarili ko sa full-length mirror.

I am wearing yellow trumpet dress and embroided with krystals.

It shows my perfect curves, na alam kong dahilan kung bakit baliw na baliw si Bernard sa akin kung hindi lang ako sexy at maganda hindi niya ako bibigyan ng katakot-takot na atensiyon.

Buti nalang agad kong nalagyan ng concealer ang mga marka ng kamay ni Bernard sa iba't-ibang parte ng katawan ko para na nga akong punching bag.

Buti nalang natitiis ko ang pananakit niya sa akin.

Sana ako nalang ang pinakapangit at pinakamataba baka mas payapa pa ang buhay ko.

Pagkalabas ko sa parlor, tama may parlor ang mansion niya, inalalayan agad ako ng mga uto-utong bodyguard ni Bernard papunta sa ground.

Nagsenyasan sila ng matapat kami  sa malaking pinto papasok sa ground.

"We are happy to announced you that finally, the known Bernard Santilyan and my unica hija is engaged."

Narinig kung wika ni Papa sa loob.

Baka sila lang ang masaya kasi nakikinabang silang dalawa sa engagement party na inorganisa nila.

Mula noong sinigiwan ko ang ama ko hindi ko siya pinansin at iniiwasan ko na rin. Si Bernard hanggang langit parin ang kakapalan ng mukha at diig pa ang dikya kung makakapit sa akin.

Pinagbuksan nila ako ng pinto at pabukas na pagbukas noon lahat ng mata nakatutok sa akin, para silang ewan ngayon lang ba sila nakakita ng tao.

Wala akong emosyon na ipinikita habang naglalakad sa red carpet.

Ngalingali kong sampalin si Bernard ng sinunggaban niya ako ng halik sa labi ng makalapit ako sa kanila. Kung hindi ko lang iniisip ang kahihiyan na maging bunga noon dadapo sana ng ilang beses ang palad ko sa mukha niya.

"Salamat at narito kayo ngayon para makisaya sa amin ni Isabelle at aasahan naming makikita namin kayo sa araw ng kasal namin." Masayang saad ni Bernard habang hawak ang kamay ko.

Nagpalakpakan naman ang mga bisita namin at saka nagbulungan. P.S wala akong pakialam kung ano ang pinagbubulungan nila.

Pagkatapos niyang magsalita binigay niya sa akin ang micropono, ibig lang niyang sabihin ako naman ang magsalita.

Revenge For A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon