RFAS: Deciding With Him

6 4 3
                                    

(Isabelle's POV)

Ihinagis ko sa kisame ang hawak-hawak kong unan dahil magkahalong emosyon na nararamdaman ko.

Takot dahil hindi nagbibiro si Papa na saktan si Havier kaya niyang kunin ang buhay nito kahit anong oras na gustuhin niya.

Galit, galit ang nararamdaman ko sa kay Papa dahil hindi niya ako naiintindihan na nagmamahal ako.

Halos isang taon na kami ni Havier at nagmamahalan kami hindi ko kakayaning mawala siya sa buhay ko pero kung ipagpapatuloy namin 'to baka may gawin sa kanya si Papa.

Kailangan kong makipagkita kay Havier kailangang pagdesisyonan namin kung ano ang gagawin namin.

Hinintay ko ang pagpatak ng gabi at pagkatapos kong masiguro na tulog na ang mga kasama ko sa mansiyon lalong-lalo na si Papa, dali-dali akong   nagsuot ng puros kulay itim na damit . Kulay itim na cap, jacket, pant at itim na converse na sapatos.

Pagkalabas ko ng kwarto ko nilock ko agad iyon at hakbang-linga ang ginagawa ko hanggang makarating ako sa main door, sinilip ko muna ang guard na nagbabatay sa gate at sa tingin ko hindi ko matatakasan ang mga iyon kahit anong paandar ko dahil alam kong sinabihan ni Papa ang mga iyan.

Dahan-dahan akong lumabas sa back door. Tinitigan ko ang napakataas na pader na pumapaligid sa mansiyon wala akong choice kundi dumaan sa doon.

Bumalik ako sa loob ng mansiyon ay pumunta sa stock room at pinalad ako dahil nakahanap ako ng mahabang tali.

Pagkalabas ko itinali ko iyon sa matutulis na bakal na parte nang pader at nagsimulang umakyat. Ng nasa dulo na ako dumungaw si Papa sa glass door palabas ng terrace.

Dali-dali akong bumaba sa pader para hindi niya ako makita. Buong ingat akong naglingid sa matataas na puno na hanggang sa makalayo na ako sa mansiyon.

Tanging ilaw ng cellphone ko ang gamit ko para makita ang daan papunta sa bahay ni Havier. Tiniis ko ang lamig at takot dahil nag-iisa lang ako habang naglalakad sa gitna ng bukid makarating lang sa tirahan ni Havier.

Maliit lang ang tinutuluyan ni Javier ngunit napakalinis at napakadisenteng tirhan, napapaligiran din ito ng iba't-ibang gulay na tanim niya mismo.

Kumatok ako sa pintong gawa sa kahoy.

Nakailang katok na ako ngunit wala paring nagbubukas.

"Havier si Isabelle ito.." sambit ko

Pagkaraan ng ilang minuto binuksan iyon ni Havier at mukhang kagigising lang dahil umiingat ito.

Gwapo parin ito kahit na lumang t-shirt at short ang suot nito.

"Isabelle naman halos kalagitnaan ng gabi pumunta ka pa dito, paano kung may mang.."

"Sssh."

Idinikit ko ang dalawang daliri ko sa labi niya, sesermonan na naman niya kase ako. Palagi niyang ginagawa iyan pag may mali akong ginawa kaya mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya.

"Mamaya mo na ako sermonan Darling, anlamig kaya dito sa labas papasukin muna ako." Nakangiting wika ko sa kanya.

"Gusto mo ng kape ititimpla kita?." tanong niya habang nilolock ang pinto.

Umupo ako sa monoblock na nasa pinto papasok sa kusina ng bahay.

"Huwag na Darling, may kailangan tayong pag-usapan."

"Sige araw-araw naman nag-uusap tayo."

Nakangisi pa ang loko kahit halos mabiyak ang ulo ko sa kaiisip kung anong gagawin namin.

Inis ko siyang inirapan.

"Nalaman na ni Papa na may relasyon tayo."

Saglit na tumahimik si Havier at kitang-kita ko ang lungkot at takot sa mukha niya.

Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Iiwan mo na ba ako?."

Gumaragal ang kanyang boses.

"Hindi Havier, hindi kita kayang iwan dahil mahal na mahal kita. Ipaglalaban kita kay Papa."

Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya para iparamdam na totoo ang sinasabi ko.

"Alam mo ang kayang gawin ng Papa mo Isabelle gagawa at gaawa siya ng paraan para paghiwalayin tayo."

"Hindi ako papayag Havier."

"Wala akong kayamanan na ipantatapat sa yaman niyo kung maghiwalay na kaya tayo at humanap ka ng iba na may kaparehong antas ng buhay niyo."

Kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya, nasaktan ako ng lubos dahil pakiramdam ko hindi niya ako kayang ipaglaban.

"Hindi ba sapat na nagmamahalan tayo para ipaglaban mo ako, o hindi mo na ako mahal kaya madali sa iyong bitawan ako."

Pinipigilan ko ang pag-agos ng luha ko, ayaw kong matikman ang pait nito sa unang pagkakataom.

"Mahal kita alam mo iyan mahal..."

"Ngunit bakit parang pakiramdam ko hindi nababahag na ba ang iyong buntot sa ama ko?."

"Kaya kitang ipaglaban ngunit paano ko gagawin iyon kung alam nating dalawa na ako ang matatalo."

Ramdam kong tulad ko naguguluhan din si Havier ngunit sana siya ang mas lalong nagpapakatatag sa crisi na dumating sa relasyon namin dahil siya ang lalaki.

"Alam ko Havier, pero 'bat isusuko mo lang ako ng ganoon ganoon lang  parang laruan na ibaalik!."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng disappointment kay Havier dahil wala sa inaasahan ko ang mga sagot niya na sana sasabihin niyang ipagtatanggol niya din ako.

"Napakahirap ng sitwasyon natin nahihirapan din ako Isabelle.."

"I know, hindi ko rin alam ang gagawin ko kung isusuko ko ba ang relasyon natin at sundin ang gusto ni Papa!." nawala na ang kontrol ko sa sarili at nasigawan ko si Havier sa unang pagkakataon.

Sandali kaming natahimik at pinapahupa muna ang tension sa pagitan namin.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang palad ko.

"Im sorry sa inasal ko kanina Darling."

"Sorry din nasigawan kita hundi ko na kasi alam ang gagawin ko."

Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luha ko.

Gulong-gulo na talaga ang isip ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Havier, magtanan na kaya tayo."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ideyang iyon basta ang importante sa akin ay makasama ko ang lalaking mahal ko.

"Pero...."

"Havier wala na akong alam na paraan pa, ikaw may alam ka bang ibang paraan?."

Tinitigan ko siya sa mata at umaasang may ibang paraan pa itong naiisip bukod sa ideya ko.

Umiling ito.

"Sigurado ka ba?." nagdududang tanong niya.

Hindi nga ako sigurado sa desisyon ko pero bahala na may ipon naman ako sa account ko pwede na iyong puhunan namin sa negosyo marami naman akong alam tungkol sa pagnenegosyo.

"Oo."

"Mahirap lang ako at wala akong kalakihang ipon at sigurado akong maghihirap ka sa piling ko."

Ginawa ko lahat ng paraan para makumbinsi si Havier sa naisip kong ideya pumayag naman ito at bukas ng gabi kami magkikita sa palayan para magtanan.

Handa akong iwan ang karangyaang meron ako para lang makasama si Havier.



Revenge For A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon