RFAS: Promise

3 0 0
                                    

(Isabelle's POV)

"Umagang-umaga alak iyang inaatupag mo."

Bla! Bla! Bla! Tinatalakan nanaman ako ng dakila kong ama, ang swabe diba!.

Mananahimik lang ako wala namang mangyayari pag sasagutin ko siya sasabihin niyang wala akong galang pag nanahimik ako tatanungun niya kung bakit hindi ako sumasagot, napakakomplikado lang.

Napaismid lang ako ng agawin ni Papa ang kopitang hawak ko.

Magkukulong na nga lang ako sa kwarto ko pero ng magkatapat kami hinawakan niya ako sa braso.

"Saan ka pupunta?."

"Sa kwarto ko." matamlay kong sagot.

"Aalis ka habang kinakausap pa kita parang hindi mo na ako ginagalang."

Kahit na malumanay ang pagkakasabi ng ama ko ngunit ramdam ko ang inis niya.

"Wala naman po tayong dapat pag-usapan."

"Anong wala, marami tayong dapat pag-uusapan Isabelle."

"At ano naman po ang pag-usapan natin kung tungkol sa mana ipinagkatiwala niyo naman kay Bernard iyon na parang siya ang totoo niyong anak at wala naman pong problema sa relasyon namin para po akong aso na sumusunod sa kanya pati na po sa inyo."

Gustong-gusto ko na deretsahin ang ama ko na masama ang loob ko sa kanya dahil sa mga nakakasukanh desisyion niya.

"Ayoko ng paraan ng pakikipag-usap mo sa akin!."

Diniinan niya ang paghawak sa braso wala akong naging reaksiyon nasanay na ata ang balat ko sa pananakit nila.

Magsasalita na sana si Papa ng may tinitignan siya sa likod ko.

"Bernard hijo, masaya ako at nakarating ka kumusta ang biyahe."

Binitawan niya ako at sinalubong ng yakap ang tinuturing niyang 'anak' na nanggaling sa U.S para daluhan ang isang bussiness conference.

"Okey lang po Pa."

'Pa' pa talaga ang tawag niya sa ama ang kapal din naman ng mukha niya.

"Isabelle hindi mo ba kukumustahin ang kasintahan mo?." baling sa akin ni Papa.

Pumihit ako para harapin sila.

"Hindi na po buhay naman siyang nakarating dito saka ko nalang siya kukumustahin pag malapit na siyang mamatay." nakangisi kong sagot.

"Isabelle....."

Papagalitan sana ako ng ama ko ngunit feeling hero si Bernard kaya kunwari sinusuway niya ang ama ko.

"Pa, gusto ko na pong pag-usapan ang engagement party namin ni Isabelle."

Engagement Party!

Gulat akong napamulagat at tinapunan ng matalim na tigtig si Bernard.

"Bakit hindi mo pa sinabi kay Isabelle parang nakarinig siya na may delubyong darating."

Mas higit pa sa delubyo ang ibig sabihin ng narinig ko, all this time pala nagplaplano na sila sa engagement party namin ng hndi ko nalalaman.

"Totoo ba ito Papa!."

"Oo Isabelle ito sana ang sorpresa ko sa iyo..."

"Napakagandang sopresa!."

Hindi mo maiwasang maging sarkastiko.

"Sa makalawa na ang engagement party niyo hija at...."

"Nakapagplano na pala kayo kayo na kaya ang magpakasal total magkakulay at magka..."

*Pak!*

"Huwag na huwag mo akong babastusin kanina pa ako nanggigigil sa iyong bata ka para naman sa kabuihan mo ang ginagawa ko."

"Huwag mo nang pagalitan si Isabelle nabigla lang siya."

"Shut up Bernard! Alam ko naman na pakitang-tao lang iyang ginagawa mo napakasipsip mo din at hindi ko alam king ano ang pinakain mo diyan sa uto-utong ama ko para sunod-sunoran siya sa lahat ng gusto niyo at ikaw naman Papa anak mo ba talaga ako at para ba talaga sa kabutihan ko ang ginagawa niyo hindi niyo man lang ako sinangguni tungkol sa engagement na iyan bago kayo magdesisyon."

Umalingaw-ngaw ang boses ko sa living room.

"Huwag kayong mag-alala naroon ako sa engagement party, masaya na kayo!?."

Tinanong ko pa sila alam ko rin naman ang kasagutan doon.

(Someone's POV)

"May engrandeng engagement na mangyayari sa isang five star hotel  na pagmamayari ng mga Santilyan"

Narito ako sa isang resort ko at halos kalahating taon ko nang minaman-manan ang mga Mondragon at Santilyan.

"Is there something special with that engagement party?"

"Engagement party iyon ni Isabelle Mondragon at Bernard Santilyan."

Mhmm, magpapakasal na pala ang dalawang demonyo.

"Tell me all the informations about that party."

Iniabot niya ang isang pulang wedding invitation.

Nakaukit doon ang pangalang Isabelle at Bernard gamit ang puting glitters na kumikinang pa.

Kala mo kung santo at santa ang nagmamay-ari ng pangalan kung alam lang nila na ang tunay na kulay ng mga ito.

"Anong plano niyo Boss."

Nanatili akong nakatingin sa payapang dalampasigan.

Maghintay lang kayo Isabelle dahil ako ang magdadala ng bangungot sa inyo ibabalik ko lahat ng sakit, at pait na pinaramdam niyo. Sisiguraduhin kong iiyak ka ng dugo Isabelle, ipapalasap ko sa iyo ang higit sa uimpyernong buhay tulad ng PANGAKO ko.




















Revenge For A SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon