First Seal

91 9 0
                                    

Chapter Three

MALA POV

Maaga akong pumasok para ihanda ang mga gagamitin ko sa pagkuha ko sa unang selyo.

Naeexcite ako masyado sa gagawin kong pagkuha dun sa babaeng kikay na si Aivee nang maiayos ko na yung mga gagamitin ko dali dali akong bumalik sa aming silid aralan at dun ko nadatnan si Aivee na nakaupo habang nakanganga magpaalam ka na sa mga kaibigan mo dahil mauuna ka na.

AIVEE POV

Hindi ako mapakali dahil sa aking masamang panaginip kaya nagdesisyon ako na maaga na lang pumasok para maiwaglit ko kahit papano yung napanaginipan ko.

Malapit na ang unang klase pero hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ko may balak pa kaya silang pumasok ngayun haist sana naman magsipasok sila para naman hindi ko na maalala pa yung napakasamang panaginip.

MALA POV

Mukhang sinuswerte ako dahil hindi nagsipasok yung mga kaibigan ni Aivee kaya maisasagawa ko yung aking plano ng walang kahirap hirap.

Dumating na ang oras ng uwian at nagsipagtakbuhan na ang aming mga kaklase tanging kami na lang ni Aivee ang natira sa loob ng silid aralan.

Nilapitan ko si Aivee at kinausap maaari bang samahan mo ako sa school garden  para makahingi ng buto ng bulaklak tanong ko sa kanya, ok sagot ni Aivee sabay kaming lumabas ng room at dali daling tumungo sa garden.

Nang makarating na kami sa school garden ay wala ng estudyante kaya naman binigkas ko na ng palihim ang itim na mahikang natutunan ko nung bata pa ako isang mahika na maaaring lumikha ng isang kumunoy na hindi basta basta makikita ng normal na tao ang kumunoy na magiging huling hantungan ng unang biktima ko hahaha

Nang lumabas na yung kumunoy dali dali kong itinulak si Aivee  papunta don eksaktong pagkahulog ni Aivee tuluyan ng lumabas ang kumunoy.

Mala tulungan mo ako sigaw ni Aivee sige sandali lang maghahanap ako ng maaaring ipanghila sa iyo sagot ko naman sige pakibilisan segunda ni Aivee  nang narating ko na yung pwesto kung san ko itinago yung mga kawayang matutulis dali dali ko itong kinuha at umalis na medyo binagalan ko pa nga ang ginagawa ko kong paglakad with matching slowmo turn para pagbalik ko dun ibabaon ko na lamang ang mga kawayang dala ko.

Nang makarating na ako hindi ko na nakita ang katawan ni Aivee kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa agad agad kong ibinaon ang mga kawayang dala ko mga limang kawayan lang naman yun eh.

Nang magwakas na ang buhay ni Aivee bigla na lang naginit ang aking katawan nagkaron din ng kulay itim ang bituing nasa aking kamay.

Wala na ang isa, apat na lang at makakamit ko na ang aking tunay na kapangyarihan.

IKAW NA ANG SUSUNOD.......

----------------------------------------------------------------------

MIDNIGHT'S NOTE

AYAN NA DEDZ NA SI AIVEE SINO KAYA ANG SUSUNOD NA MAMAALAM ABANGAN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA...

The Five Elite Students and the Transferee -- (COMPLETED) --Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon