Chapter Five
MALA POV
Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos mamatay ni Aivee at makuha ko ang unang bahagi ng aking tunay na kapangyarihan.
Nandito ako sa aming silid aralan at pinagpaplanuhan ng bonggang bongga ang aking gagawin sa pagkuha ng ikalawang selyo.
Lumabas muna ako matapos kong maisulat sa aking notebook ang kumpletong plano para sa aking susunod na biktima.
KRYSTAL POV
Guys, tara gala tayo mamayang uwian nakakamiss na kasi eh. Hindi na kasi tayo lumalabas simula ng may mangyaring masama sa ating kaibigan.
ADRIAN POV
Naku naku naku asawa ni naka naka naka na kabit ni neko neko neko.
Nagyayaya na naman si Krystal gumala mamayang uwian at sigurado akong sa bar kami pupunta kasi isa siyang babaeng sugapa sa alak napakataas ng kanyang alcohol tolerance kaya nya kaming patumbahin sa inuman san ka pa eh di kay Krystal ka na ang babaeng lasenggera hahaha.
CROSS POV
Balak ko na sanang umalis kaagad at hindi na sumama pa sa paggala ng tropa dahil papanoorin ko yung latest episode nung anime na pinapanood ko halos one week din kong hinintay yung episode na yun pero sa kasamaang palad bigla na lang ako hinila ni Krystal palabas ng room para hindi daw ako makatakas pa hahaha sa tingin nyo sadyang sugapa lang ba si Krystal sa alak o nagmamaganda lang sya ng bongga. he he he.
AT THE BAR
JAMES POV
Nandito na kami sa bar at talagang isinama pa niya si Mala dahil gusto nya daw isali ito sa grupo namin tutal naman kulang na daw kami ng isang miyembro.
Hahahaha hindi kami papayag sa nais niyang isali si Mala sa grupo namin manigas sya hehehe.
At oo nga pala hulaan nyo kung nasan si Krystal ngayun hahaha.
Sirit na kayo???
Nandun lang naman siya sa gitna ng dance floor at nagsasayaw ng Anaconda ni Nicki Minaj nakakadiri siyang panoorin nagagawa niyang magpout ng bonggang bongga habang pinapagalaw niya ang kanyang pwetan akala ba niya ikinaganda nya yun at dudumugin sya ng mga lalaki no no no check dun sya nagkakamali hahaha dahil wala namang pumapansin sa kanya simula pa nung nagsayaw siya sa dance floor.
ADRIAN POV
Nandito kami nina James at Cross sa table namin nagiinom hindi ako masyadong umiinom dahil ihahatid ko pa si James sa condo niya. Oo may condo si James pati sina Cross, Krystal at ako ay may kanya kanyang condo dahil mayayaman kami.
Napansin ko si Cross na nakasimangot dun sa pwesto nya at salita ng salita habang nainom.
KRYSTAL POV
Nakakapagod sumayaw hahaha.
Nang makabalik na ako sa pwesto namin nakita kong hindi maipinta ang pagmumukha ng tatlo kong kaibigan.
Oh bat ganyan mga mukha nyo para kayong naluging bumbay saad ko.
Wala to sagot ni James siguro hilo lang madami na kasi kaming nainom eh.
Ah ganun ba??
Oo ganun nga sagot naman ni Adrian.
Oh pano ba yan uwi na kami maaga pa ang pasok bukas saad ni Adrian.
Alam mo naman kailangan ko pang ihatid si James sa condo nya dahil kapag hinayaan natin yan magmaneho baka kung sang lupalop na naman natin hahanapin yan wika ni Adrian.
Hoy Cross sumama ka na din sa amin at wag ka ng magmukmok diyan sigaw ni Adrian.
Oh sya uwi kami Krystal ingat ka sa paguwi at kita kits na lang bukas sa school paalam ni Adrian.
MALA POV
Nang makapagpaalam na ang mga kaibigan ni Krystal dali daling tumakbo ito ulit sa dance floor para muling magsayaw kaya naman agad agad kong kinuha ang pampatulog sa aking bag at pasimple ko itong inihulog sa bote ng alak ni Krystal.
Nang bumalik na si Krystal sa mesa namin agad agad niyang kinuha yung bote niya at dali daling tinungga na tila ba mauubusan siya ng alak.
Ilang minuto pa ang lumipas matapos tunggain ni Krystal yung bote ng alak hayun na siya nakatungo na at natutulog.
Oras na para isagawa ang aking plano.
Kahit napakabigat niya pinilit ko siyang buhatin at dalhin sa isang abandonadong resort kung saan magaganap ang malagim niyang katapusan.
Kinabitan ko muna siya ng ball and chain ang kanang kamay at kaliwa niyang paa para hindi na siya makakatakas pa.
----------------------------------------------------------------------
Midnight0019 Notes
Eto na po yung kabanata lima ng aking istorya...
Magustuhan ninyo po sana..
BINABASA MO ANG
The Five Elite Students and the Transferee -- (COMPLETED) --
Fantasykilling elite students