Chapter 4

3.5K 55 1
                                    


Pinasadahan ko ng mata ang kabuoan niya. Nakunot ang noo nito nakasuot siya ng office attire at base sa awra niya ay hindi sila nag kakaintidihan ni Xavier na pinsan niya.

"Ohh. Christoff." Akmang tatayo na ako kaso niyakap ako ni Xavier sa baywang. "Ano ba Xavier." Bulong ko. "Just stay." Bulong nito

Nakakuyom ang kamao nito"Hindi mo pwedeng tanggihan ang alok namin sayo. Huwag mong subukan ang pasensya ni Dad." Pag babanta nito. "At huwag mong subukan ang pasensya ko." Dagdag pa niya.

"Buo na ang desisyon ko. You and your father can't change my mind." Biglang bumaling ang tingin nito sakin. "Don't mock us Franco" tumalikod siya,ngunit humarap ulit.


"Anong ginagawa mo dito Zeph." huminahon ang boses niya. Hindi ako nakapag salita. Napalunok ako ng wala sa oras, hindi ko alam kung bakit parang natatakot ako ngayon dahil sa nakikita niya. Fyi wala na kaming relasyon kaya wala naman siguro akong ikabahala. Tsaka, siya ang sumira ng relasyon namin hindi ako.

"Because she's my girlfriend" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Xavier. Ano bang pinag sasabi nitong gago na ito. "Let's go" tumayo kami at hinila niya ako sa wrist. Hindi pa kami nakakalabas ng hawakan ako bigla ni Christoff upang mapahinto.

Hindi naman nag patalo si Xavier. Napapikit nalang ako habang hawak nila ako mag kabilaan. "Ouch"


"Saan mo dadalhin si Zeph? Hindi mo siya Girlfriend Xavier. Hindi pa kami tapos. Hindi pa kami hiwalay kaya paano siya magiging sayo?" Napakagat ako sa labi. Totoo ba ang sinabi niya? Nag papatawa ba siya? Sinasaktan na naman niya ang damdamin ko. Dinadagdagan lang niya ang kasalanan niya sakin. "Please Zeph. Let me explain, this time." Binitawan niya ako. At yumuko siya. "Sorry, hindi ko ginusto ang lahat. Bea seduced me, and she drugged me that time." Napabitaw na rin si Xavier.

Namuo ang galit ko ng marinig ang dahilan niya. "At bakit naman niya gagawin yon?" Tama mag kaibigan kami ni Bea at bakit naman niya ako tratraydorin. "Because she likes me." Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero napansin ko nga ang bagay na iyon noon. Na sinawalang bahala ko lang.

"Please, give a chance." Pag mamakaawa nito. I need to be more wise. Ayoko nang masaktan ulit. Natatakot ako, natatakot  akong masaktan pa lalo. "Mahal kita Zeph. Mahal na mahal."


"No" mariin na sabat ni Xavier. "She's mine!" Hinila na ako ni Xavier, kusang bumulos na naman ang luha ko. Naguguluhan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Hindi ko alam kung bibigyan ko pa siya ng isa pang chance.

Mahal ko si Christoff. Siya lang ang tanging lalaking minahal ko, he is my first love. Ang first love na akala ko ay pang forever na.

Nasa sasakyan kami, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Xavier. Gusto ko muna makapag relax, sana hindi muna niya ako inisin ngayon. Kahit ngayon lang sana makisama naman siya sa nararamdaman ko. "I handed you to Jin, babalikan di kita. May kaylangan lang akong asikasuhin." Tumayo ako.

Siguro ay makakapag relax ako ngayon. May tao na akong makakausap at mapag lalabasan ng sama ng loob. "Malalaman mo ang totoo sa kanila, pwede ka na rin humingi ng advice. Gusto ko, pag sundo ko sayo nakangiti kana." Hindi ako nag salita. Gusto ko rin naman makita ang dati kong ngiti ayoko ng ng ganito.

Ayoko ng may problema, ayoko ng nasasaktan. Kung pwede lang maging imortal bakit hindi. Yung tipong kahit paulit ulit kang patayin sa sakit at mabubuhay ka parin. Yung tipong manhid kana.

Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse, napabagal ang takbo ng sasakyan dahil sa dami ng mga batang nag lalaro sa kalsada. "So many skwaters" sabi ng katabi ko. Bumusina siya ng malakas. "Hey! Bastard." Sigaw ng muntik na namin mabungo.

The goodgirl revenge (on-hold)Where stories live. Discover now