"Ano!!!" Gulat na sigaw ko, napatayo rin ako sa gulat dahil sa sinabi niya. I thought im saved but fuck! Fuck it.Kinindatan niya ako. Napalunok ako, "Mom! Dad!" Nakibit balikat si Dad. "Okay lang sakin Mr. Chua, basta aalagaan mong mabuti ang unika iha namin." Nanlaki ang mata ko. Wala kong nagawa kundi inumin ang wine na nasa harap ko. "Dad! Bakit niyo ako ipag kakatiwala sa lalaking iyan."
"Zeph. Bakit naman hindi? Iniligtas ka nga ni Mr. Chua. Utang natin sa kanya ang buhay mo." Sabi nito. Nakangiti lang ang lokong si Xavier. Nakakainis naman, ayoko ng bumalik sa boring na palasyong iyon.
"Deal closed Mr. And Mrs. Lee. Don't worry i'll take care of your verry quite daughter." Sabi nito. Nag kamay ang magulang ko at Xavier na para akong isang gamit na ibinebenta sa buy n sell. May pa closed deal pang nalalaman!
Natapos ang party. Halos iposas ko na ang sarili ko sa braso ni Mom. "Mom, please help me. Gusto ko nang umuwi satin. Ayoko ng bumalik sa sobrang boring na palasyoa ni Mr. Chua" pag mamakaawa ko. Tinanggal ni Dad ang Kamay ko kay Mom at inilagay sa kamay ni Xavier.
"One month lang naman anak, pag bigyan mo na si Mr. Chua, sigurado naman na aalagaan ka niya ng mabuti." Sabi pa nito. Kumaway si Dad at pumasok na sa loob ng sasakyan si Mom. Nanlumo ako bigla ng makaalis na ang kotse.
Tinalikuran ko si Xavier at padabog na bumalik sa loob ng venue. Iilan nalang ang tao rito. Alas onse na yata ng gabi. "Zeph, huwag ka ngang maarte. Pasalamat ka nga at niligtas kita kung hindi baka nakaburol ka na ngayon." Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
Tama siya kung hindi dahil sa kanya ay baka malamig na bangkay na ako ngayon na iniiyakan ng magulang ko. Ayoko pa naman mamatay no. "Salamat" sarkastikong sabi ko.
Umupo ako at ininom ang wine na nandito. "You're not just need to sleep over a month with me."
"Ha?"
"You need to be my girlfriend too for month." Sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.
"Baliw ka ba? Abusado ka naman masyado." Pag susungit ko. "Abuso pa ako ngayon? Dapat nga lagpas sampung beses ka mag pasalamat sakin. Dahil, magiging boyfriend mo pa ang gwapong tulad ko."
"Ang hangin at ang lamig naman dito. Ang lakas siguro ng aircon." Akmang tatayo na ako dahil sa pag ka irita ko sa kanya kaso pinigilan niya ako.
"Hoy babae, hindi ko rin naman gustong mag karoon ng cheap at boring na Girlfriend sa buong isang buwan. Wala lang akong choice."
"Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka!" Bwelta ko. Halos umusok na yata ang ilong ko sa inis.
"Ayaw mo ba? Pwede mo akong gamitin, panakip butas" sabi niya sabay tingin sa kabilang lamesa. Nandoon si Christoff at Bea kasama ang magulang ni Christoff.
"You gain something from this deal. You don't be so very particular."
"At ako pang maarte ngayon? Sino ba kasi gugustuhin makasama ka ng isang buwan sa iisang bubong."
"Marami. Maraming babaeng nag kakandarapa sakin. Maswerte ka nga eh."
"Fuck it. I don't need you." Padabog akong tumayo. Nag lakad ako palabas hanggang padpad ako sa garden nitong hotel. "Hindi ko naman kaylangan ng tulong niya. Kaya kong mag move on mag isa."
"Zeph." Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses na iyon. Nararamdaman ko ang presensya niya at nasa likuran ko lang siya. "Zeph, we need to talk." Hinawakan niya ako sa baywang. Halos nawalan na ako ng balanse dahil sa kirot sa dibdib na nararamdaman ko.