Chapter 7

2.7K 66 73
                                    

Zephaniah Erros POV

Nakatulog pala ako kakaisip. Kakaisip kung bakit binenta nila dad ang marriage ko. Totoo bang palugi na ang company namin. Nakakalungkot man isisipin pero wala na akong magagawa nandito na ako. At hinding hindi na ako makakaalis dito.

Hindi na ako makakaalis sa impyerno na to.

Para pala akong tanga na nag hihintay ng araw para makauwi. Yun pala imposible na mangyari. Nakakaiyak! Wala akong magawa.

Niyakap ko ang unan at isinubsob doon ang mukha ko. Hindi mapigilan. Hindi ko mapigilan na hindi humagulgol dahil sa sitwasyon ko. Sa dinami rami ng tao sa mundo bakit sa kanya pa.

Bakit si Xavier pa?

Ilang minuto akong nakatulala. Hindi ko rin naman mahahanap ang sagot kung tutunganga ako dito.

Pinunasan ko ang luha ko at dumeretso sa sink para mag hilamos. Uuwi ako ngayon samin para malaman ko kung totoo lahat ng sinabi niya. Para malaman ko kung bakit.

Pag labas ko ay mukha agad niya ang bumungad. Pabalik pabalik siyang nag lalakad sa harap ng pinto ng silid na to. "Anong ginagawa mo?" I ask him with a calm voice.

"Ahh...  ammhh.."

"What?"

"Breakfast is ready, pinag luto kita" Aniya na tila nahihiya pa. Nginitian ko lang ito. Aba mukhang may dumaan na anghel dito. Nag lakad kami papuntang dinning table.

Nakahanda na ang pag kain. Omelette, bread and freshmilk. Kumalam bigla ang sikmura ko sa amoy. "Wow mukhang masarap." Agad ako umupo.

"Anong meron?" Takang tanong ko.

"Nothing. Namiss ko lang mag luto." He gave me a big smile. Napapikit nalang ako bigla at ibinalik ang atensyon sa pag kain. Baka Mabusog ako bigla dahil sa kagwapuhan niya.

What the fuck? I just snap what im thinking. Isa nga pala siyang unggoy.
"Wag mo nga akong ngitian nakakairita." Biglang bumalik ung mood ko.

"Ansungit mo. Kagabi kapa."

"Kaiirita ako sa mukha mo eh. Uuwi muna ako samin." Tumayo ako matapos kong kumain.

"Teka sino nag sabing uuwi ka?"

Pumamewang ako. Mukhang nakalimutan yata ng unggoy na to ung sinabi niya kagabi. "Hoy Xavier hindi ba sabi mo pwede akong umuwi at mag punta kung saan ko man gustuhin?"

"Wala akong sinabi."

Sumimangot ako at ibinaba ang mukha ko hanggang mag pantay ang mukha namin. Nakaupo kasi siya. "May sakit kana yata sa utak at nakalimutan mo na agad." Nanlaki ang mata ko ng bigla itong ngumisi.

Dahan dahan inilapit ang mukha sa mukha ko. Kaya napaatras ako bigla. Tumawa siya ng malakas.

"Siraulo !" Tinalikuran ko siya. Gago talaga.

"Bilisan mo ihahatid kita." He said with a sweet tone.

Acting like a good son!

Ina mong unggoy ka. Arrrrghh! He dont need to tease me. Damn.

Matapos kong mag bihis ay lumabas na ako. Bumungad ulit sakin si Xavier na naka shades pa. Kala mo pupunta ng beach.

Inirapan ko siya at nilagpasan hindi ko alam, pero mas mainit pa ang dugo ko sa kanya kaysa sa panahon ngayon.

Pinag buksan niya ako ng pinto. "Wow, just wow. Ang bait bait naman nang magiging asawa ko." Natawa siya sa sinabi ko at isinara ulit ang pinto ng kotse. Pumunta siya sa harap ng pinto ng driver seat tsaka binuksan, sabay pasok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The goodgirl revenge (on-hold)Where stories live. Discover now