CHAPTER 4

120 2 0
                                    

4-

-Kathryn's POV -

Tapos na ang klase, umuwi agad ako ng bahay…baka kasi Makita ko na naman si Enrique at yung bagong girlfriend niya…at baka di ko na naman maiwasang umiyak...nakakapagod na talaga eh…

Nakarating na ako sa bahay. At dahil wala akong ibang magawa sa bahay nagkulong na naman ako sa kwarto ko, nilakasan ko ang volume ng iPod ko at nakinig ng music…kinuha ko rin yung laptop at in-open ang FB account ko…wow 30 friend request..64 notifications…at nag-iisang message….

Tiningnan ko muna yung mga friend request, as usual mga di ko kilala…pero…

“Daniel John Fuentavilla ?”

isa sa mga nagrequest..teka si Daniel ba to, yung lalaking nagbigay ng panyo sakin?….

Tiningnan ko yung profile niya to make sure na siya nga at di nga ako nagkamali…siya nga to…ang cute niya naman sa profile picture niya, naka rock sign siya tapos naka nguso..

In-accept ko yung friend request niya since kilala ko na rin naman siya at sabi pa nga niya kanina friends nadaw kami..

Pagkatapos kong tingnan ang mga friend request binuksan ko naman yung isang message at nagulat ako dahil galing yun kay… Enrique? Bakit pa niya ako e me-message? Ngayon lang ang date nito…mabuti pa basahin ko na..

Kath, kung nasaktan man kita sorry..sorry talaga..

Sorry kong ginamit kita for 5 months para pagselosin

Si Jessie. Siya talaga ang mahal ko kath…hope u can still forgive me..

Sana makahanap ka ng taong di ka sasaktan..Jfhgstydkfh

Dghdxhjfkjhkjjfjk…………………..

Ang dami pa niyang isinulat pero di ko na kayang basahin pa lahat…iisa rin lang naman ang punto niya….

“ang KAPAL MO! Ang kapal kapal mo…”

Pano niya nagawa sakin yun? Ginamit niya ako? Ginamit niya lang pala ako? Huh! Shit!!..

Humiga ako sa kama at isinubsub ang mukha ko sa unan..umiyak na naman ako, and this time mas malala pa…okay n asana yun eh, na ipinagpalit niya ako kaya niya ako hiniwalayan..mas matatanggap ko pa yun eh…pero yung ginamit niya lang pala ako, na di niya pala talaga ako minahal…dobleng sakit yun…..Sa dinami dami ng babae bakit ako pa? bakit ako pa ang ginamit niya? shit! kalian ba matatapos to? Kalian ba ako pahihirapan ng ganito?

Patuloy parin ako sa pag-iyak hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako….pag gising ko 8pm na, bumaba ako para kumain, gutom na gutom na ako…buti nalang at si Ella nasa kwarto niya, baka kasi pag nakita niya ako na namumugto ang mga mata kulitin na naman ako..si yaya  lang yung nandito sa kitchen..

“ya si mommy umuwi naba?” tanong ko kay manang habang umuupo dito sa may dining table namin…

“naku kath matatagalan daw siya dahil may kailangang asikasuhin sa opisina….teka kumain kana muna, nauna nang kumain si Ella kanina,, di ka kasi sumasagot nung ginising kita may problema kaba?” sabi ni yaya habang hinahain yung pagkain sa mesa..

“ah w-wala naman po….. ahh mabuti pa po sabayan nyo nalang ako sa pagkain”

“sige hija pero sigurado kang okay kala------teka” tiningnan ako ni manang….”umiiyak kaba?”

“ahh ha? Ah naku hindi po…….ah oo pala.. may pinanood lang ako kanina sa internet na nakakaiyak na video…kaya---kaya yun naiyak ako...he-he” nag fake smile nalang ako…halata talaga sa mukha ko na galing ako sa pag-iyak..tsk

“ahh ganun ba, akala ko umiiyak ka dahil sa boyfriend mo…hay naku Kath bata kapa, marami pang dadating sa buhay mo…” umupo na si yaya, kaharap ko siya.

"ya di  nga po sabi eh...yung video lang po kani-------" di ako pinatapos ni yaya at nagsalita siya ulit..

“at sana pag dumating na sa buhay mo yung taong alam totoong nagmamahal sayo wag mo nang pakawalan….minsan kasi dahil sa dami ng taong nakapaligid satin at ipinapakitang mahal tayo pero di naman talaga ay napapabayaan na natin yung taong totoo talagang nagmamahal satin..”

“ah hehe sana nga po dumating na…”di nalang ako pumalag pa..tsk

"malaki ang mundo hija kaya pag nawala ang taong yun kailangan mo ulit libutin ang mundo para mahanap siya.."  ganun ? eh pano kung siya mismo ang nagpakawala sakin? haisssttt.. siya na naman naiisip ko..

si yaya kasi eh. kung anu-ano talaga pinagsasasabi…ayoko na no..ayoko nang magmahal ulit….tama nang nasaktan ako….ayoko na muna….

At sabay na nga kaming kumain ni yaya…buti nalang dina niya dinugtungan yung kanina…pag ganitong wala si mama siya yung kasabay namin ni Ella sa pagkain….bata palang kami dito na siya nagtatrabaho kaya close siya samin…at yun nga dahil close namin siya lagi siyang nagpapayo ng mga bagay bagay samin, pati na nga kay mommy ganyan din siya…para na nga din siyang nanay ni mommy.

Pagkatapos naming kumain ni yaya bumalik na agad ako sa kwarto….nag-aral nalang ako para maging busy yung utak ko at para di na makapag-isip ng kung anu-ano…baka kasi mamaya maalala ko na naman siya….

READY TO LOVE AGAIN [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon