9-
-Daniel's POV-
After 30 minutes nakarating na kami sa park, oo sa isang park ko dinala si Kath, pero hindi basta bastang park ang dinalhan ko sa kanya. Iba kasi tong park nato kasi sa dulo nito ay dagat. Ang peaceful din dito, at nakakarelax dahil sobrang presko ng hangin...pag dumilim na maraming mga maliliit na ilaw sa mga puno dito basta hehe (iniimagine ko lang po ang place nato hehe) . pagkababa palang namin si Kath manghang mangha na..
"DANIEEEEL......" iniikot niya ang paningin niya. "ang ganda-- grabe ang ganda ganda dito.." sobrang saya ko dahil nagustuhan niya dito. Nawala ang lungkot ng mga mata niya kanina.
"hehe buti naman nagustuhan mo dito, halika dun tayo sa may dagat" habang papunta kami sa may dagat puro "WOW" lang ang naririnig k okay Kath.
"Daniel balik tayo ulit dito sa susunod ha, gusting-gusto ko dito supe..haayyy sarap ng hangin...." ngiting ngiti si Kath pagkasabi niya nito.
"oy kath mag su-sunset na oh" tinuro ko yung araw na palubog na..
"oo nga no, ang ganda....." mas lumapit pa si kath sa may dagat....
"wow, ang ganda talaga hehe....salamat Daniel sa pagdala mo sakin dito ha, nawala talaga ang problema ko hehe" habang sinasabi to ni Kath ay di ako nakikinig sa kanya, lumapit ako sa likuran niya at pumikit habang inaamoy yung buhok niya, di naman niya napapansin....
"kath.........." Bumulong ako sa kanya... "I love you"
Pagdilat ko saktong lumingon si Kath. Hala! baka narinig niya yung binulong ko....
"Daniel ? may sinabi ka ba ?" dobleng hala.... Narinig niya nga... patay... hindi naman sa ayaw kong malaman niya pero baka mabigla siya... akalain niya ang bilis ko, kahit pa matagal ko na siyang mahal e bago palang niya ako nakilala..
"hoy Daniel....."
"ah ha? Ah hehe wala...ah oo pala...sabi ko.....ahhh...." naku lagot na to...
"ano?" sasabihin ko ba talaga ? mukhang huli na ako e. tssss
"ah ano ahmmm.....sabi ko....i.......love...ahh......i......love.....THE VIEW ha-ha-ha-ha-ha-ha.....yun i love the view ha-ha..." hinarap ko si Kath ulit sa may dagat... "yan oh.. hehe diba ? maganda yung view...." Tsssss.... Failed.
buti nalang di na siya nagtanong ulit hooo, kinabahan ako dun ah...
lumingon siya ulit at nagsmile sakin, ang ganda ganda talaga ng mga ngiti mo Kath.... yan ang laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko .. hehehe
"hehe akala ko ano.....oo maganda talaga sobra...." Biglang pumikit si kath habang nilalanghap yung hangin .... Kung alam mo lang para sakin Kath wala nang mas gaganda pa sayo..
Halos isang oras din kaming nanatili ni Kath dito, nilibot lang namin ang buong park. Pero lumalamig na kaya napagpasyahan na naming umuwi, inihatid ko si kath pero nang makarating kami sa kanya ay pinilit niya akong pumasok sa loob at sa kanila na kumain ng hapunan. Ayoko sana dahil nahihiya ako sa mommy niya pero dahil sa kanya pumayag nalang ako...
"Kath......si-sigurado kabang okay lang talaga sa mommy mo? baka kasi magalit siya...." Andito kami sa gate nila, si Kath nakapasok na habang ako naiwan parin dito sa labas. Nakwento kasi ni Kath dati na di padaw niya napapakilala yung ex niya sa mommy niya kaya baka ayaw nang mommy niya na may nangliligaw sa kanya.. huhu
"Daniel ano kaba, okay lang talaga kay mommy promise ako bahal sayo..."
"sige tara na...." pumasok nadin ako sa loob. Kinakabahan talaga ako, ni minsan kasi hindi ako nakapunta ng bahay ng babaeng gusto ko kahit kay Julia noon, masyado kasing strict yung daddy niya. Eh yung mommy kaya ni Kath? Pano kung mataray pala ? pano kung palayasin niya ako bigla dahil akala niya boyfriend ako ni Kath? Pano kung ipahabol niya ako sa aso ? huhu pano kung...............
"hoy Daniel? Andito yung pinto...saan ka pupunta ??" nabigla ako pagkasabi ni Kath nun. Pagtingin ko sa harapan ko bintana pala... ngek...
"aah he-he oo nga, bintana hehe...sinisilip ko lang kong may tao sa loob hehe... dyan talaga ako papunta..." hoooo masyado naman akong nabahala tungkol sa mommy ni Kath. Di ko tuloy napansin na sa bintana na ako patungo hehe kahiya ka Daniel.
Nakita kong napailing lang si Kath at napatawa.
At yun pumasok na kami sa loob ng bahay nila, pagbukas ni Kath ng pinto dumeretso agad kami sa sala nila, may isang babae na mga nasa 14-15 ang age, ito siguro yung kapatid niya. Pagkakita niya samin bigla siyang tumayo at lumapit samin with a big smile..
"ATEEEE....diba siya yun?" sabay turo sakin, anong meron? "....siya yung naghatid sayo last time diba?"
"ah oo siya yun...si Daniel..." sabi ni Kath sabay turo sakin.
"HELLO KUYA ako nga pala si Ella, ang maganda at cute na kapatid ni ate..." nakakatuwa naman tong kapatid ni Kath..
"Hello Ella...hehe"
"teka teka ate, kuya tawagin ko lang si mommy....." tumakbo na siya..hala tatawagin na mommy nila...
"naku Daniel pasensya na talaga dun sa kapatid ko ha...makulit talaga yun..."
"naku okay lang...hehe nakakatuwa nga eh..."
"aahh Daniel maupo ka muna diyan ha, aakyat lang ako para magbihis....pakisabi nalang sa kanila..." naku! Iiwan pa ako ni Kath..
"aah si-sige...." At umakyat na nga si Kath sa taas...umupo nalang ako sa sofa at inilibot ang paningin sa bahay nila.. medyo malaki rin yung bahay nila... may mga pictures pa nila..
Tinitingnan ko lang yung mga frames nila sa wall ng paglingon ko.....si Ella, kasama ang iasang babae na mga nasa 40's na, hala ito na yata yung mommy nila...at tinititigan niya pa ako....lagut na...
-Kathryn's POV-
Hay sobrang na enjoy ako today, nakakarelax kasi yung park na dinalhan sakin ni Daniel kanina e. kaya nga ininvite ko siya na dito na mag dinner sa amin. Pasalamat man lang... alam ko namang okay lang kay mommy e, ewan ko nga kay Daniel parang natatakot pa. ang bait kaya ng mommy namin...
Tapos na akong magbihis, tshirt at shorts lang ang sinuot ko. bababa na ako baka andun na si mommy. Gutom narin ako e.
Bumaba na ako at dumetso sa sala pero nagulat naman ako sa nakikita ko...
Si Ella at mommy? Nasa gitna nila si Daniel....at tumatawa sila ng malakas habang nagsasalita si Daniel? Anong nangyari? Bakit parang sobrang close na nila? Ilang oras ba bago ako bumaba? Enjoy na enjoy sila habang nagkukwentuhan e.

BINABASA MO ANG
READY TO LOVE AGAIN [KathNiel]
FanfictionI never knew that I LOVE HIM until he said GOODBYE ..