✉ five

0 1 0
                                    

June xxxx

3:00pm

Wala kaming  pasok ngayon kasi may meeting daw yung mga parents alam niyo na tuwing pasukan nag papameeting yung mga teacher, so ngayon nandito ako sa favorite place ko Sports Complex! hehehe may part kasi dito na parang bundok tapos may puno sa taas and then makikita mo dito yung buong oval tsaka makikita rin dito sa taas yung volleyball court maganda dito yung view lalo na pag mga nasa 4pm or 5 pm kasi maraming tao yung pumupunta dito para mag exercise  at tahimik lang dito tsaka mahangin na rin sarap nga matulog dito kaso baka pag kamalan pa akong patay hahaha ito yung nag sisilbing comfort place ko kapag alam niyo na madrama ako nakakarelax kasi dito at mawawala talaga stress mo,medyo malapit lang rin to sa bahay namin kaya pag wala akong ginagawa sa bahay dito lang ako tumatambay.

Minsan nga inabot na ako ng gabi dito diko namalayan yung oras buti na lang di ako pinagalitan,  kahapon  nga pala nawala ko yung singsing na nadampot ko diko alam kung saan ko nalagay baka na misplace ko sana sa bahay ko lang siya nawala para mahanap ko pa ininiingatan ko nga yun eh mamaya hahanapin ko na lang sa kuwarto ko baka nahulog lang or natanggal habang tulog ako, speaking of kuwarto kailangan ko na nga palang umuwi mag lilinis pa ako ng kuwarto ko muka na kasi yung dinaanan ng bagyo bye~~

-shiXimen

POLAROID || C.SC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon