Chapter 4
Tumayo ako sa higaan ko, at sobrang kinabahan. Totoong nangyari ba yun o panaginip lang?
Ang sarap mag absent ngayon.
Mag absent nalang kaya ako? Bilang Sayea? Pero mag tataka sila, kung absent si Sayea andiyan si Xai, at pag nandiyan si Xai- eh nag bago nga mukha ko, long brown hair plus bangs! Pag absent si Xai andiyan si Sayea. Ang hirap naman nito.
Mag aabsent nalang ako bilang Sayea at Xai at magpahinga lang dito sa dorm ko.
At ayan, bumalik ako sa tulog.
~
Nagising ako dahil may kumatok sa pintuan ng dorm ko.
Nag ayos ako at binuksan ang pinto.
"Xai! Ba't ka nag absent? Maligo ka na at papasok tayo." I just gave him my poker face.
Tiningnan ko ang relo ko at lunch palang pala.
"Ba't ka ba andito?" Tanong ko sakaniya.
"Bilang boyfriend mo, hindi kita pababayaan mag absent."
"Pshh. Lagi mong nakakalimutan ang 'pretend', anyways, seriousohin mo ako, bakit nga?"
Bigla siyang sumingangot at pumasok sa dorm ko at umupo sa higaan.
"Kasi break na sila ni Gave." Sabi naman ni Ryle.
"O, edi goodnews yan saatin, diba? Break na sila at pwede na kayong magbalikan at ako naman pwede na akong bumalik bilang Xai, at para wala na 'tong lecheng bangs at brown hair kong plastik! Eh ba't ka nakasimangot?"
"Kasi.. kasi.. may iba na siya.." Pag sagot niya.
"Ang bilis naman, lumalandi na 'yang Enxyll na 'yan ah! Bago palang naka tatlo na agad, sino naman?" Tanong ko na galit.
"Sobrang sakit kasi bestfriend ko pa." Sagot niya ulit.
Ako napanganga, kasi bestfriend niya si...
Keen.