Nag update. Dahil pinilit ako.
~
P.S.- This is one of the weirdest updates.
P.P.S.- I wanna thank everyone reading this, silent reader or not.
P.P.P.S.- Don't expect much
P.P.P.P.S.- Sana mag vote at comment kayo, I'd be glad, pero not forcing.
P.P.P.P.P.S.- Many corrections and typos.
P.P.P.P.P.P.S.-Enjoy.Chapter 5
Ang sakit ng puso ko. "Landi." yan nalang nasabi ko.
"Ryle, deritsuhin mo nga ako. Bakit ba gusto mo kay Enxyll? Sa landing 'yon nagustuhan mo siya? May iba naman diyang mas desperate. Ryle, gumising ka! Di ka nag iisip. Tigilan na natin 'tong larong to."
"What the heck, Xai! I think wala kang kaalam alam sa pagibig! Kaya siguro nakipag break si Gave sayo dahil di mo alam kung paano mag mahal! Anong klase ba kasing tanong yan!? Pag mahal mo ang isang tao, walang rason kung bakit mo siya mahal. Wala rason!"
"Ryle, lumayas ka na nga! Kahit kailan wag mo na babangitin ang pangalan niya! Letse! Bakit ba, Ryle!? Noon na yun, wala na kami ni Gave kaya't wag mo na ibalik ang nakaraan. At isa pa, ano ang pag-ibig pag nasasaktan ka na ng sobra!? Wala parin bang rason para pumigil na? Hindi mo ba siya naiintindihan, Ryle!? May mahal na siyang iba! Pagbigyan mo na siya, wag mo na pakielaman ang buhay niya! Sumisira ka na ng buhay! Dalawa kami, Ryle. Dalawa mo kaming sinisiraan ng buhay. Ayoko na maging Sayea." Lumuluha na ako, di ko na mapigilan.
Tinulak ko si Ryle palabas. "Pagbibigyan kita, Ryle. Pero pag hindi magiging ayos ang plano mo na maging akong Sayea, letse lang, wag ka na mag pakita kailanman." Sinara ko ang pinto sa pinakamalakas na kaya ko.
Letseng buhay!
~Kinabukasan pumasok na ako ng eskwelahan.
Naglakad lakad lang papuntang classroom, nang may nakita akong grade 9 na nabubully, but what do I care? Buhay niya 'yan, hindi na ako mag papakamartyr at hindi rin ako pakealamero gaya ng isa diyan.
"Ate, tulong!" Sabi nung lalaking nabubully.
I just rolled my eyes. Help or not? Fudge.
All I did was just stepped on the bully's foot.
Ano ba naman? 1 vs. 3 malalaki na sila tas binubully ang isang grade 9? Aba aba.
Nung tinadyakan ko ang paa, sumigaw na parang bakla, letse.
"Weaklings. Binubully niyo ang isang grade 9, ughh. Why not bully someone same as your size? At aba, duwag ka ata at nag dala ka pa ng dalawang alipin. At maka sigaw, bakla. Sino naman matatakot sayo, edi wala." Sabi ko sa 'leader' ata nila, na tinadyakan ko.
"Miss, wag ka nga makialam. Hindi ka naman ang binubully namin kaya wag ka nga diyan, tsupe! Pakialamera!"
"Ano tawag mo sakin!? PAKIALAMERA!? Letse! Hindi ako gaya ni Ryle!!! Kaya tumahimik kayo!" Sinipa ko sila at sinuntok ung leader sa tiyan. Sumigaw ulit na parang bakla.
Tumingin ang sa 9th grader, "Takbo!"
Tumakbo siya sabay ako rin. "Sabing wag ka makialam!" Sabay sinugod kami. Umikot ikot kami sa buong school. Fudge ang bilis nila. Kailangan namin ng matataguan.
Sa Library!
Kaya mas binilisan ko ang pag takbo ko para ako ang sundan nung 9th grader.
Nang makapasok kami, nag fast walk lang kami kasi baka pagalitan kami ng librarian. Nag tago kami sa isang likod ng isang malaking shelf.
"Dito ka lang."
Sabi ko, sakaniya, mamake sure ko lang na okay na sa labas.
Lumabas ako ng library at chineck ang gilid.
Fck!
Wrong move! Nakita nila ako! Pano yan!? Kung papasok ako, patay na, nakita parin nila ako at baka madamay pa si 9th grader guy.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko ng diin.
Maya maya may narinig akong mga sigawan ng bakla at mga bugbog.
Sisino yan? Ako na ba ang binubogbog? Pero wala naman akong nararamdaman, at sino yang mga baklang 'yan? Yan na ba ang mga bully? Binuksan ko na mga mata ko at ang bullies ay nowhere to be found. Napahinga ako ng malalim.
"Okay ka lang ba, Xai-xai?"
Nagsalita ang sa may likuran koNanigas ako.
Kilalang kilala ko ang boses na yan. At isa pa, isa pang ang tumatawag sakin ng ganyan.
Mahina kong inikot ang ulo ko patungo sa likod.
"G-gave?"