Chapter 4 "Tadhana"
“The best way to find out if you can trust somebody is to trust them.” ― Ernest Hemingway
***
Kinabukasan ay pumasok ako at pagkapasok na pagkapasok ko sa aming silid aralan ay bumungad agad sa aking paningin si Harold at si Shane, halatang nagkakasiyahan at tila nagkakapanatagan ng loob. Sa totoo lang eh talaga namang bagay sila dahil pareho silang may itsura at kung tutuusin ay para silang prinsepe't prinsesa pero ako? Isang hamak na kawal lang na nag-aantay na maambunan ng biyaya. Nung oras na iyon ay parang gusto kong tumakbo at magpakalayo layo. Hindi ko alam kung bakit pero parang naramdaman ko na para bang naapi ako o kaawa awa ang aking sarili. Pero syempre hindi ko nagawang tumakbo dahil baka magtaka pa sila kung bakit ganoon ang aking inasta. Kaya't pagkapasok ko ay naghanap ako ng upuang malayo sa kanila. Nung makaupo na ako ay medyo nainis ako kay Kuya Harold dahil hindi man lang ako binati o kinumusta. Hindi tulad noon na laging nasa akin ang atensyon niya at ako ang madalas na kasama niya.
"Ngayon na may nililigawan na siya kinalimutan agad ako! Hindi man lang niya inalam yung nararamdaman ko. Hindi tulad noon na kapag sinabing ayoko eh titigilan niya na agad. Iba na talaga siya! Nakakainis." pabulong na pagmumukmok ko habang nakatingin kay Kuya Harold.
"Ang bigat sa pakiramdam kapag nakita mong may ibang mahal ang taong mahal mo noh?" wika ng aking katabi at tila pinariringgan ako. Nilingon ko ang aking katabi at napansin kong sa akin nga siya nakatingin.
"Ako ba ang sinasabihan mo?" sambit ko sabay turo sa aking sarili.
"Ay obvious pala!? Akala ko kasi may iba pang nagmumukmok dito." pambabara nito sa akin kasabay ang pagtawa. Tila nainis ako sa kanyang inasta kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kwelyo kasabay ang kamay na handa na sanang sumuntok ngunit bigla akong napatigil sa aking gagawin nang biglang maalala ko noon na ako dati ang laging inaapi ngunit ngayon wala na rin akong ipinagkaiba sa kanila.
"Hindi mo kaya noh!? Hindi mo naman kasi gawain ang manakit ng iyong kapwa. Alam kong katulad mo ako. Inilikha upang magmahal at mapagbigay. Alam kong hindi iyan ang katauhang gusto mo. Alam kong gusto mong lumaya sa hawla mo at lumipad na tila walang iniintinding panganib." litanya nito sa akin at tila naapektohan ako sa kanyang sinabi ngunit nagmatigas ako at isinawalang bahala ang kanyang mga ibinigkas.
"Ako si Romeo pero pwede mo akong tawaging Juliet! Yan kasi ang pangalan ko sa gabi. Hehe" saad nito sabay alok ng kanyang kamay ngunit hindi ko iyon tinanggap dahil naiilang ako sa kanya dahil isa siyang bakla. Para bang nandidiri ako sa mga katulad niya. Pakiramdam ko'y pagsasamantalahan ako o di kaya'y iimpluwensiyahan upang maging katulad nila.
Pero nagbago ang lahat ng aking pananaw tungkol sa mga 'bakla' nung maging malapit kami sa isa't isa ni Romeo. Nung panahon kasi na hindi ko masyadong nakakasama si Kuya Harold ay si Romeo ang lagi kong takbuhan tuwing may problema ako. Sa kanya ko naipapalabas ang lahat ng sama ng loob ko at maging ang aking mga problema. Doon ko lang napagtanto na magaling makinig at magpayo ang mga katulad ni Romeo. Napagalaman ko rin na bukas palad sila sa mga taong nangangailangan at higit sa lahat ay masarap at masaya silang kasama. Para bang pakiramdam mo'y lagi kang nasa comedy bar o di kaya'y nanonood ka ng most funniest video kapag kasama mo sila. Ang akala kong mapagsamantala at masamang tao ay sila pala yung masasabi mong tunay na kaibigan.
Dalawan linggo ang lumipas. Halos hindi ko na makita ang anino ni Kuya Harold dahil ang lagi niyang kasama ay si Shane. Pakiramdam ko'y tuluyan niya nang sinira ang aming matagal na pagkakaibigan. Pero kahit na nababalewala ako sa mata ni Harold ay napupunan naman iyon ng aking kaibigan na si Romeo. Wala pang isang taon ang aming pagkakaibigan ngunit pakiramdam ko'y matagal na kaming magkasama. Halos araw araw kasi ay kasama ko siya. Ka-kuwentuhan, kakulitan, at maging sa lamunan ay siya ang aking kasama.
BINABASA MO ANG
Tanikala [Bromance/BoyxBoy]
RomanceTanikala LOVE IS ALL ABOUT TRUST. Dalawang taon na pagsasama, matagal na kung tutuusin. Pero bakit kung kelan kami nagtagal eh doon niya naman nagawang magtaksil. Nung una eh hindi ako makapaniwala at talagang ayokong maniwala...