Tanikala 8 "Halik"

526 11 2
                                    

Chapter 8 "Halik"

“Close your eyes and I'll kiss you, Tomorrow I'll miss you.”  ― Paul McCartney

***

“Destiny! Destiny!” sigaw ko at laking gulat ko nang lumingon ito sa akin. Nung una ay nabigla ako sa aking ginawa dahil hindi ko naman kasi ugali ang maging makapal ang mukha at makipag-usap sa hindi kilala, ngunit sa pagkakataong ito’y tila may kung anung nag-udyok sa akin na tawagin ito.

“Kilala mo ako?” nagtatakang tanong nito sa akin. Nung magsalita ito ay bigla akong nakaramdam ng hiya ngunit dahil pagkakataon ko na ito upang makilala siya ay talaga namang kinapalan ko na ang aking mukha.

“O...oo...ata?” nahihiyang wika ko.

“Wow! Nice to meet you?” sambit nito at tila nag-aantay na malaman kung sino ba ako.

“Jao... Jao Mendoza” lakas loob kong pagpapakilala.

“Okay, nice to meet you Jao.” Saad nito sa akin at inaabot niya ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. “Oh papaano aalis na ako, may pupuntahan pa kasi ako eh” 

“Sige Destiny, Paalam...” malungkot na wika ko, tila ba may kumurot sa aking puso nang makita kong unti-unti na siyang lumalayo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay may litanyang lumabas sa aking bibig. “I love you Destiny!” malakas at pasigaw na wika ko. Agad na lumingon ito sa akin at ngumiti. “Gumising ka nga diyan Jao!” wika nito na tila nagpagulo sa akin. 

“Hoy Jao, besty ano ba?” wika ni Romeo at niyuyugyog na pala ako dahil sa sobrang mantika kong matulog. 

Nakatulog pala ako matapos kong magsimba.

“Ha bakit Destiny?” wika ko sabay mulat ng aking mata.

“Destiny ka diyan, kaloka! Nananaginip ka nanaman! Nangangarap. Ganern?” baklang wika ng aking kaibigan na si Romeo.

“Ha? Panaginip lang ang lahat?” malungkot na wika ko, hindi ko inaakalang ang lahat ng nangyari ay isa lamang ilusyon ng aking mapaglarong isipan.

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong pumunta sa bukid kung saan madalas kaming tumambay ni Kuya Harold noon. Nahiga sa lilim ng puno’t isang ideya ang pumasok sa aking kokote. Kumuha ako ng isang matulis na bagay at inukit ang hugis puso sa ibaba ng iginuhit ni Kuya Harold at doon inilagay ko ang aking pangalan at pangalanag “Destiny” Ewan ko ba kung bakit ko naisip yun pero nung matapos kong maiukit iyon ay tila ba may saya akong naramdaman. 

“Simula ngayon, ako at si Destiny ay para sa isa’t isa na. Ikaw ang magiging saksi niyan kaibigang puno. Kapag nakilala ko na si Destiny ay dito ko siya unang dadalhin, sayo ko siya unang ipapakilala. Ikaw ang makakasaksi sa pagmamahalan namin ha? Bawal ang KJ!” pagsasalita kong mag-isa at sa bawat linyang aking binibigkas ay unti-unting tumutulo ang aking luha. 

Maya-maya ay bigla nalang akong nagulat nang may magsalita sa aking likuran.

Tanikala [Bromance/BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon