Chapter 6 “Pulang Rosas”
“I know...and I love you. But I don't think we love each other in the same way. And...I think keeping you near me, would destroy me.” ― S.C. Stephens, Thoughtless
***
Isang linggo ang mabilis na lumipas at dahil sa pag-amin kong iyon ay mas lalo kaming nagkalapit ng matalik kong kaibigan na si Romeo. Noong una niya pa lang daw akong makita ay alam niya nang may durong berde ako. Labis naman ang kanyang saya nung malaman niyang sa kanya ko ito inamin at sinabi niya rin na masaya siya dahil tanggap ko na raw kung sino at ano ako. Sinabihan ko si Romeo na i-sekreto namin ang aking kasarian dahil hindi pa ako handang umamin sa aking mga magulang at hindi ko pa kayang ipakita sa buong mundo kung sino ako. Sa parte naman namin ni Kuya Harold ay pinagplanuhan na namin ang aming gagawing pangliligaw kay Shane. At ang lalaking pumukaw naman ng aking atensiyon? Hindi ko na siya muling nakita pa. Marahil ay lumipat ito ng tirahan o di kaya'y magkaiba lang talaga kami ng oras.
Isang buwan pa bago matapos ang klase at ang balak namin ni Kuya Harold na gagawin naming bongga ang pagpo-propose dito. Oh diba ang bongga? Mangliligaw lang pero para nang ikakasal.
Habang nagku-kwentuhan at nagpa-plano kami ni Kuya Harold ay hindi ko maiwasang mainggit dahil hindi ako ang makakaranas ng sayang madarama ng liligawan niya.
"Ano kaya ang magandang bulaklak tol? White rose o Red rose? Ano kaya ang mas magugustuhan ni Shane?" pagtatanong ni Kuya Harold sa akin at syempre nainggit ulit ako dahil sa buong buhay ko ay pinangarap kong bigyan ako ng kahit isang pirasong bulaklak. Minsan napag-isip isip ko na bakit kaya hindi nalang ako naging babae? Papaano kaya kung ako yung liligawan ni Kuya Harold. Pero malabo iyon dahil nasa realidad tayo. Libre at masarap ang mangarap pero may kaakibat itong sakit dahil minsan yung pangarap mo ay malabong matupad...
"I think mas better yung Red rose kuya. Kasi yung red it symbolize as love. At isa pa'y mas ma-aappreciate nila ito." ani ko sabay talikod sa kanya upang hindi niya mahalata ang unti unting pagtulo ng aking luha. Maaaring sa paningin niya ay madali lang ang ginagawa kong ito ngunit nagkakamali siya dahil sa pagkakataong ito ay para akong pulang rosas, pilit kong pinanghahawakan ang pagmamahal ko para kay Kuya Harold kahit na nararamdaman ko ang sakit at pighati sa pag-asang maaring maging kami. Ngunit katulad rin ng isang oras, habang tumatagal ito ay nalalanta ito. Parang ang pag-asang pinanghahawakan ko unti unting naluluma at namamatay.
"Sandali tol... Umiiyak ka ba?" sambit ni Kuya Harold nang mapansin niyang nagpunas ako ng aking luha.
"Hindi K-kuya... Napuwing lang ako. Wag kang mag-alala sa akin, okay lang ako." ani ko sabay ngiti.
Natapos ang gabing iyon sa pagbabasag ng alkansya ni Kuya Harold. Kailangan niya kasi ng perang ipangbibili sa mga bagay na gagamitin niya para sa pangliligaw.
Kinabukasan ay araw ng lunes at habang paakyat ako ng hagdanan papunta sa aming silid aralan ay may nadidinig akong tili at palakpakan. At dahil sa pagtataka kung ano ang nagaganap sa aming klase ay binilisan ko ang paglalakad. At nung papasok na sana ako ay nakita ko si Kuya Harold na nakaluhod at may hawak na pulang rosas at tsokolate at tila naghihintay na kunin iyon ni Shane. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng selos, panghihinayang at siyempre inggit. Habang ang lahat ng mata ay nakatutok sa kanila, ang mata ko naman ay hindi maiwasang mapaluha. Pakiramdam ko'y may tumamang sibat sa aking puso. At dahil hindi ko na natiis ang sakit na dulot nito ay tumakbo ako papalayo sa kanila. Nagpunta ako ng canteen at doon pinalipas ang sama ng loob.
"Heto ang panyo ohh... Punasan mo yang luha mo. Hindi bagay sayo ang umiyak." wika ng isang lalaki at iniabot ang kulay puting panyo. Nung tignan ko kung sino ito ay si Erson Jay pala o mas kilala sa tawag na EJ. Siya yung nerdy at laging top one sa aming klase. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga close o kaibigan itong si EJ. Ni hindi ko pa nga ata ito nakakausap o nakukumusta lang. Hindi ko rin kasi gusto ang ugali niya. Para bang siya yung laging bida sa klase dahil matalino at nayayabangan rin ako sa kanya dahil sa tuwing makakasagot ito ng tama ay titingin sa akin at ngingiti. Pero sa pagkakataong ito ay napagtanto kong mabait naman pala siya. May pagkasuplado nga lang dahil pagkatapos kong tanggapin ang kanyang panyo ay tumakbo ito at tuluyan akong iniwan.
"Hindi man lang ako dinamayan ng mokong." sa isip-isip ko sabay pinunasan ko ang aking mga luha. Nung tignan ko ang kanyang panyo ay may napansin ako. Bukod kasi sa mabango ito ay may nakaburda pang pangalan. At nung basahin ko ay ang nakalagay ay "Erson Jay love J." at may puso pa sa dulo ng letrang J. Nagtataka man kung sino ang J na kanyang minamahal ay isinawalang bahala ko nalang iyon.
Nung mahimasmasan ako at nawala ang mugto ng mata ay napagdesisyunan kong pumanik na sa aking klase. Nung nasa loob na ako ng aming silid aralan ay banayad sa mukha ni Kuya Harold ang saya. Nung tignan ko naman si Shane ay nakangiti ito at hawak hawak ang isang boquet ng pulang rosas at tsokolate. Inaamin ko nung oras na iyon ay labis ang selos na aking nadarama ngunit binaling ko nalang ang aking atensiyon sa iba. Nakinig ako sa aking guro at hindi ko namalayan ang oras hanggang sa natapos na ang aming klase. Nung mag-uwian na ay dire-diretso ako sa paglalakad pauwi sa aming tirahan ngunit nagulat nalang ako nang makita kong sumasabay sa paglakad ang aking matalik na kaibigang si Romeo.
"Besty lagi akong nandito para damayan ka at payuhan. Bestfriend mo ako at makikinig ako sa lahat ng problema mo..." pambungad na pagsasalita ni Romeo. Malupit talaga itong kaibigan kong ito. Alam na alam kung kailan ako may problema.
"...Besty ang sakit sakit pala." iyon palang ang aking nasabi ay tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha at agad naman akong niyakap ni Romeo.
"Sige lang Besty... Iiyak mo lang ang lahat ng iyan. Kung yan lang ang tanging paraaan upang mawala yang sakit na nararamdaman mo." payo sa akin ni Romeo. Ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko kay Romeo at andiyan nga siya para pakinggan ako at damayan.
"Masakit pala Besty kapag hindi mo masabi yung nararamdaman mo para sa isang tao. Para akong sasabog sa sobrang selos. Alam ko naman na wala akong karapatan na pigilan siya dahil sino ba ako sa buhay niya? Hindi naman ako importante sa kanya at wala naman talagang pag-asang maging kami eh..." pagku-kwento ko at tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha.
"...at isa pa'y hindi niya naman ako mahal. Lalaki siya at babae ang gusto niya." pagtutuloy ko.
"Besty payo ko lang ha? Papaano mo malalaman yung saloobin niya o yung nararamdaman niya para sayo kung hindi mo sasabihin sa kanya. Malay mo yung pagmamahal na inalay mo para sa kanya ay kaya niyang suklian? Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Ang sabi nga ng isa nating guro ay 'Experience is the best teacher' kaya kung masaktan ka man dahil hindi ka niya mahal at least nalaman mo at hindi ka umasa di'ba? Kasi the more na umaasa ka mas lalo ka lang nasasaktan..." litanya sa'kin ni Romeo na nagbigay ng inspirasyon sa akin na sabihin ko kay Kuya Harold ang tunay kong nararamdaman. Tama si Romeo, mas okay ng masaktan kaysa sa umasa ka sa wala.
"Maraming salamat Besty. At nang dahil sayo ay naliwanagan ako at naging mas bukas ang isipan ko." sambit ko sabay yakap kay Romeo.
At nung araw na nagusap kami ni Romeo ay may nabuong desisyon sa aking isipan at iyon ay ang sabihin ko kay Kuya Harold ang katotohanan.
Itutuloy…
BINABASA MO ANG
Tanikala [Bromance/BoyxBoy]
RomanceTanikala LOVE IS ALL ABOUT TRUST. Dalawang taon na pagsasama, matagal na kung tutuusin. Pero bakit kung kelan kami nagtagal eh doon niya naman nagawang magtaksil. Nung una eh hindi ako makapaniwala at talagang ayokong maniwala...