Chapter 5 "Hawla"
“You see, you closed your eyes. That was the difference. Sometimes you cannot believe what you see, you have to believe what you feel. And if you are ever going to have other people trust you, you must feel that you can trust them, too--even when you’re in the dark. Even when you’re falling.” ― Mitch Albom, Tuesdays with Morrie
***
Pagkatapos naming magsimba ni Romeo ay agad kaming naghanap ng makakainan. Pero hindi pa kami nakakalayo sa simbahan ay tila dinala ako ng aking paa sa manghuhula. Nagtaka si Romeo dahil tinungo ko ang lugar kung saan may mga nanghuhula ng kapalaran. Tinanong ako nito kung bakit ako pupunta doon ngunit tila wala akong nadinig sa kanyang sinabi.
"Hijo!Halika huhulaan kita. May kakaiba akong nararamdaman sayo." aya sa akin ng isang matandang babae.
"Ako po?" nagtatakang tanong ko at tinuro ko pa talaga ang aking sarili. Tumango ang matanda at kusa akong lumapit sa kanya upang malaman rin ang aking kapalaran.
Pagkapunta ko sa kanyang pwesto ay agad akong naupo at gayun rin si Romeo na halatang iretable sa aking ikinikilos. Agad na binalasa ng matandang babae ang kanyang mga baraha at pagkatapos niya itong balasahin ay ikinalat niya ito sa mesa.
"Pumili ka ng tatlong baraha Hijo." mahinang boses ng matanda. Sumunod ako sa sinabi niya at pagkatapos kong makapili ay ibinigay ko sa kanya ito.
Pagkaabot ko sa kanya ay agad niyang binuksan ang unang baraha. Nang tignan ko ang matanda ay nakita kong nakangiti ito at tila may magandang balita para sa akin.
"Hijo! May karelasyon ka ba?" simpleng tanong sa akin ng matanda na agad ko namang sinagot ng wala.
"Sinasabi rito sa una mong baraha na su-swertehin ka sa iyong buhay pag-ibig.May isang taong magpapatibok ng iyong puso at mamahalin mo ng husto.Tatanggapin ka nang taong ito at mamahalin ka rin ng wagas. Ibibigay sayo ang lahat at siya rin ang magpapangiti sa iyo sa bawat umaga. Ma-swerte ka dahil malapit na siyang dumating sa buhay mo." pagku-kwento ng matanda sa aking magiging kapalaran. Sa sinabi ng matanda sa akin ay hindi ko naiwasang kiligin dahil tila tugma ito sa aking nararamdaman.
Pagkatapos niyang isalaysay ang unang barahang napili ko ay sinunod niyang buksan ang pangalawang baraha. Pagkabukas niya ng baraha ay tila nagulat ito.
"Ma-swerte ka talaga Hijo dahil hindi lang sa pag-ibig ang iyong swerte dahil magiging mapalad ka rin sa iyong buhay. Aasenso ka at aangat ang iyong estado ng buhay." wika ng matanda. At pagkatapos niyang sabihin ang pangalawang baraha ay labis akong natuwa dahil bukod sa magiging matagumpay ako sa buhay ay magkakaroon pa ako ng pag-ibig.
"Taray! Ikaw na ang pinagpala Besty!” pagsasalita ni Romeo.
Hindi na nga nagtagal at binuksan na nang matanda ang ikatlong baraha. Nakita ko sa kanyang mukha ang labis na takot.
"Mabuting umuwi ka na Hijo. Hindi ko na kayang hulaan pa ang kapalaran mo." ani ng matanda at banayad pa rin sa kanyang mukha ang labis na takot at kaba. Nakita ko rin na pinagpapawisan ito at nanginginig ang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Tanikala [Bromance/BoyxBoy]
RomanceTanikala LOVE IS ALL ABOUT TRUST. Dalawang taon na pagsasama, matagal na kung tutuusin. Pero bakit kung kelan kami nagtagal eh doon niya naman nagawang magtaksil. Nung una eh hindi ako makapaniwala at talagang ayokong maniwala...