Jade POV
Pag gising ko ay naramdaman kong masakit ang ulo ko na parang pinipiga ito. Ito na nga ba sinasabi ko e. Hangover jusko! -.-
Pagtayo ko ay dumaretso na ako sa bathroom at naligo na para kahit kaunti ay mahimasmasan na ako at mabawasan ang sakit ng ulo ko. Di nagtagal ay pagkatapos kong mag ayos ay may naririnig akong kwentuhan sa sala kaya dali dali akong bumaba.
Laking gulat ko ng makita ko si althea. Kasama si mama at papa. Si ahya Paul ay kakababa lang nito at diman lang nagulat ng makita si althea. Oh anong meron?
"Alam ko nagtataka ka kung bat ang aga ni althea dito diba yon?" Tanong ni kuya. Kilala talaga ako nito e!
"Oo. Sino banaman hindi magugulat e diko expect na alam nya ang bahay natin" Pabalang na sagot ko. At tumawa lang ang magaling kong kuya.
"Nagtanong kasi siya. Kaya ayun sinabi kona. Besides baka gusto mong pakilala ang bisita mo kina mama at papa?" Natatawa nitong sabi.
Kaya pagkatapos namin mag usap ay dumiretso na kami sa sala at dun nakita namin si mama at papa na masayang nakikipag usap kay althea.
"Oh yon! Paul! Kain na kayo". Aya ni papa.
"Opo pa." Sabi ko naman habang nakatingin sakanilang tatlo.
"Yon?! Ang bait pala nitong kasama mo e. Ang sarap niyang kakwentuhan". Sabi naman ni mama. Halata sa mukha nito dahil panay ang ngiti.
Diko namalayan na ang dami pala ng almusal. Sgurado sira diet ko nito. Himala? May pafiesta ata si mama at papa.
"Ma , Pa? Si althea nga po pala classmate ko". Pakilala ko kay althea.
"Hello po ulit tito". Nahihiya namang sabi ni althea sabay kamot sa noo. Ang cute nitong mahiya hahaha!
"Just call me tito felix , tita amanda althea." Sabay sabi naman ni papa. Namula naman si althea.
"Ah! Thankyou po tito and tita sa pagwelcome sa bahay nyo po hehe" Sabi ni althea. Jusko! Ang cute nya nawala hang over ko sakaniya hahaha.
"Wala yun iha! Besides kaibigan kanaman ng mga anak ko kaya okay lang". Ngiting sabi naman ni mama. Napakasupportive talaga nila.
"Sana maging kaibigan mo din ang panganay namin. Punta ka ulit dito kapag andito na siya ha? Papasabi ko nalang kay yoyon na abisuhin ka. Maraming salamat sa mga dala mo iha sana hindi kana nag abala pa. Nakakahiya naman sayo". Sabi naman ni papa.
"Wala po yun tito". Sabing nakangiti naman ni althea.
Okay?! Di ako na orient ha parang close na sila. Kame naman ni paul ay umupo na para makapag almusal. Katabi ko si althea samantala si ahya Paul ay nasa tabi ni mama at si Papa ay nasa unahang gitna namin.
"So althea kamusta naman tong anak ko? Diba matigas ang ulo , pag magkakasama kayo". Pag iintriga ni papa kay althea.
"Good girl naman siya tito , may pagka makulit nga lang po". Suhol naman ni althea. Kaya tiningnan ko ito ng masama. Ang loko ay tumawa pa!
Si althea naman ay natatawa dahil sa kakulitan ni papa. Napuno ng tawanan ang agahan kaya di namin namalayan na may pasok pa pala kami. At nagpaalam muna kami ni ahya Paul kina mama at papa.
"Ma , Pa! Pasok napo kami. Sasabay nalang kami ni yon kay althea". Sabi ni Ahya Paul.
"Osya! Basta mag iingat kayo ha? Althea? Drive ng mabuti. Ikaw na bahala sakanila". Paalala ni mama.
"Opo tita. Mauna napo kami". Sabi naman ni althea. Kaya bago pa kami makalabas ay nagmano muna kami.
"Bye ma , Pa". Sabi namin ni Ahya Paul.
BINABASA MO ANG
Loving You In A Mysterious Way (Complete) ✔
FanfictionAng storya na ito ay kathang-isip lamang at pawang walang katotohan. Bilang isan fan ng RASTRO/JATHEA nakaka inspired gumawa ng story dahil sila ang inspirasyon mo. Kwento ito ng isang straight na dalaga at sa hindi inaasahan siya ay mahuhulog sa ka...