CHAPTER 1: LIA and her IDEAL ABSTRACT MAN

251 16 4
                                    

CHAPTER 1:        LIA and her IDEAL ABSTRACT MAN

        "Hi I'm Annlia Amethyst Vidanes Zulueta but you can call me "Lia" for short or whichever way you want. I'm taking up medicine in a famous University in Manila."

        Maganda, mabait, matalino, mayaman, etc. She had every girl's dream......... cars, condo, money, beauty, except for one thing: LOVE LIFE. And that is the very reason why despite all of those splurge, she still feel incomplete.

        Only daughter kasi si Lia, she's the youngest. She has 2 older brothers, si Quen who is a model and  Matteo, an architect who is now making his own name on the industry. Hilig talaga nilang tatlong magkakapatid ang i-push ang sarili nilang mga gusto. Ayaw nila ng dictated sila. Si Quen, graduate ng Engineering which is their dad's choice pero umandar ang sarili nyang passion sa Modeling. Gwapo kasi si Quen, Simpatiko. yung tipong drop-dead-gorgeous! Parang bang yung model ng guess na black and white na makikita mo sa billboard.

        Close sila Lia at Quen since sila ang magkasunod, they consider each other "partners in crime". "Iba talaga kapag passion mo yung ginagawa mo e. Nase-self motivate ka tska parang hindi ka nagtatrabaho kasi nag-eenjoy ka.." sabi ni Quen kay Lia.

        "Kaya ikaw, kung ano yung totoong gusto mo, dun ka. Wag kang papayag na ibang tao ang magse-set ng future para sayo. Let it be on your own hands para at your own risks na din," natatawang sabi nito noong minsang pagkkwentuhan nila bago mag-enter si Lia sa college.

        Ang gusto kasi ng mama ni Lia para sa kanya noon ay anything that has something to do with Fashion dahil bagay daw sa kanya since maganda sya. Pero she insisted na gusto nyang maging Doctor para makatulong sa mga nangangailangan at hindi para rumampa sa Runway para pagusapan lang ng ibang mga model at makipagplastikan kung sino ang pinakamaganda sa kanila.

        Minsang nasa Veranda sila, napag-usapan nila Lia, Mama nya at ng Mamita nya kung bakit wala pa syang boyfriend. 

        "Pare-pareho lang naman kasi ang mga lalaki. Kapag nangliligaw pa lang, akala mo napakabait at seryoso. Pati ang buwan at bituin idinadamay pa sa kasinungalingan nila. Daig pa si Romeo sa gawa ni Shakespeare. Pero kapag kayo na, nun mo pa lng malalaman ang tunay na ugali. They are all the same.." ismid ni Lia.

        Hindi naman sa may pagka-man hater si Lia... Nagkaboyfriend naman sya nung highschool. Kaibigan nya pa nya, first love nilang pareho... everything is perfect...kaso first heartbreak lang din pala ang ending. Pano JS Prom, nahuli nya sa may sulok na may kahalikang ibang babae. at of all the people, sa girl bestfriend pa talaga nya. yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi na sya nag-boyfriend ulit. Madaming nanliligaw kay Lia pero binabasted lang nya lahat. Nandyang may artista na kapatid ng bestfriend nya sa med school, kaya lang may sabit na. Meron ding basketball player, naisip naman nya na baka puro bola lang ang gawin sa kanya nito. Anak ni congressman, apo ni mayor, pamangkin ni Governor, anak ni kapitan Chekwa.....Pero wala pa din syang nagugustuhan.

        "Ano ba naman iha, 24 ka na wala ka pa ding boyfriend? Madami namang nanliligaw sayo mag-try ka lang kahit isa lang iha... give them chance to prove themselves! Hindi yung pag nagpadala ng bulaklak dito sa bahay e nirereturn to sender mo agad sa delivery boy o kya binibigay mo sa driver. yun tuloy sila na nung isa nating maid dahil dun nya binibigay ang bulaklak na pinamimigay mo. Naunahan ka na ng lahat!" Sabi ng Mamita nya. Mamita is Lia's grandma who's age doesn't show dahil dati itong reigning beauty queen. Title holder at obviously naman na namana yun ni Lia.

        "Kasi naman Mamita, wala pa akong nagugustuhan sa kanila. Oo nga mayayaman sila, e ano naman? I don't care! I have my wealths too kaya hindi ko kailangan ang ganung types ng lalaki. They are not the type of guy I should be marrying.", sagot ni Lia.

        "Mas ayos na yun iha para financially stable kapag nagkataon.." dagdag naman ng Mama nya who is known to be a business woman. Nag-joint force pa ang dalawa dahil excited na silang magka-boyfriend ang only girl nila.

        "Hay naku Mama! How many times do I need to tell you na ayoko magpakasal ng dahil lang sa pera, sa merge.....Super allergic ako sa mga terms na yan! Ang gusto ko yung lalaking mamahalin ako dahil sa imperfections ko at hindi yung sa mga bagay na meron ako. How can you tell na true love yun if good qualities lang ang nagustuhan nya skn? Ang hinahanap ko, someone who will love me at my worst. Yung tipong titiisin tong kamalditahan ko, kapag tinotopak ako." Lia insisted (with rolling eyes.)

        "Alam mo iha, hindi boyfriend ang hanap mo.... Santo! Bahala ka  na nga dyan. When you started talking about that abstract ideal guy of yours wala na kong masabi!", her mom said.

(Lia smiled devilishly) "So finally I won this argument... YESSSSSSS!" 

        -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mr. Mysterious (The Inexplicable Man)Where stories live. Discover now