CHAPTER 9: RUNAWAY
6:00 am
Ang agang nagising ni Lia. Pagkabangon, agad syang tumingin sa salamin tulad ng nakagawian nya pero may isang bagay ang hindi sya sanay makita araw araw, nagulat sya nang makitang lumalaki na ang eyebags nya. “Oh no! You haven’t rested well Lia!” Napuyat kasi sya kagabi dahil sa kakahintay sa text ni Eric at maaga syang gumising marahil na din siguro sa excitement na hindi naman nya sigurado kung tuloy nga ba o hindi. After breakfast, nahiga lang sya ulit dahil mamaya pa naman ang pasok nya.
Saturday (1-3pm) nabasa nya sa sticky note na nasa dingding ng kwarto nya. Maluwag ang sched nya kaya madami syang oras para mapaghandaan ang magiging pagkikita nila ni Eric mamaya. Habang nasa eskwelahan, wala syang focus dahil 2pm na at hindi pa din nagrereply si Eric sa text nya dito kagabi.
“Should I text him again?” pero naisip naman nya na natanggap naman tyak nito ang text nya at wala syang magagawa kung ayaw nitong sumagot sa kanya. Tumingin lang sya sa bintana ng classroom nila, tinitignan ang mga estudyanteng nagsasalimbayan sa hallway.
“Pakiramdam ko hindi na kami tuloy..” malungkot na sabi ni Lia sa sarili.
1 message received:
From Andrew
-Lia what time do I have to pick you up?
Lalo syang nalungkot dahil sa naudlot na lakad nila ni Andrew.
-You don’t have to. It’s cancelled., sagot nya dito.
Ilang oras pa ang lumipas at hindi na talaga nagtext ang katagpo nya. Natapos na ang 3hours na napakaboring na lecture sa kanila ni Sir Alfarafa. Nawalan na sya ng pagasa na matutuloy pa sila kaya pagkadismiss ng klase, pumunta na sya agad sa parking lot ng school nila. “Baby you need a wash.” Sabi nya sa namumuti sa alikabok nyang kotse habang binubuksan nya ang pinto nito.
Habang nasa kalagitnaan ng Emerald street, nadinig nyang may nagtext sa cellphone nya. Sa una ay nagulat sya dahil naisip nyang bka si Eric ang nagtext pero agad din itong napawi dahil narealize nyang siguradong hindi si Eric yun dahil hindi naman siguro ito maglalast minute text para sabihing tuloy sila. Inabot ng isang kamay nya ang bag at hinalukay kung nasaan ang cellphone nya habang ang kabila naman nyang kamay ay nakakontrata sa manibela. “Finally!” matapos ang limang minuto nyang paginspeksyon sa wakas ay nakapa na nya ang telepono nya.
1 message received:
From Eric
-Hi. Tuloy tayo mamaya.
CITEȘTI
Mr. Mysterious (The Inexplicable Man)
Dragoste"Bakit mo ko binabalikan ngayon when you dumped me two years ago!!? Anong excuse mo!? Will you tell me the truth this time!? Even just for this time!?" Lia cried. But as she walked away, Ron hugged her from behind. "No Lia.. Don't go.. I can'...