CHAPTER 10: HEARTFELT REALIZATIONS
Wala nang tao sa kalsada kung hindi ang mga tambay na nag-iinuman. “Oh tagay!” alok sa kanya nito pero hindi na lang nya pinansin dahil sanay na sya. Ilang hakbang pa mula sa tarangkahan ng bahay nila ay nakapasok na din sya sa bahay gamit ang duplicate key na nasa kanya. Nakita nyang nakatulog na pala si Celine kakahintay sa kanya kaya mabuti na lang at nailock nito ang pinto gaya na din ng utos nya para na din sa seguridad nito. Habang hinuhubad nya ang sapatos na suot, hindi nya napansin na nagising pala ang natutulog sa tabi nya.
“kumusta yung lakad mo kanina kuya?” tanong ng kapatid nya habang nagkukuskos pa ng mata dahil sa pagkakagising nito. “Okay naman ang lakad ni kuya..” nakangiting sagot nya sa kapatid na parang matanda makipagusap. “Teka kumain knb?” pagaalalang tanong nya dito.
“Ano bang ginawa nyo kanina nung babaeng lagi mong kinukwento sakin kuya? Yung sabi mong maganda, mabait tska tumulong sayo..” sunod sunod ang tanong nito na kahit hindi pa nasasagot ni Ron ay may kasunod nanamang panibago.
Natawa lang sya dahil sa pangungulit ng kapatid. Hinimas nya ito sa ulo at pinindot ang ilong, “ikaw talaga ang kulit kulit mo! Wala kaming ginawa sinoli lang nya sakin yung wallet ko na napulot nya.” Kwento nya sa nakababatang kapatid.
“Talaga kuya? Di ba turo mo sakin yun na kapag may napulot akong bagay na hindi sakin dapat kong isoli sa totoong nagmamayari?” pabibong sabi nito sa kuya na lalo namnag ikinatuwa ng nakakatanda.
“Ikaw talaga… oo tama yun. Kasi kawawa naman yung may-ari siguradong hahanapin nya yun kaya dapat nating isoli,” pangaral nya sa kapatid.
“Oh matulog kana at may pasok ka pa bukas” utos nya kay Celine dahil lumalalim na din ang gabi. Si Celine ang nakakabatang kapatid ni Ron, na nasa grade 1 pa lang.
“Opo.Goodnight kuya!” masayangsabi nito sabay halik sa pisngi ng kuya. Hinalikan naman sya ni Ron sa noo. “Hindi ka pa nagdadasal.” Pahabol nya.
Pagkatapos magbihis, tinabihan na din nya si Celine sa higaan. Hindi naman sya makatulog ang daming bumabagabag sa kalooban nya. “Boyfriend kaya nya yung kasama nya sa parking lot…” tanong nya sa sarili.
“Hindi pwede! Ron wag ka nang mag-ilusyon dahil hindi ka magugustuhan nun. Ang tipong lalaki nun e yung mayaman, may magandang sasakyan at lalaking maipagmamalaki nya. Hindi tulad mo, tuition mo nga hindi mo mabayaran!” yamot nyang babala sa sarili. Tumitig lang sya sa kisame at tila binibilang ang bawat tulo ng ulan na pumapatak dito.
“Mali yung ginawa mo Ron, maling mali.” panghihinayang nya.
Pinapanuod lang ni Lia mula sa bintana ng kwarto nya ang bawat patak ng ulan dito. Naka-on ang music sa ipod touch 5g nya kaya lalong nagsentimyento ang dalaga. Nang tumugtog ang Dark Side ni Kelly Clarkson, sumagi sa isip nya si Ron. Naisip nyang masyado syang naging obssesed sa taong iyon.
“Lia cheer up! Bakit ka ba nagkakaganito? Parang hindi na ikaw yung Lia na kakilala ko. Hindi ikaw yung Lia na naghahabol sa lalaki, it’s more like yung Lia na hinahabol ng mga lalaki.” Galit nyang realization. Nakashuffle ang playlist nya kaya hindi nya alm na ang susunod na palang tugtog sa playlist nya ay ang SOMEBODY THAT I USED TO KNOW. Animo ba puppet si Lia na dalang dala sa mga kantang napapakinggan sa playlist nya. Pakiramdam nya, personal na ginawa ang kanta para sa kanya nang mga oras na yun. Dahil na din sa lyricsng kanta, naisip nyang dapat nasilang mawalan ng koneksyon ni Eric tutal naman at wala na din itong pakialam sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at iniscan ang phonebook..
ERIC 0916-------
DELETE CONTACT?
Pinindot nya ng walang pagaatubili ang “Yes” bago pa man magbago ang isip nya. Pati sa filter ng cellphonenya binura na din nya ito para wala na syang backup. Matapos mabura, nakaramdam sya ng panghihinayang pero hindi nya ito dapat maramdaman kaya pinigilan nya ang sarili.
“Lia kaya mo yan! Nabuhay ka ng wala sya kaya you can do it!” Favorite nya itong quotation dahil nacocornyhan sya sa mga taong parang ginagawang oxygen ang love, you can’t live without it eka pero masakit pala talaga kapag naramdaman mo pero kailangang wag syang tablan. Pabalik na sana sya sa kama para matulog na nag dumiretso muna sya sa ilalim ng study table nya at inabot ang trash can. May balak pa sana syang hanapin naman doon ang papel na may number ni Eric pero laking gulat nya nang wala itong laman. Natapon na yata ng maid dahil ito lang naman ang kumukuha nito sa kwarto nya. Para syang narelieve na di nya maintindihan. “So this is it Lia, you have no choice but to move on. And FYI lang girl, kayo ba?” she asked herself sarcastically.
Nagsuklay lang sya ng buhok at naglagay ng moisturizer sa mukha bilang parte ng beauty routine nya. Pagkatapos magbeauty rituals, sumampa na sya sa kama. Mabuti na lang at Sunday ulit bukas kaya pwede syang magpetiks, tutal din bigayan lang naman ng exam results nila this coming week.
“Okay back to normal.” Lia sighed hanggang sa nakatulog na sya.
-----------------------------------------------------------------------------------
“Awwww” yun na lang ang nasabi ni Lia matapos magising kinaumagahan dahil sa matinding sakit ng ulo. “Uggh nasobrahan yata ako sa tulog.” Kinuha nya ang cellphone para icheck kung anong oras na.
2 messages received:
From 0916-------
Nagmulagat ang mga mata ni Lia sa nabasa nya.
YOU ARE READING
Mr. Mysterious (The Inexplicable Man)
Romance"Bakit mo ko binabalikan ngayon when you dumped me two years ago!!? Anong excuse mo!? Will you tell me the truth this time!? Even just for this time!?" Lia cried. But as she walked away, Ron hugged her from behind. "No Lia.. Don't go.. I can'...