CHAPTER 7: THE GAME

54 10 0
                                    

CHAPTER 7: THE GAME

        Naisipan ni Lia na itext is Andrew kaya inabot nya ang cellphone nya mula sa side table ng kama nya. “Hey Andrew this is Lia. Save mo tong number ko for special purposes. Goodnight!”

        Sa kabilang linya, natawa naman si Andrew sa nabasa nyang text galing sa dalaga. Sinave nya ang # nito pero hindi sya nagreply.

        Kinabukasan, biglang tumunog ang cellphone ni Lia habang nasa kalagitnaan sya ng boring na discussion nila sa school, galing kay Andrew. “Hey buddy, are you free tonight? Let’s hang out! Tour mo naman ako dito sa Pilipinas oh? Not yet familiar with the places e.” may smiley pa sa dulo ng text nito na parang nagpapacute.

        Naisip ni Lia ang plano nya, “Moment na to. Magpapasundo ako sa bahay mamaya..” nakangising sabi ni Lia. “Okay buddy pick me up at 6. For sure matutuwa ang elderlies kapag nakita ang presence mo sa bahay..” may smiley na nakalabas ang dila pa sa text ni Lia kaya lalong natawa ang kaibigan.

        “Hey you’re such a bad girl!” pagbibirong sagot ni Andrew. Actually, hindi na matandaan ni Lia kailan ang huling araw na nakipagkulitan sya sa isang lalaki sa text. Kung classmate na lalaki kasi ang magtetext sa kanya, for sure na puro case study lang ang topic nila.

“You knew it from the start!” pagmamataray na text ni Lia.

        Hanggang 5pm ang klase ni Lia kaya 5:30 na sya nakauwi ng bahay. Pagdating sa kwarto, nagayos na sya kaagad dahil may lakad pa sila ni Andrew. Pagbaba nya ng hagdan, nagulat ang Mama nya ng makitang nakauwi na pala sya. “Oh iha nandito ka na pala, kakadating mo lang aalis ka nanaman?” tanong nito.

“Andrew will pick me up at 7 Ma, we’ll be hanging out.” Sagot nya.

“Hanging out or is it a date?” usisa ng mama nya. Aminado ang Mama ni Lia na gusto na din nya si Andrew para sa anak,.Gwapo, magalang at mukha naman kasing mabait ito ng magpakilala sa kanila noong dinner pero nagulat sya sa ikinikilos ni Lia. Napakabilis naman  kasi ng mga pangyayari, parang kagabi lang e nagagalit pa si Lia habang nagdidinner at ngayon magdadate na ang dalawa.

“Friendly date lang Ma,…”pakipot na sagot ni Lia sabay flip ng buhok.

         “Madam may naghahanap po kay senyorita, yung gwapong nandito kagabi?..” sabi ng atribidang maid habang kasunod na nyang pumasok si Andrew. “Hi tita, I’m here to see Lia..” nkangiting sabi nito.

“Iho, here you are. Kmusta ang Mama mo?” 

        “Naku out of town po tita, umalis sila ni Dad kanina to check our vacation house. I can’t make it lang kasi may pasok po ako sa school..”magalang na sagot nito.

“We’re going…”paalam ni Lia.

        “Okay. Iho drive carefully ha, ingatan mo itong dalaga ko. I trust you…” bilin nito sa binata bago umalis.

“You’re rest assured tita.” magalang na tugon naman ng binata.

Mr. Mysterious (The Inexplicable Man)Where stories live. Discover now