CHAPTER 8: THE PREPARATION

40 9 0
                                    

CHAPTER 8: THE PREPARATION

 

        Habang nkahiga sa kama nya, tinititigan ni Lia ang number ni Eric na nakuha nila ni Andrew sa manager ng resto. Hindi sya makapaniwala na sobrang hopeless na nya kanina, at ngayon pwede na nya itong makausap anytime. Pero habang tinitignan nya ito, kumakabog ang dibdib nya kung paano nyang sisimulan ang pakikipagusap dito.

“Itetext ba kita o tatawagan?” sabi nya na parang kinakausap ang papel. Ang isa pa sa ikinakatakot nya e kung ano ang magiging reaksyon ni Eric kapag malaman nyang sya ang nagtext dito. Kung matutuwa ba ito o maiinis dahil tuwing nagkakaencounter sila, minamalas ito.

“Baka isipin nya na ang easy kong babae, na desperada ako or something dahil ako pa ang nanghingi ng number nya. Grabe hindi ko naman nature ang ganito, hindi ko alam bakit sayo nagkakaganito ako.”

Matapos ang isang oras ng pagiipon ng lakas ng loob, kinuha nya ang cellphone nya at naisip na tawagan na si Eric.

“0916-------“

Ang tagal nang nakatapat ng daliri nya sa call button pero hindi nya ito mapindot pindot. Sobra talaga ang kaba nya, para bang nadidinig na nya pati sariling kabog ng dibdib dahil sa sobrang lakas nito…pinagpapawisan na sya ng malagkit.. “Ano ba Lia come on! Ang tagal mo nang hinintay nito tapos ngayong may number ka na papatagalin mo pa ba?” bulong ng counter conscience nya. “Isa pa, dba wallet lang naman ang paguusapan ninyo? Bakit sobra ka kung kabahan? Akala mo aamin ka ng feelings mo ha! Take it easy” reklamo pa nito.

Napagisip-isip nya na wala nga namang masama sa gagawin nya dahil may importanteng dahilan naman ang pagkuha nya ng number nito. She has pure intentions.

“Teka, ano nga palang sasabihin ko sino ako? Yung nagalok sa kanya ng payong one time na umuulan pero hindi nya tinanggap, yung nakaaksidente sa kanya nung tumatawid sya papasok ng school nila o yung nagsungit sa kanya nung natakpan nya ang Sanctuary habang nagpeperform sa Heaven’s Place? Anu ba yan! Bka puro negatives ang natandaan nya sakin!” inis na sabi nya.

Matapos ang another 30 minutes na pakikipagtalo sa sarili, naglakas loob na syang pindutin ang call button.

“Calling 0916-------

Connecting”

 

“kring----kring----kring”

 

Para bang nag-ice bucket challenge ang pakiramdam nya.. sobrang lamig pero pawis na pawis sya sa sobrang kaba. Iniisip nya ang una nyang sasabihin sa lalaki sakaling sagutin nito ang tawag nya…10 minutes na ang lumipas pero wala pa ding sumasagot  sa tawag nya, “Bakit ayaw nyang sagutin?!!!” inis nya pang sabi pero ang totoo ay gusto na talaga nyang i-cut ang line bago pa sya mahimatay sa sobrang kaba. Pipindutin na sana nya ang End Call Button ng biglang nadinig nyang may nagsasalita na sa kabilang linya.

“Hello?” matipid na sabi ng lalaking nasa kabilang linya. Napakacold ng boses, monotone,, walang feelings.

Mr. Mysterious (The Inexplicable Man)Where stories live. Discover now