CHAPTER 4: OVERTHINKING
"Honey, I know we have to settle Lia's future but I think this is not a good idea. I'm sure hindi magugustuhan ng anak mo yang proposal mo, neither me." mariing sabi nito sa Daddy ni Lia. "I mean us, we are happy even if it's not set. We have amazing children, stable life.... So what can we ask for?" Lia's mom said explaining to his husband.
"I understand your point Honey, but that is us, and that is during our time. Today's generation is different. Do you think I'm doing this just for myself? No. I'm doing this for the safety of Lia knowing that she will end up with a good man." Sabi naman ng daddy nya. "Besides, there are also set ups that work. And I'm sure na kahit sinong lalaki, magugustuhan ang anak natin. And honey, relax! Hindi ko pa naman ipapakasal ang anak natin, just call this trial ang error. If this doesn't work then I have no right to insist." dagdag nito.
Patuloy sa pagdidiskusyon ang mag-asawa nang biglang lumabas si Mamita sa garden. "Ano bang pinagtatalunan nyong dalawa at kanina ko pa kayo nadidinig sa loob?!" tanong nito sa dalawa.
"Eh kasi naman Ma, itong si David gustong ireto ang Lia ko kung kani-kanino. Naaawa ako dun sa bata, yung suitors nya nga binasted nya lahat tapos sa setup lang din pala sya babagsak." paliwanag nya sa byenan.
" Ek kanino mo ba naman gustong ireto ang apo ko? Siguraduhin mo lang na okay yan at kung hindi...Ikaw David ang malalagot sakin!" pabirong babala ng matanda.
"Ma!" inis na sabi ng mama ni Lia.
"Of course ma, I will not do anything that can harm my daughter. May kaibigan kasi ako from highschool, nagmeet kami accidentally last week after my meeting with my business partners. We played golf and talked about everything. Akalain mo may unico hijo nga din pala sya. Kilala ko naman yung bata na yun mula sa pagkabata. Now He's taking up law sa UP, matalino, mabait, magalang. Classmates sila ni Lia sa kinder school dati pero I'm not sure kung natatandaan pa sya ni Lia. Hindi pa nga daw nagkakagirlfriend yun eh kaya gusto sana naming iexperiment yung dalawa kung magwowork. Para na din tuloy magkalapit na ng tuluyan ang mga pamilya natin.." kwento ni David.
"Oh e mukhang okay naman pala itong gusto ng asawa mo Elizabeth e. Sige magpapahanda ako ng dinner sa Byernes at papuntahin mo dito yang batang yan at nang makilatis natin.." utos ni Mamita sa anak.
Walang magawa ang mama ni Lia kundi sumang-ayon na lang dahil hindi sya makakontra sa asawa at mother-in-law nya. Kung tutuusin, okay sa kanya ang idea ng setting Lia with a good man pero hindi sya approve sa idea ng setup. Dati na din kasi syang naipagkasundo ng mga magulang nya sa lalaking hindi naman nya gusto. Alam nya ang pakiramdam...Mahirap.....You don't know what you have to follow, whether your head or your heart.
Inaayos na ng both parties ang wedding details ng kasal ni Elizabeth noon, ang mama ni Lia nang isang gabi, naisipan nyang tumakas mula sa bahay nila. Ni hindi nya dinala ang sasakyan nya para na din hindi na magising ang mga katulong nila. Sa isang prominenteng subdivision nakatira noon ang pamilya nila Elizabeth. May kaya ang pamilya nila pero gusto ng mga magulang nya na ipakasal sya sa anak ng kialalang businessman....Si Raymond.
Gwapo si Raymond, gwapo kung sa gwapo.. mestisuhin. May magandang sasakyan na maipangdidisplay mo, may malaking mansyon na akala mo kapitolyo sa laki. Yun nga lang, kilalang jiggolo. JIGGOLO ang tawag sa mga lalaking hindi nakukuntento sa iisang babae.Yung tipo ng lalaki na pagkahatid sayo sa bahay, may kalanndian na agad na ibang babae. WOMANIZER kung baga. At yun ang hindi gusto ni Elizabeth kay Raymond kaya ayaw nyang maikasal dito dahil aanhin naman nya lahat ng luho sa buhay kung asawa mo naman ay asawa ng buong bayan.
ESTÁS LEYENDO
Mr. Mysterious (The Inexplicable Man)
Romance"Bakit mo ko binabalikan ngayon when you dumped me two years ago!!? Anong excuse mo!? Will you tell me the truth this time!? Even just for this time!?" Lia cried. But as she walked away, Ron hugged her from behind. "No Lia.. Don't go.. I can'...