Chapter 4: Something's Weird
Nakalipas ang ilang araw. Palagi akong kinukulit ng Juice na yun na makipag date sakanya. Like seriously? As if naman papayag ako.
Kakakilala lang naman namin at lagi na lang niya akong binibwisit! Like D-U-H.
Tsaka unang una, I have a husband kahit hindi halata na mag-asawa talaga kami. Kahit nambabae siya, hindi naman ako baliw para manlalaki ako nuh? Hindi naman ako katulad niya, a jerk and a manwhore.
Pangalawa ayoko sa gulo dahil pinagbabantaan na ako ng mga babaeng baliw na baliw sa Zeus na yun! Hindi naman sa duwag ako. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. 'Yun lang. Pero simula ng dumating si Zach, gumulo na ang napakaganda kong buhay! Idagdag mo pa 'yung Zeus na 'yon? Aish lalong gumulo! Isa silang malaking malas!
Pero ayos lang yun dahil humihinga pa naman ako at buhay parin. I can handle them, although gustong-gusto ko na silang sakalin.
"Babe! Date na kasi tayo!"pangungulit ni juice na ngayong katabi ko na pala. Pano siya napunta dyan? Hindi ko man lang narinig ang yapak ng paa niya o kaya naman naramdaman man lang ang presensya niya. I really that space out?
Napairap nalang ako sa hangin at hindi na siya pinansin. Date niya mukha niya amp! Medyo nasasanay naman ako sa kakulitan niya pero ang feeling close kasi ng loko.
Tapos tinatawag pa akong babe. d-.-b
Kailan ba naging feeling close ng lalaking 'to? Simula nung gabing iniwan ko sya naging feeling close na ang hayuf at naiirita talaga ako sa pagtawag niyang 'Babe' sakin as if jowa niya ako!
Akala ko siya yung tipong parang si zach kasi nung una kong makita siya ang first emprission ko sa hayuf nayun ay 'Cold' pero nagkamali ako dahil isa siyang malaking 'HANGAL!'
Kabaligtaran lang pala.He's such a jerk!Crush ko na sana eh...you know i like cute guys pero hindi yung hayuf na juice nayun
"Babe pansinin mo naman ako! ang sakit sa puso kapag di ka pinansin ng taong mahal mo! ouch! "Sabi nito habang nakahawak sa dibdib niya. Napailing nalang ako.
Ignore.
"Babe! pinapatay mo ang puso kong duguan! "dagdag pa nito. Kawawa naman tong lalaking toh. Kulang sa pansin.
Ignore.
"Babe naman, pansinin mo ko." sabi nito sabay kalabit sa akin. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Alam mo Juice, gutom lang yan", I said to him. "Kumain ka na nga lang kesa kulitin ako."
"Papakainin mo ko?!" tuwang-tuwang sabi nito na parang hindi nakakain ng ilang taon. Seriously? Sa tingin palang obvious na mayaman tong hayuf na to!
Napaawang ang labi ko, "Hindi kita anak para pakainin ko okay?" wika ko.
"Yeah im not your son but Im your babe." he said. My mouth dropped. Hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin.
Iniwan ko nalang siya doon bahala siya mamatay sa gutom! Wala akong pakelam! Panira ng araw!
Inis na inis akong naglalakad patungong room namin! Sirang sira na ang araw ko dahil sa pesteng juice nayun! Padabog akong naupo sa upuan at dumukdok sa lamesa ko.
Nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko iyon. Isang text mula kay Zach ang nakita ko. I rolled my eyes bago binasa ang message niya.
.
💬 From: Pesteng Zach
Meet me in Parking lot. Dismissal.
BINABASA MO ANG
Married with A Vampire
VampireMarried with a Vampire Highest Rank #1 Scare #1 Creep He's a monster She's innocent He's cold She's cheerful He's undifined She's well-defined He's mysterious and.. Do you wanna know a secret? He's a VAMPIRE.