CHAPTER 1: SAVED BY THE UNKNOWN

185 13 54
                                    

THIS STORY IS NOT PERFECT. TYPOGRAPHIC ERROR EXIST. WRONG GRAMMAR ALSO EXISTED. SORRY IN ADVANCE. COMMENTS AND VOTES ARE HIGHLY RECOMMENDED.

Chapter 1: Saved by the Unknown

I'm here at the caffeteria rito sa campus. It's already nine o'clock at the morning. I'm drinking my coffee habang inis na inis na scino-scroll ang Timeline ng asawa ko. I'm stalking my husband for pete's sake!

I'm Styne Walker pero dahil sa pesteng kasalan na nangyari ay naging isa akong Vander. Ewan ko ba kung kasal pa ba ang matatawag dun.

Isang linggo na rin kaming kasal pero hindi parin ako makapaniwala na kinasal na kami. Nakakasuka ngang isipin eh.

'Edi wag mong isipin' sabi ng traydor kong utak.

Yahh! Bat may ganto akong utak?!

Ganto kasi yon.

Yung asawa ko kasi ay kung makapag-sungit sa akin parang tinalo pa niya ang may period! Ano? Siya yung babae sa amin?

Sa iisang bahay lang kami nakatira pero minsan ko lang siya makita kasi laging may lakad. Sus! Baka lumalandi lang ang gagong yun!

Pasimple ko siyang tinignan. Nakapulupot sakanya yung babaeng akala mo clown sa kapal ng kolorete sa mukha! Walang reaksyon ang mukha niya na feeling walang pakealam sa mundo. Psh! Sa dami-dami ng lugar para maglandian bat sa harap ko pa?! Ano to live p.rn? Ha?

Di man lang sila nahiya? Alam na nga nilang may asawa 'yung tao tapos hindi pa nila lubayan?! What a fcking sluts.

Lilinawin ko lang. Di ako nagseselos. Kasi pake ko sa kaniya?!

'Highblood na naman si inday' sabi na naman ng traydor kong isip.

Napasinghap na lang ako tsaka tumitig sa phone ko. Ano namang pake ko? Wala! Wala akong pake! Bahala siya sa buhay niya. Kahit na mag-asawa ang tingin samin ng nakakarami, alam naman namin na hindi talaga namin mahal ang isa't-isa.

Puro nga kamalasan ang bigay niyang lalaking 'yan sa akin. Kahapon, ako na dapat ang mananalo sa quiz bee pero umiksena siya at nagulo na ang lahat. Hindi lang kahapon, pati na rin nung isang araw at nung isang-araw pa at nung isang-araw pa!

Lagi na lang may babaeng kalandian. Halos araw-araw ay iba't-ibang babae ang kasama. Sa dami niya ng nasaktan, kaduda-duda ngang marami pa rin siyang stock ng mga clown--este babae.

Pinagpatuloy ko ang pagsco-scroll sa fb ko. Bigla itong nagvibrate at nakita ko ang message sa akin ng Panget kong asawa. Napasilip ako sa table nila at nakita ko siyang kunot noo'ng nakatingin sakin. Inirapan ko na lang siya at tinignan ang message.

💬 From: Sungit na Zach

Umuwi ka kaagad sa bahay. Dadating si Mom and she will check us.

Napaface-palm na lang ako dahil sa text niya. Bakit ngayon pa? Kailangan kong lumayo sa Masungit na 'yun! Diko matitiis na kasama siya.

💬 To: Sungit na Zach

Hindi nga? For real :<<

Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa mesa at hinantay ang reply niya sa sinabi ko.

💬 From: Sungit na Zach

Yeah. Ready your self stupid.

Tumingin ako sa gawi niya at matalim ang titig niya sakin agad ko siyang iniripan bilang ganti. Di niya ako madadaan sa mga tingin niyang yan!

💍

Im on my way papunta sa bahay ko--i mean, bahay namin ng asawa kong panget. Minaneho ko ang kotse ko at nagfocus lang ako sa daan.

Married with A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon