.
.
.
.pagkatapos ng naging lakad namin ni loui, nagpababa ako sa may kanto namin para bumili ng paboritong kong pancit ni Aling Isay.
sila kase ang pinakamasarap magluto ditong karinderya, medyo mahal nga lang ang tinda nila dahil narin sa masarap, maraming sahog at marami silang mag serve sa mga bumibili sa kanila.
mabait si Aling Isay sakin, dahil narin sa lagi akong bumibili sa kanila at lagi kong binobola ang mga luto nya para makamura ako o kaya naman minsan makalibre.
nadatnan ko si Aling Isay na nag pupunas ng lamesa sa kakatapos lang na magkakaibigang kumain doon, kaya naman agad kong inagaw ang atensyon nya sa pamamagitan ng pagtawag sa pangngalan nya.
tumingin naman agad sya at agad na binati ako"O Isabelle? ikaw ba yan? gumanda ka lalo ah, bakit medyo ginabi ka ata ng uwi? buti na lang naisip kong tirhan ka ng paborito mong pancit, tinirhan din kita ng palabok at shanghai dyan." sunod sunod na tanong nya habang pinagpapatuloy ang pagpupunas nya ng lamesa.
"naku Aling Isay naman, hindi ako maganda noh, tyaka wala akong perang pangbili sa mga iyan, baka iyong pancit nalang ang bilhin ko." sabi ko habang nahihiyang yumuko.
"hayy, tinira ko talaga to para sayo. laging kang bumibili sakin at ikaw din ang pinakaclose ko sa mga suki ko, kaya naman tanggapin mo nalang ito bilang pasasalamat sayo." sabi ni Aling Isay habang nagpupunas ng pawis na nakatingin sakin.
nagningning naman ang mukha ko, pero syempre hindi ko ipinahalata un. baka hindi pa matuloy, syempre kailangan ko paring medyo magpakipot noh.
"Aling isay, nakakahiya naman po."at kumamot ng ulo
"itinabi ko na sayo to, kaya naman kunin mo na, sayang naman ung effort kong pagtabihan ka"sabi nya, at itinigil ang ginagawa nya namang pag wawalis.
"naku, sge na nga po Aling Isay. hindi ko talaga kayang tumanggi sa masarap na luto ninyo."sabi ko habang nakaupo sa upuan malapit sa kanya.
...almost 7:30 na ako ng makauwi sa bahay namin at nadatnan ko si nanay na nakatayo malapit sa may pintuan habang hinihilot ang sintido nya.
agad kong inagaw ang atensyon nya sa pamamagitan ng malakas na buntong hininga, agad naman syang tumingin saakin.
"hmmm.. buti naman hindi ka ginabi ng sobra sa pag uwi ngayon." sabi ni nanay habang seryosong nakatingin sakin.
"pasensya na po nay, niyaya po kase ako ng kaibigan ko na mamasyal sa mall.."sabi ko sa mahinang paraan.
"mabuti naman at may kaibigan ka na, basta wag kang sasama sa mga masasamang impluwensiya ah." sabi niya at tyaka naman ako tumungo at nagtungo na sa may kusina para uminom.
laking pasasalamat ko ng hindi nya mapansin ang nangyari sa katauhan ko, i mean ung mukha ko.
pero bago pa ko makatungo ng tuluyan sa kusina, may sinabi si nanay na nakapag-pahurumintado ng puso ko.
"masyado ng komplikado ang mundo anak, sana iyang pagbabago ng itsura mo. ay hindi maging dahilan ng pagbabago ng pag uugali mo, kahit naman nagagalit kami ng tatay mo sayo hindi ibigsabihin nun ay wala na kaming pake sayo. mabait kang bata pero kaya ka namin napapagalitan ay dahil pinipigilan namin ang mga mangyayaring hindi maganda sayo.." sabi ni nanay sa mahinang paraan.
tumuloy nalang ako pumasok sa kusina, at tyaka uminom ng tubig. Naisip ko kung ano ung ibigsabihin ni Nanay.
naiintindihan ko na ayaw lang ni nanay na magbago ako, pero ano ung hindi maganda na mangyayari sakin?
bahala na nga yun, mas mabuti pang wag ng isipin baka sumakit lang ang ulo ko kakaisip.
pagkatapos kong kumain ay itinabi ko din ang hindi ko nagalaw na pancit at palabok, inulam ko nalang kase ang shanghai sa kanin dahil wala namang ulam na tinira ang mga kuya kong walanghiya.
lagi naman silang ganun, kaya nga minsan naglalakad pa ako sa kanto minsan para bumili kela aling isay. kaya suki na ko dun.
dumeretso agad ako sa maliit na silid na tinutulugan naming magkakapatid, dalawa lang na maliit na silid ang mayroon dito sa bahay.
isang maliit na silid para sa aming magkakapatid, isang maliit na silid naman para sa kila nanay at tatay.
pagpasok ko sa kwarto namin ay nadatnan ko ang mga kapatid kong kulukoy na parang batugan kung matulog.
nakanganga pa sila at sobrang lakas ng hilik, hindi ko maiwasang makaisip ng kalokohan dahil sa itsura nila.
agad kong kinuha ang pentel pen sa may maliit na study table namin sa kwarto, agad ko tinungo ang mga kapatid ko na nagsisiksikan sa banig na maliit.
ako lang kase ang nahihiga sa isang maliit na foam, dinrawingan ko ang mukha ng nakatatanda naming kapatid.
iniwan ko pa ang pentel pen sa kamay ng susunod ko na kapatid, para paggising nila mag away sila't mag sisihan.
.
.
.
.
.
.
.
A:
Ps, senya na ah? pinost ko lang tong chapter na ito for this story para kahit papaano meron syang laman. matagal ko na tong naimbak sa drafts ko kaya napag decidedan ko na iupload nalang. di ko padin ito na-eedit. so please bare with me.I know ang panget ng pagkakagawa ko at mali-mali yung grammar but lemme' tell you this.
I just wanna try my best to speak in english minsan so may mga part na may english but i'm not claiming it to be always correct
i'm flawed too.. I can always do something wrong.
and besides that, english is not my first language
you can always correct me. : )
"if i'm wrong, correct me.. Don't belittle me."-sabi nga sa librong nabasa ko.
Thank you for reading, I love you.
BINABASA MO ANG
TOTGA: The One That Got Away. (Oldest works of mine)
Teen Fiction[ 2|13|21 Update from author : Hello, I didn't change anything here because I wanna keep this for memories. I want to look back here at times that I feel down. I'm still writing stories but not posting. A lot of things happened and i'm still healing...