TOTGA: 8

132 3 0
                                    

»
»
»
»
»
»
»

sobrang laking pasasalamat ko kay loui dahil sa nangyari sakin, sa tuwing napapadaan ako sa mga bintana ng kotse dito sa parking lot hindi ko maiwasang tignan ang sarili ko dahil pakiramdam ko ibang tao ang nakikita ko.

hindi ako sanay na ganito ang itsura ko habang nakasuot ng uniporme, hindi ko lubos maisip na aabot ako sa ganitong ayos.

dapat kase hindi na ko dumaan dito.. pero wala naman akong magagawa dahil maaga pa, hindi pa bukas ang front gate kaya dito ko sa parking lot kaysa naman sa school park pa ko dumaan, edi napabili pa ko ng pagkain ng di oras.

nakarating ako sa gate ng hindi ko namamalayan, agad kong kinuha sa bag ko ang ID ko at ibinigay sa security guard.

pero hindi na ito ini-scan ng sekyu at ibinalik na agad sakin, pinapasok nya na agad ako.

ano kayang meron? samantalang dati, hindi siya naniniwala na nag-aaral ako dito dahil halata saking hindi ko kayang makapag-aral sa ganitong kagarang eskwelahan.

isinuot ko na lamang ang aking ID at nagkibit' balikat.

hindi ko padin maiwasang mamangha sa laki ng eskwelahan na ito, kahit na ilang taon na kong nag-aaral dito.

nilibot ko ang tingin at dire-deretsong nag-lakad, tyaka ko lamang napansin ang mga titig na nakakatunaw ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

ano nga bang meron? bakit ganito ako tignan ng mga ito? bakit ganun ang trato saakin ng sekyu na kaaway ko dati?

narinig ko na lamang ang mga impit na bulungan nila na hindi ko alam kung tungkol saakin.

"is she a transferee? she's really beautiful."

"I'm envy her complexion though."

"she look so angelic, siguro ibinaba yan galing sa langit."

"she's cute bro.. i'll court as soon as possible."

"no, troy! i'll be the one courting her."

ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan, sino ba ang pinag-uusapan nila?

tinignan ko ang likod ko kung mayroong tao pero wala akong nakitang kahit isang tao, kaya ako siguro ang pinag-uusapan nila..

...mukhang alam ko na kung bakit ganito ang trato nila saakin, dahil siguro sa ginawa ni loui at ng tita nya.

hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa pero hindi ko maiwasang malungkot dahil naiisip ko ang dati kong itsura, ganun na ba talaga ko kapanget noon? para hindi nila ma-recognized na ako ito, ang campus loser na binubully nila palagi dati.

siguro mukha at estado na talaga sa buhay ang kailangan para respetuhin ka ng iba, hindi ako komportable sa paraan ng pag-tingin nila ngayon.

natatakot na akong magbago ang ugali ko kagaya ng sinabi ni nanay kagabi dahil sa mga natatanggap kong papuri ngayon.

nginitian ko na lamang sila at dali-daling umakyat ng building namin, gusto ko kaseng palagi akong maaga kaya naman maaga akong gumigising at nag hahanda.

pagdating ko sa klase may mga ilan-ilan na ding tao dun, hindi ako nauna dahil napatagal ako dahil sa mga bulungan nila kanina.

pagpasok ko sa classroom ay nagtaka sila dahil hindi nila ako kilala, ibinaba ko lamang ang bag ko saaking upuan at kinuha ang librong kailangang basahin.

agad akong nagtungo sa paborito kong spot dito sa eskwelahan, pagdating ko dun ay agad akong umakyat ng puno at sumandal.

sinimulan kong basahin ang libro na aking dinala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TOTGA: The One That Got Away. (Oldest works of mine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon