TOTGA: 6

125 4 2
                                    

Author's pautot:

yey! update ulit. sinisipag ako ih. support nyo lang ung story. lablots!

Sunshine's POV

Ang saya ng araw ko ngayon kase nakauwi na si loui, at kasalukuyan kami ngayong nasa sasakyan nila.

ayaw nya kaseng magpaawat, tutupadin nya daw ung naudlot na pag fofood trip namin.

and syempre ung makeover ko DAW. ayoko na sana dahil wala namang papagandahin sakin, natural na kong panget, wala namang gaganda sakin eh.

lalo na't sobrang inborn na to, minsan nga nagtataka ako kung bakit ang panget ko talaga eh, sila mama't papa kahit mahirap lang sila, maganda't gwapo parin sila eh ako?san ko ba talaga namana ung itsura ko.

wala akong kamukha sa kanila, siguro unique lang talaga ako, may one of a kind na kapangitan.

papunta raw kami sa isang mall sa BGC, medyo malayo tong place namin dun sa mall na un kaya medyo matagal ang byahe.

sobrang ingay ni loui. nakakahiya sa driver nya, ang kulit nya, anlakas pa ng soundtrip nya, at sobrang daming snacks na dala.

matakaw talaga sya, pero di sya tumataba. malay ko kung anong secret nya, pag tinatanong ko sya kung bakit di sya nataba ang isasagot sakin nyan, kumain ka lang ng kumain.

pagbaba namin sa sasakyan, kinausap nya muna ang driver nya, para siguro bilinan.

"kuya rico, text nyo nalang po san banda kayu magpapark para puntahan kana lang namin pag tapos na kami." sabi ni loui sa driver nya

"okay po ma'am maiingat po kayo" tinanong naman ni loui ang driver nya kung gusto nito ng makakain

"kuya rico, anong gusto nyong itake out ko"

"okay lang po ako ma'am wag na po"

"naku! ako nalang bahala"sabi ni loui

"let's go bespwet WAHAHAH"si loui din

"buset! WAHAHHA BESPWET"saad ko

" bye po manong ingat!" saad ko kay manong

papunta na kami sa salon chu chu na sinasabi nya. pagdating namin dun nakipag beso sya dun sa magandang babae na tita daw nya.

"hi tita blaire, long time no see. ang ganda mo parin." saad nya tapos nakipag beso

"hi iha, syempre naman maganda parin talaga to Gomez eh" saad nya. ang ganda nya grabe

"pag gomez talaga maganda" saad ni loui waw hangin!

"eto nga po pala si Sunshine Isabelle lacosta kaibigan ko" saad ni loui sa tita nyang anghel

"hi iha! you can call me tita blaire. ang cute mo! singkit ka tyaka antaba ng cheeks" sabi nya

"ayy tita hindi po ako aso" saad ko

"huh?"

"ayy kase diba po aso ang madalas na sabihang cute"

" WAHAHAHAH IHA YOUR SO FUNNY!"

" di namn po"

"ganyan talaga yan tita blaire" saad ni loui

"bakit ka nga pala nandito louisiana iha?"

" uh tita blaire papaayusan ko po kase si sunshine" sabi nya

" naku walang problema"

" lika na sunshine iha!"sabi ni tita blaire sakin

"sge po" at sumunod na ko sakanya para maayusan na ko

umupo na ko sa salon chair nila dito. inumpisahan na nila akong ayusan. ar sabi nila uunahin daw nila ang buhok ko.

hinugasan nila ung hair ko at nilagyan ng kung anong treatment. para lumambot daw ang buhok ko.

ang galing nga ng upuan nila may massager pa para relax daw ang mga uupo dito.

habang may treatment ang buhok ko. winawax na nila ang kilay ko para daw ano nga ulit ung sinabi nila. eyebrows on fleek? oo parang un un.

ang sakit nga eh. tapos bubunutin pa ung natira. at ouch! masakit!

"ouch! ouch!! sakit! huhuhu!" grabe ang ingay ko natawa nga si loui na malapit na matapos sa ginagawa sa kanya.

"kaya mo yan iha wahahahahah!" sabi ni tita blaire

pagkatapos ng kilay ung sa binti naman dahil sobrang mabalbon ako dun. at holy shitzu! ansakit!

pero natapos din agad. hinugasan uli nila ung hair ko. tapos lalagyan uli ng treatment. aishh! ansakit na ng pwet ko kakaupo.

" bespwet! bibili lang ako ng pagkain para satin ha! dyan ka lang" sabi nya at umalis na

Matapos ang ilang oras hindi parin bumabalik si loui. binoblower na ang buhok ko ngayon. icucurl sya tapos tapos na.

"are you ready na iha para sa makeup" tanong ni tita

"opo" kanina nga finacial nila ko. footspa,mani and pedicure.

natapos dun sa wakas! tumingin ako orasan nila dito at wow! five hours ako dito.

"iha suotin mo muna to. pinapabigay ni louisiana"

"dumating na po sya?"

" oo hinihintay ka sa labas"

"ahhh ok po"mabilis akong nagtungo sa cr na napaka bango. mas mabango pa sa kwarto ko at mas malinis

di ko naiwasan tumingin sa salamin pagtapos ko mag bihis at sobrang laglag ng panga ko.

wow! ako ba talaga to. para na kong prinsesa sa england. tinernuhan pa ng isang white off shoulders dress. at isang sandals na puti.

wow wow! un lang masasabi ko. shemayyy! mamatay na ko. ako ba talaga to? para kong naligo ng isang daang beses. madami siguro libag na natanggal sakin. kaya siguro panget ako nun.

lumabas na ko ng cr at pumunta kay loui. di ako pinapansin ni loui. umupo ako sa tabi nya sa couch.

napansin nya ko at tinignan

" hi miss, wow! ang ganda nyo po. at weyt? parang pamilyar ang dress mo?" tanong nya hindi nya ko nakilala

Ganun siguro ako kapanget. sabi sa inyo eh. WAHAHAAHAHAHA

"uy bespwet di mo na ko kilala" sabi ko sa kanya

"omaygash! sabi na eh ako kase bumili ng dress mo kaya parang pamilyar"sabi nya

"ang gondo mo omo! wahhhh!" dugtong nya

"thank youuu bessy"

"para kang professional model sa ibang bansa o kaya naman isang prinsesang nawawala sa england" dugtong nya ulit na nakakanganga

"luh! grabe naman"

" lika bessy kain nalang tayo sa labas di na kita natiran sa binili kong food eh"

"sge! bili narin tayo ng pagkain para sa driver mo" sabi ko

"great idea! tyaka ng takeout para satinn!!!!" sabi nya

pagpasok namin sa kakainan namin. naghanap agad kami ng mauupuan. at pagkaupo nya umorder agad sya.

maya maya pa may pumasok na lalaking nakaagaw ng atensyon naming dalawa.

si MR. M, at kilala sya ni loui. kaya agad nyang tinawag un.......

To be CONTINUED.........

author's pautot: yey! done na support ulit. 1000 words yan WAHAHAHAHAHAHAHAH


TOTGA: The One That Got Away. (Oldest works of mine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon