Chapter One
Damned.
The best word to describe me right now.
One week ago, natapos na ang ipinagawang mansion nila mommy at ngayon, nailipat na ang lahat ng mga personal naming gamit doon. Maayos na ang buong mansion at kumpleto na rin sa mga bagong muebles. Pwedeng-pwede na kaming lumipat.
And I hate it.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming magpagawa ng mga mansyon sa kung saan-saan tapos iiwanan na lang sa caretaker kapag lilipat na kami. Actually, lumilipat kami dahil sa mga branches ng company namin. Pero pwede namang gamitin na lang nila mommy ang mga kotse namin para magtransport. Kesyo aksaya daw sa oras at pera. Hello? Nag-uumapaw po ang bank accounts natin so hindi nyo kailangang mamroblema sa pera. Pero kapag sinasabi ko yan, isasagot naman nila na wala kaming bank account ng oras. Sarcasm all over. Ughh!
And now that we're moving out, kailangan ko na namang magtransfer sa ibang school. Kung kailan naman dumadami na ang haters ko, saka pa ako lilipat. Kasi, I really love it when everyone hates me. Like duh, I can feel their insecurity and it's one of the most amazing feelings in this ruthless world. Come on, admit it. You like it when someone is insecure when they see you.
Anyways, nandito ako ngayon sa backseat ng kotse ko because I have a driver. Well, I already have a driver's license pero sadyang nakakatamad lang na magdrive ngayon.
"Mr. Chavez, head to the nearest mall." I said while texting Adrie. Sino si Mr. Chavez? Siya ang driver ko. I call our servants Mr. or Mrs. kasi hindi ko maatim na lumabas sa bibig ko ang mga salitang Manong, Mang, at Manang. Wala naman din akong balak na tawagin sila by letters or numbers kasi masyadong bastos. They have a name and being called 'four' is sooooo not acceptable.
Maybe you're wondering kung bakit ganito ako mag-isip. Yes, I'm a bitch but I wasn't before. Mabait naman ako sa mga taong malapit sa akin kagaya ng pamilya ko at mga kasambahay namin. That's why I call Mr. Chavez like that.
Maya-maya lang ay napansin kong hindi mapakali ang driver ko.
"Is there a problem, Mr. Chavez?"
"Ah-eh, hindi po kaya magalit ang magulang niyo kung hindi ko kayo ihatid sa bagong mansyon?"
"I can handle myself. Head to the nearest mall." I said with full authority.
Tumango na lang sya at nagpatuloy sa pagmamaneho. I'm currently in a bad mood because of that new mansion and all I want to do right now is to go shopping with my best friend, Adrie.
Adrie was my best friend ever since. She never left me when I was in my highest and stayed even if I reached my lowest. That's why I trust her so much and also, she's one of the few people who gets to meet the nice me.
"Miss, nandito na po tayo." I was pulled out of my train of thoughts when we halted to a stop.
Bumaba na ako mula sa kotse at naglakad papunta sa meeting place namin ni Adrie.
"Aiscelle!" The moment na pumasok ako sa loob ng Starbucks, may sumigaw ng pangalan ko. Hinanap ko kaagad ang may-ari ng boses and there I found my best friend sitting on one of the stools. Ugh. Napakalakas talaga ng boses nya. Hindi ba sya nahihiya?
"No need to shout, Adrie. Hindi ka ba nahihiya?" sabi ko sa kanya as soon as nakalapit na ako.
"Bakit ba? Okay lang yan. Ang ganda kaya ng pangalan mo. Samantha Aiscelle." sagot niya na animo'y namamangha.
I just shook my head at her retort.
Kakaiba talaga 'tong best friend ko. She's Cyril Adrianne Vergara. The Ultimate Man-Hater. Ibang-iba siya sa akin. Minsan ko na siyang isinama sa bar at dahil sobrang ganda din nitong si Adrie, marami ding lalaki ang lumalapit sa kanya. At para lang layuan sya ng mga lalaki... Guess what? Sinukahan nya yung isa. Syempre yung mga lalaki naman nagsilayuan. Hindi ko nga alam kung matatawa o mag-aalala ako sa kanya nun eh. She's really different. Well, in a good way.
I got my usual order, Chocolate Chip Frappe at nag-shopping na kasama si Adrie.
"Hey Aiscelle, after nito saan ka pupunta?" tanong nya sa akin habang tumitingin kami ng ballet flats.
"Sa bar malamang." sagot ko. Nagsukat ako ng isang blue ballet flat.
"Today is Sunday." poker face na sabi nya.
"Hindi ako makakalimutin Adrie. Alam kong Sunday ngayon at may pasok bukas." Pumunta na ako sa counter para magbayad.
"Alam mo naman pala eh. Baka magka-hang over ka." sumunod naman sya sa akin at nagbayad na din.
"You worry too much. I can handle myself." sabi ko at lumabas na kami. I like her worrying about me. It's an evidence that she's a true friend. "We don't have to go early tomorrow, anyway." I added. That new school thing can have some advantage.
"You know what, tuwing lumilipat ka ng school, I follow you." sagot nya.
"Hindi naman kita inutusang sumunod sa akin. Kung may problema ka, pwede namang magpaiwan ka na lang." mapang-asar na sagot ko.
"I wasn't saying anything like that." patay-malisya nyang sinabi. Natawa na lang ako sa kanya. That dismissed the topic. Maya-maya lang din, nagyaya na siyang umuwi.
Nang makasakay na ako sa kotse ko, sinabi ko na ang susunod na lugar na pupuntahan ko. "Mr. Chavez, sa Elixir po tayo. Iiwanan ko na lang dito yung mga pinamili ko. Pakidala na lang po sa mansyon." Elixir, it's my favorite bar; my favorite hang-out place.
Quarter to 6 na pero maliwanag pa. Parang 4:00 pa lang. Tinanong ko kay Mr. Chavez kung traffic ba sa dadaanan namin at hindi naman daw so I decided not to use the aircon. I'm pretty sure na hindi polluted na lugar 'tong dinadaanan namin kasi maraming halaman sa paligid.
Ahead of us was a fast food chain and we stopped right in front of it. Inabot kasi kami ng red sa stop light. Outside the fast food chain was a group of five men. Nakatayo sila sa paligid ng isang kotse, at yung isa, prenteng-prenteng nakasandal sa hood at umiinom pa ng coke float.
And because my driver stopped here, my car window (which is opened all the way down) is successfully advertising my overly attractive face which I suppose, made those guys stare at me. Ngayon ko lang na-realize na awkward pala ang titigan ka ng mga tao.
Aren't you proud of being that gorgeous?
I just smirked at my own thought and looked away from the group. If you have something to show off, why not?
Suddenly, I felt the urge to look outside again. Pero this time, parang hinigit ang paningin ko patungo sa isang tao. Yung lalaking nakasandal sa hood. Yung gwapong umiinom ng coke float.
What the hell? Gwapo? I never complimented a guy.
I found him staring at me and I almost felt like choking on my own saliva. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Kahit na parang nalulunod na ako sa mga titig nya, hindi ko mapigilang hindi tumitig pabalik. Para akong hindi makahinga dahil sa kabog ng dibdib ko. Hindi ko ma-explain yung feeling. Para akong hihikain na ewan.
Hanggang sa bigla na lang umandar yung kotse, hindi pa din kami nagbitaw ng mga tingin.
Mukha kayong tanga.
Nabalik na lang ako sa sarili ko nang marinig ko ang isip ko.
The way he stared at me. So cold yet so strange. How's my heart? Still beating in a fast pace. Weird.
***
Author's Note:
Hi! :) Masyado bang madugo yung english? Pasensya na kung may grammatical errors and the likes. I checked it more than 5 times at ayan na yung pinakatama base sa research ko, looool.
Anyway, sana nagustuhan nyo ")
_elle
BINABASA MO ANG
The Playboy and The Bitch
Teen FictionPeople used to label me as Ms. Perfect. Yes, they used to. How would they not if I have the looks, the body, the straight A's, the class, the style, the money, and of course, the good attitude. But one day, Mr. Perfect broke up with me and my wonder...