Chapter Two

174 9 1
                                    

Chapter Two

"Mr. Chavez, I'll contact you na lang kapag uuwi na ako." After saying that,  I hopped off the car and went inside Elixir.

Alas sais pa lang pero ang dami ng tao. Sabagay, enjoy the last day.

"What's up Gorgeous?" wala pa ako sa bar counter pero may lumalandi na kaagad.

"Everything's fine and that's until you came." sabi ko. Sorry Mister, but you turned my bitch mode on.

Bigla nya namang ipinulupot yung kamay nya sa bewang ko. "Easy, pretty lady. You don't want your night to be ruined by yourself, right?" sabi nya while looking straight in my eyes.

Hinawakan ko yung dalawang kamay nya sa bewang ko."You know what? Ayoko kasi ng pinapangunahan ako." tapos tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa bewang ko.

He just smirked at my repulse. Lumakad na ako pero nahawakan nya ang kamay ko. May inilagay sya dun tapos umalis na. Tiningnan ko kung ano yun and I saw a sticky note which includes his phone number and flirty words like, call me, beautiful.

Really? Ginagawa ko din to when I don't have a lot of time to flirt. Kaya lagi akong may dalang sticky notes eh.

The moment I reached the bar counter, I started drinking. And flirting. What? It's what bitches and flirts do.

Louis, the one I'm flirting with, was about to kiss me when my peripheral view suddenly caught something.

"A-ace?" I said out of nowhere.

"What? Are you saying something?" sabi ni Louis.

"Ugh. Nothing. Saglit lang ha. May titingnan lang ako." sabi ko. Pumayag naman sya kaya hinanap ko si Ace pero hindi ko na sya makita. Hallucination lang ba yun?

***

"Ice wala ka yatang girlfriend ngayon!" pang-aasar ng isa sa mga kaibigan niya na kakatapos lang tunggain ang iniinom nitong Mojito. Nasa bar silang magbabarkada ngayon at ninanamnam ang huling araw bago muling pumasok sa eskwelahan.

"Nagsalita ang may girlfriend!" bira naman ni Bryan sa unang nagsalita na si Nick. "Oo nga Ice. Nagbagong buhay ka na ba?" dagdag pa nya na sinundan naman ng tawa nilang dalawa.

"Tsk. Mga gago." na lang ang tanging nasabi ni Ice. Muling tumawa ang grupo pero saglit na napatahimik nang may dumaang babae. Maganda at sexy. "Basta may babae, tumatahimik. Mga playboy nga naman." bulong ni Ice na narinig naman nila Nick at Bryan.

"Hoy gago! Mas playboy ka sa amin tandaan mo yan!" sigaw ni Bryan na sinundan ng tawa ni Nick.

"Bro, akin yon ha." sabi ni Nick nang nakangisi.

"Langya ka bro. Nginitian ka lang, kayo na agad? Ni hindi ka pa nga nakikipaglandian eh!" sagot ni Bryan at saka tumawa.

Nagpatuloy lang ang tatlong magkakaibigan sa pag-iinuman at pag-aasaran nang dumating ang isa pa nilang kabarkada na si Cyrus.

"Hoy Ice! Kailan ka pa nagdate ng alak? Wala ka yatang kasamang babae ngayon ah?" sabi ng kakadating lang.

Sa sunod-sunod na pang-aasar ng mga kabarkada ni Ice sa kanya, sunod-sunod na mura din ang binibitawan niya na siyang tinatawanan lang nila. Maya-maya lang, tumigil silang lahat at napatitig kay Ice at sa tao sa likod nito.

Nagtatakang nagtanong si Ice ng "What?" at dahan-dahang lumingon sa likuran nya nang bigla na lang syang halikan ng isang babae.

***

*Sam's POV*

I kissed the guy who I think was Ace. Oo, baliw na kung baliw kasi hindi naman ako sigurado kung siya ba talaga to pero I miss him so bad. I probably caught him off-guard for what I did pero sa tingin ko ay nakahabol din siya agad kasi he kissed me back.

Is it just me missing him so much or am I hallucinating? Because I felt like my life depended on this kiss. Muli kong naalala ang lahat. From the taste, the scent, the grasp, everything.

I broke the long kiss first. I miss him so much. All of a sudden, naramdaman ko ang pagkalasing. Mabanas, nakakahilo. Pero sa kabila nito, nangingibabaw ang isang bagay. Naiiyak ako.

"Bumalik ka na sa akin, Ace..."

And then everything went black.

***

Nabigla si Ice sa nangyari. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, agad siyang nagmulat upang makita kung sino ang baliw na babaeng bigla na lang siyang hinalikan. Nagulat siya nang tumambad sa kanya ang mukha ng babaeng nakita nila kanina sa may fast food chain. Nagsalita ito at base sa pagkakarinig niya, sinabi ng babae ang pangalan niya kaya't lalo syang naguluhan sa mga nangyayari.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, hinimatay ang babae at swerteng nasalo siya ng mga bisig ni Ice. Maayos na sana ang lahat pero biglang may nakatabig ng cocktail sa bar counter na syang dahilan para matapunan ang damit ng babae.

Napamura na lang ng mahina si Ice sa nangyari. Bilang solusyon, ipinaasikaso niya sa girlfriend ni Cyrus yung babae. Ipinahiram niya muna ang extra t-shirt nya sa kotse bilang pamalit na damit.

Nang tapos ng mabihisan yung babae, binuhat siya ni Ice palabas ng Elixir at dinala sa kotse niya. Pakiramdam kasi niya ay responsibilidad niya ito.

Habang iniisip kung paano maihahatid ang babae, nagdrive muna sya patungo sa pinakamalapit na coffee shop. Umorder siya saglit ng Cappuccino at pagbalik niya, tulog pa din ang babae.

Kaya't habang nagpapahinga at nag-aalis ng kalasingan, tinitigan nya muna ang mukha ng natutulog na babae. Iniisip ang kakaibang ikinilos nito kanina at pinagmamasdan kung gaano kaganda ang babaeng nasa tabi niya.

Tahimik lang siyang sumusulyap-sulyap sa babae nang biglang may nagsalitang lalaki.

"Sam?" banggit nito na siyang nagpabaling sa tingin ni Ice mula sa babae patungo sa nakabukas nitong bintana.

Bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na siyang nagsabing kilala niya ang babae. Syempre, hindi kaagad naniwala si Ice dahil iba na ang panahon ngayon kaya humingi sya ng patunay.

Kinuha ng lalaki ang phone nito at may idinial na number. Maya-maya lang, may nagsalita na sa kabilang linya.

"Hello? Who's this?" isang babae ang sumagot.

"Hey Ally, it's me." pagkasagot ng lalaki ay bigla na lang nagtitili ang tinawag niyang Ally.

"Oh my gosh Kuya Chace! Is that really you?!" tanong ni Ally. Sumagot naman ng oo ang lalaki na Chace daw ang pangalan.

"Kuya... Sobrang miss ka na ni ate. Hindi man nya sinasabi pero alam ko na gustong gusto ka na nyang makita." sabi pa ulit ni Ally.

"Ah, ganun ba? By the way, don't tell her that I called you. She's actually with me." sagot ni Chace.

"What?! Kuya OMG!!!" halos magwala na naman si Ally sa narinig niya.

"Hey please don't tell her. She's with me but she's asleep. Tulog na tulog sya and I want to ask for your permission to—" hindi pa man tapos magsalita si Chace ay nagsalita na kaagad si Ally.

"Yes Kuya! Okay lang promise. Iuwi mo na muna sya sa inyo." And with that, Ice was convinced that this Chace know this girl he's with.

"No. You got it wrong. As I was saying, humihingi ako ng permission sayo para ihatid sya dyan sa inyo." pagtatama pa ni Chace.

"Ah... Sige Kuya Chace. Uhmm. Just call me when you're outside the gate. Thanks."

"Sige. Bye." at ibinababa na nya. "Are you satisfied now?" tanong nya kay Ice na napatunayan ng walang masamang intensyon ang lalaki.

Tumango si Ice bilang pagsang-ayon. "Take good care of her." bilin nya.

"Yes I will. Anyway, boyfriend ka ba nya?" tanong ng lalaki habang binubuhat yung babae. Umiling lang si Ice na siyang nagpakunot sa noo ng lalaki.

Agad namang sumagot si Ice para malinaw ang iniisip ng lalaki.

"She's drunk. Bibilhan ko dapat sya ng coffee pero hanggang ngayon tulog pa din sya." sabi ko habang pumapasok sa kotse ko.

Pagkatapos noon ay naghiwalay na sila ng mga daan pauwi.

The Playboy and The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon