Chapter Three

156 7 1
                                    

Author's Note:

Please play the music at Sam's POV! Thanks!

***

Chapter Three

***

Pakiramdam ni Ice ay naghahallucinate na sya sa mga nakikita nya. Hindi siya makapaniwala na iyong bagay na kagabi pa nya iniisip ay ilang hakbang na lang mula sa kanya.

"Bro!" sambit ni Alex, isa pa sa mga kaibigan niya. Tinapik pa siya nito sa balikat.

"If I'm not mistaken, that girl sitting over there is the the same girl we saw yesterday!" sabi pa ni niya.

Nabigla si Ice sa sinabi ng kaibigan niya. Nasagot ang lahat ng mga katanungan niya sa sinambit ng kaibigan. Ngayon ay sigurado na siyang hindi sya namamalikmata dahil hindi lang siya ang nakapansin sa babaeng nakatagpo nila kahapon.

Totoong nakikita niya ang babaeng bigla na lang humalik sa kanya kagabi.

"Hey dude you're spacing out. Nakakita ka ba ng multo?" sabi ng kaibigigang si Cyrus.

Hindi sumagot si Ice kaya't napagpasyahan ni Cyrus na lingunin ang direksyon na tinititigan ng kaibigan. "Boom. Kaya pala pare." bigkas niya.

"Ngayon ko lang sya nakita dito. Sya ba yung transferee?" tanong ni Cyrus.

"Uy mga pre. Anong transferee ang pinag-uusapan nyo?" pagsingit ni Nick, isa din sa grupo.

"Dude, siguro naman alam mo kung sino yung transferee diba? Ikaw ang Student Council President kaya dapat alam mo yan." sagot ni Alex kay Nick.

Si Nick ay ang Student Council President ng paaralan nila at ibig sabihin lang nito, siya na siguro ang pinakamatino sa magulong grupo nila.

"Ah oo naman. May dalawang transfer students at base sa Admission's Office, ngayon daw sila dadating. Uhm... Parehas babae eh. Basta maganda! Balak ko ngang ligawan yung isa eh." pagpapaliwanag ni Nick sa grupo.

"Hoy gago, yun agad iniisip mo!" sabi ni Cyrus. "At saka anong ligaw ka dyan? Baka landi!" dugsong ni Alex na sinundan ng tawa ng lahat. Napailing na lang si Nick at nagpaalam sa grupo na kukunin niya ang files ng dalawang transfer students. Tutal ay nasa labas lang naman sila ng Student Council's Office.

Samantala, muling tumingin si Ice sa direksyon ng babae at napansin niyang mukhang may hinihintay ito. Tahimik lang siyang nagmamasid nang biglang lumingon ang babae sa kanya na siyang ikinagulat niya.

Hindi na niya maintindihan ang gagawin niya kaya't ang tanging nagawa na lang nya ay ang magbitaw ng mga malalamig na titig sa babaeng pinagmamasdan siya.

Unti-unti ay tumayo ang babae at nagsimulang maglakad papalapit sa kanya. Patuloy lang siyang tumititig sa babaeng papalapit nang biglang dumating si Nick.

"Ito na oh." Agad na kinuha ni Ice ang mga papeles at tumambad sa kanya ang pangalang Samantha Aiscelle Fuentes. Ang babaeng papalapit sa kanila ay ang parehas na babae na nasa 2x2 picture ng Transferee File.

"Hi Samantha!" sigaw ni Alex.

Kung pwede lang sigurong bigkasin ang lahat ng mura ng sabay sabay ay nagawa na ni Ice.

Bunga ng pagsigaw ni Alex sa pangalang Samantha, lumapit na ng tuluyan ang babae sa kanilang pwesto at nagtanong.

"Uhh, paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Simple lang. Kasama kita sa bar kagabi. You even asked me to be your boyfriend." nakangising sagot ni Alex.

Halos masamid si Ice sa narinig niya. Ni hindi nga nila kasama si Alex kagabi sa Elixir.

The Playboy and The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon