Chapter Five

72 3 0
                                    

Author's Note:

Everything between the ••••• is a flashback of yesterday.

Chapter Five

"Hey Ate, ang lawak ng ngiti mo ah. Pansin ko nga kagabi din." sabi ni Charm.

"Bakit ba? Eh sa masaya ako eh." sagot ko at dumiretso sa dining room para mag-breakfast.

"Duh Ate. May malungkot bang nakangiti?"

"Oo meron. Yung mga fake smile ng mga taong martyr. Wag mo na kong barahin, talo ka naman." sagot ko.

"Woah. Easy. Aga-aga nagtataray ka." nilingon ko sya at nakita ko syang busy sa cellphone nya. "Anyway, I'll be going. Stephen's waiting outside. Bye." she smiled sweetly.

"Bye, ingat." Ang sweet talaga ni Stephen kay Charm. Kainggit.

Naiinggit ka kasi hindi ka na niya hinihintay ngayon.

Letse. Ayan na naman yung boses na yun.

"Ms. Aiscelle, kailangan nyo na pong umalis. Baka ma-late pa po kayo." I was pulled out of my conscience's thought when Mrs. Aida called me.

Mrs. Aida is one of our longest serving housemaids. Katiwala namin sya sa mansion. She's actually my favorite yaya. Bata pa lang ako, kasambahay na namin sya so kilalang kilala na nya ko even before I became like this.

"Ah sige po. Alis na po ako. Salamat po sa pagpapaalala." magalang na sagot ko at lumabas na para makabiyahe papuntang Academy. Ako ang nagdrive ng kotse ko kasi sinisipag naman ako. Excited na din akong pumasok, namimiss ko na si Ice eh. Yeah, you read it right. Namimiss ko na si Ice.

Guess what, I think I got the last laugh.

•••••

"Aiscelle, sabay tayong maglunch dali. Labas na tayo ng room." bulong sa akin ni Adrie nang i-dismiss kami ni Sir.

"Huh? Ba't mo pa yan sinasabi eh default na kaya sa atin yung magkasabay maglunch." nagtataka kong sagot. Ba't ba sya bumubulong pa?

"Hoy hoy Cyril, ano yang narinig kong sabay kayong kumain?" sabi naman ni Cyrus na biglang inilayo si Adrie sakin.

"Ano ba? Ang epal mo." Yung mukha ni Adrie hindi na naman maipinta. "Ikaw naman Aiscelle, ang lakas ng boses mo. Ayan tuloy narinig ka nitong KJ na to." dagdag pa nya.

"Seriously? Cyril?" tanong ko sa kanilang dalawa. Tama diba? Tinawag ni Cyrus si Adrie ng Cyril.

"Yes, Cyril. Ang cute no? Parang isinunod yung mga pangalan namin sa isa't isa." sagot ni Cyrus as he pinched Cyril's cheeks. Ay! Ano ba yan, pati ako napa-Cyril na din.

"Bakit kaya hindi agad sinabi ng destiny na tayo talaga ang nakatakda para sa isa't isa?" kunwari ay nagtataka pa si Cyrus sa pagtatanong. Grabeng playboy 'to. Kanina ako ang nilalandi tapos ngayon best friend ko na daw yung destined para sa kanya. Anyway, mukhang hindi magiging maganda ang araw ni Adrie.

Lumingon ako sa direksyon ni Ice at nakita ko syang nag-aayos ng gamit. Kinulbit ko sya para sabihing hindi ako makakasabay na maglunch pero hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko, naunahan na niya ako.

"Mamaya na lang, may practice kasi ako ng basketball. Bahala ka na." sagot niya with a blank expression. What? So ganun na lang yun? Bahala ako?! Tanghaling tapat, may practice! Ang plano, ako dapat ang mang-iiwan. The heck.

Hinanap ng mga mata ko si Adrie pero wala na sya sa room. So wala akong kasama ngayong lunch time?

"Samantha, wala kang kasabay mag-lunch?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Bryan. Kaklase ko pala sya.

The Playboy and The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon