Chapter Four

210 9 2
                                    

Chapter Four

"Deal. From now on, I'll be your girlfriend."

"Deal. From now on, I'll be your girlfriend."

"From now on, I'll be your girlfriend."

"I'll be your girlfriend."

Ugh! For one second please! Can I have my peace back? Parang sirang plaka na umuulit yung pesteng kasunduan na yon sa isip ko.

Bwisit na bar. Bwisit na kalasingan. Bwisit na alak. Bwisit na deal! Bwisit na pride. Bwisit, bwisit, bwisit!

Kung hindi sana ako uminom kahapon, eh di sana walang ganung pangyayari! Masyado kasing umiral ang kalandian ko kagabi! Ayan tuloy ang napapala. Ni hindi ko alam kung may kahihiyan pa ba ko o wala na. Hindi ko alam kung may pride pa ba ako. At higit sa lahat, hindi ko alam kung naisuko ko na ba ang perlas ng silanganan. Shit.

Aaahhhh! Kainis! Nagfa-flashback sa utak ko yung mukha ni Ice nang nakangisi! I hate that smirk! It reminds me of... of.. It reminds me of my stupidity. Ugh, oo na. Aminado na ako na umiral ang katangahan ko kahapon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at naisipan kong mag-bar.

Kung hindi siguro ako tinawag nung Alex na yun kanina, hindi ako mapapasok sa ganitong kahirap na sitwasyon. Hindi ko maalala yung nangyari kagabi, miski yung kahapon. Tapos hindi ko pa alam kung paano ako nakauwi. Gumising ako kaninang umaga na suot ang isang maluwag na t-shirt ng lalaki na hindi ko malaman-laman kung kanino! Aaaahhhh! Paano kung kay Ice nga yun? Does that mean... Oh no, please wag naman sana. Ang sakit na nga ng ulo ko tapos papasakitin pa nya lalo!

"Aisceeeeeellllleeeee!!!" isang makabasag-pinggang boses ang sumigaw sa pagkaganda-ganda kong pangalan. Si Adrie.

"Ang ingay mo. Hindi mo ba nakikitang nag-iisip ako?" bungad ko sa kanya nang makalapit sya sa akin.

Nandito kami sa isang bench sa school grounds ng Academy namin. By the way, senior high lang kami. Bakit? Kasi K-12 curriculum ang ipinapatupad dito sa Perplexa Academy at sa ibang schools na din na pinasukan namin ni Adrie. Ever heard of exclusive schools? Ito yun.

Kagaya ng sinabi ko kahapon, nagkaroon kami ng change of residence kaya pati ang school ko nagbago at ngayon ang first day of school namin ni Adrie. Actually first day of August ngayon kasi we already spent the first two months sa past school namin. Ewan ko ba kung bakit hindi sumasakto sa academic calendar yung paglipat namin nila daddy.

At dahil ngayon pa lang namin kami nagpunta dito ni Adrie, wala pa kaming balak na umattend sa klase namin kasi hinihintay pa namin yung Principal na hanggang ngayon, wala pa din. Naturingang principal pero late. Kami ngang i-oorient lang muna, pumasok ng maaga.

"Kung nag-iisip ka ngayon, iistorbohin muna kita ha." sabi nya matapos ang ilang minuto ng pagmamasid sa akin.

"Ayoko." plain na sabi ko at bumalik sa iniisip ko. Pero bago ko pa maituloy yung pag-rereminisce ko sa nangyari kanina, sumingit kaagad sya.

"Eh kung nagshe-share ka nung iniisip mo diba? Mukha ka kayang ewan kanina. You should've seen your face." sabi nya at tumawa pa. "Ang epic nung mukha mo." dagdag pa nya.

Napairap na lang ako sa sinabi nya.

"Ano? Siguro naman may balak kang magkwento diba?" pamimilit niya.

"Kasi may nakausap akong limang lalaki kanina habang hinihintay kita." pagsuko ko. "Tapos nakilala ko daw kagabi yung apat sa kanila. Tapos. Yun na yun." sabi ko.

"Alam mo Aiscelle, hindi ka pwedeng maging story teller. Ang pangi--" bago pa man sya matapos sa panglalait nya sa akin, pinutol ko na yung sinasabi nya.

The Playboy and The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon