" THE SWEETIEST LIE "
[ Sa aking Puso ]
By : "Ms. Alejos"
IKA-PITONG KABANATA
PAGHAHANAP NANG KASAGUTAN
KINABUKASAN maagang gumising si Hershey. Magpapaalam syang magtungo sa bahay nang mga magulang. May gusto syang alamin kaya dapat nyang makausap ang mga eto..
" Good morning! Oh ang aga mo namang bumangon.." bati sa kanya ni Hector..
"Gusto ko kaseng umuwi muna sa bahay.. Kaya medyo inagahan ko ang gising.." sagot naman ni Hershey..
"Okay.. Sige tara na't sabay-sabay na tayong mag-agahan. Ihahatid nalang kita.. Gusto mo bang matulog sainyo?" tanong ni Hector..
"Yes. Matagal na rin akong di nakakatulog doon. Babalik din ako bukas.." sagot muli ni Hershey..
"Sya sige wala namang kaso eh.." sagot nang lalaki..
Pagdating nila sa dinning area, nandoon na rin si Mrs. Forbes nakaupo na eto sa kanyang upuan.. Inalalayan pa sya ni Hector sa kanyang upuan saka naman naupo ang lalaki sa bakanteng upuan para sa kanya..
Tahimik ang kanilang agahan at kansing lamang nang mga kasangkapan ang maririnig. Ngunit di maiwasan na magsalita ni Hershey sa tuwing lalagyan nang pagkain ni Hector ang kanyang plato. Dahil nagpapasalamat sya sa lalaki. Ngiti lang naman ang isinasagot nito..
Matapos ang kanilang agahan, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Hershey, nagpaalam na sya para umakyat at nang makagayak sya. Pagpasok nya nang kanyang silid, isang bag na maliit ang kanyang ginayak para sa kanyang gamit, mag-sstay sya sa bahay nila para sa kanyang plano. Naligo sya at nagpalit nang damit isang simpleng jeans ang kanyang isinuot at tube cut dress. Dala ang bag na kanyang ginayak tinungo nya ang baba. Nasa living room naman si Hector at naghihintay lang sa kanya..
"Ready?" tanong nitu nang mapansin sya nasa baba na..
"Yes.." maiksing tugon ni Hershey.. Nang mga oras na yon nakaupo naman si Mrs. Forbes sa may shades nang garden. Lumapit sya doon para magpaalam..
"Mrs. Forbes uuwi po muna ako sa amin.." paalam niya..
"Sige iha. Mag-ingat ka, wag kang magtatagal at aayusin natin ang engagement party nyo.." pagpapaalala nitu..
"Opo.." sabay beso-beso sa Ginang..
Matapos mamaalam sa Ginang lumapit na sya kay Hector na nasa tapat nang sasakyan at naghihintay sa kanya.. Pinagbuksan sya nitu nang pinutuan bago, sumakay sa driving seat area..
"Dadaan na muna tayo sa cell shop para makabili nang new phone mo, and kung gusto mong mag grocery for them dumaan na rin tayo.." wika nitu..
"Okay ikaw ang bahala.." nakangiting tugon ni Hershey sa nobyo..
Kagaya nga nang sinabi ni Hector, dumaan sila sa isang shop na bilihan nang cellphone, si Hector na rin ang pumili nang phone para kay Hershey. Matapos iyon saglit din silang namili nang goods para sa kanilang bahay. Matagal na rin naman simula nang ginawa eto ni Hershey. Puno halos ang compartment nang sasakyang ni Hector kaya ang ibang grocery ay nasa back-seat pa.. Nang matapos nila ang pamimili agad din naman nagtungo ang dalawa sa bahay nang mga Mendoza..
Magkatuwang na hinakot nang dalawang babae ang pinamili nina Hector at Hershey. Ang ibang mabibigat ay hinayaan nalang nang Mama muna ni Hershey para ang ama na nitu ang mag buhat. Saglit na nagkwentuhan ang dalawang lalaki, matapos yun ay agad din namang nagpaalam si Hector..
BINABASA MO ANG
The Sweetiest Lie (Sa aking Puso) [Completed]
RomanceKwento nang dalawang taong nagmamahalan na pilit na hahadlangan. Kwento nang tunay na wagas na pag-ibig na tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay.Mga katanungang pilit na hahanapan nang sagot kakulangang pilit na tutuklasin upang makamit ang...