Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Zeth's POV
Shit, anggandanya.
Malaki yong Mata nya pero di gaano na bumabagay naman ito sa maliit nyang mukha, maganda ang mga pilik mata nito, maputi ngunit, tas cute yong height nya sing cute nya hihi. Nakasuot siya ng jeans at puting jacket na may hoodie.
Ang cute nya talaga na maganda na, ah basta.
Parang may kong anong gumalaw sa sikmora ko hindi ko alam kong ano ang mga ito. Baka gutom lang yong mga alaga ko haha.
"Hello?" aniya sabay kaway sa harapan ko. "Yes? I love you" anak ng ano ba yang pinagsasabi ko.
Narinig ang mga bungisngis ng mga kaibigan ko kaya, pinanlisikan ko sila at agad naman silang tumigil.
Agad kong binalik ang tingin ko sa magandang nilalang sa harap ko.
"Ang ibig kong sabihin miss ay ah ahm--- ano nga pala yong sinabi mo miss?" napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hahaha gago" narinig kong tawanan ng mga kaibigan ko.
Saglit ko silang tiningnan ng masama pagkatapos ay agad kong binalik yong tingin ko sa magandang nilalang.
"Ang sabi ko, wag kang tatanga-tanga kasi may masasaktan ka jan sa katangahan mo!" pasigaw nyang sambit sakin.
Ang cute niyangmagalit.
"Sorry miss, hindi ko sinasa---"
"Tsk, tabi!" sigaw nya sakin sabay tulak sakin at umalis na.
"Lol pre, andali mo namang maka I love you don sa chix hahaha" sambit ni Chito "Pero pre di ka ata type nang chix nayon" dagdag nya pa.
Hinarap ko si Chito at binigyan ng nakakalukong ngisi.
"Magiging sakin din yong babaeng yon! Tandaan mo yan Chito!" sambit ko.
"Okay." aniya na parang natatawa pa sa sinabi ko.
"At kong mangyayari yon, tatakbo ka sa loob ng campus na naka brief lang ." sambit ko na agad namang ikinalaki ng mata nya.
"Anak ng--- bakit ko naman gagawin yon?"
"Kasi nagkamali ka sa hula mong di mapapasakin yong magandang nilalang na yon."
"Di ko naman sinabing di mapapasayo yon ah! Sinabi ko lang naman na di ka type non!" aniya.
"Ulol pareho lang yon!"
"Anak ng--- o sige at kung ako naman yong mananalo, ililibre mo ko araw-araw, dapat walang reklamo sa kong anoman ang ipapabili ko!"
"Deal!" sigaw ko sa kanya sabay lahad nong kamay ko para makipag-kamayan.
"Deal." sambit naman nya at inilahad din sakin ang kanyang upang makipag-kamayan.
"Mga hangal! Bilisan nyo nga jan!" sigaw ni Daniella samin.