Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Zeth's POV
"Ah alam ko na!" sambit ko. Di ko namalayan na sumigaw na pala ako tas nakatayo pa, kaya halos lahat nang nasa classroom ay nakatingin sakin. Akala ko sa isipin ko lang yon sinabi pero lumabas na pala ang mga ito sa bibig ko.
Minsan talaga tong bibig kong to di marunong pumigil ng mga salita.
"May problema ba Mr Domingo?" tanong sakin ni ma'am.
"Wa-wala po ma'am. So-sorry po." nauutal kong tug on sa kanya.
Napapahiyang umupo ako at binigyan ng masamang tingin ang mga hangal kong kaibigan na tawang tawa sa pagkapahiya ko.
"Wag kang basta basta nalang sisigaw sa klase Mr Lopez okay?" sambit ni ma'am at napapahiyang tumungo naman ako. "Anyways, Thank you Miss Lopez, you may now take your sit."
"Thank you ma'am" agad akong napatingin sa direksyon ni alarm clock at di man lang ito nagpapakita ng kahit anomang reaksyon, parang wala ngang pakialam sa pagkapahiya ko.
Nga pala, haha kaya pala familiar siya sakin kasi magkapareho pala sila ng pangalan nong baboy kong alarm clock na si Hena.
"You." sambit ni ma'am sabay turo kay Chito.
"Yes ma'am?" sambit ni Chito at agad na tumayo.
"Can you please introduce yourself?" tanong ni ma'am kay Chito.
"Of course ma'am, why not?" sambit naman ng gago.
"Okay then, introduce yourself."
"Magandang umaga mga binibini at ginoo. Ako si Chito Legaspi at ako'y nagagalak na makilala kayo. Sana'y lahat tayo rito ay magtutulongan at magmamahalan para umunlad ang ating paaralan." pagpapakilala ni Chito.
Aba'tmatindi din tong introduction ng gago ah! Nakakahanga ng konti.
Sa totoo lang matalino naman talaga tong si Chito kaso may pagka abnormal nga lang. Lagi tong nasasali sa mga top students, well actually kami lahat pero si Chito talaga yong mas lamang. Kaya pag may mga test at tsaka assignments sa kanya kami pumupunta. Chito is the brainy in our squad.
"That was an amazing introduction Mr Legaspi"
"Maraming Salamat ma'am"
"Thank you too and you may now take."
"And you." sambit ni ma'am sabay tingin sa direksyon ni Daniella. "Can you please introduce yourself in class?"
"Yeah sure ma'am!" sambit ni Daniella.
"Annyeong yeoleobun! Je ileum-eun Daniella Marie Reyes-ibnida. Modu mannaseo bangabseubnida! In English Hi guys! My name is Daniella Marie Reyes. Nice to meet you all." pakilala ni Daniella.