Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Zeth's POV
"Rise and shine Mr Pogi" nagising ako ng dahil sa alarm clock kong agad nag-paganda ng aking umaga.
"Magandang umaga sayo mahal kong mahal kong Hena" bati ko sa'king orasan. Hena ang pinangalan ko sa aking alarm clock kasi kulay pink siya na may disenyong baboy, parang pang babae pero, wag nyong isiping bakla ako huh! Bigay lang yan ng mga kaibigan ko nong birthday ko, pinag-tripan kasi ako ng mga gago kaya ayon ako nagkaroon ng ganyan. Yan yong na isip nilang ibigay sa'kin nong kaarawan ko kasi late comer ako sa school at kulay pink na may disenyong baboy yong pinili nila kasi magkamukha daw kami nong baboy gago!
Napahiya talaga ako nong birthday kasi, excited na excited akong buksan yong regalo. Sino ba naman kasi yong hindi magiging excited sa pagbukas non eh ang laki nong pinaglagyan nila nong regalo tas sing liit lang pala ng tasa yong laman!
Mgagagotalaga!
Napabangon ako dahil sa tindi ng inis nong maisip ko ang pangyayaring iyon.
Pagbangon ko ay agad akong tumungo sa harap ng salamin. Ito yong kadalasan kong ginagawa pag gising ko sa umaga, ang pagpunta sa harap ng salamin upang bisitahin ang pogi kong mukha'ng nagpanganga sa mga kababaihan haha.
"Ba't ba ang pogi pogi mo?" papuri ko sa repleksyon ko sa salamin. "Kong ganito ba naman ka gwapo yong bubungad sayo pag-gising mo sa umaga ay agad kanang mabubusog kasi, mukha palang ulam na" sabi ko sabay papogi sign sa harap ng salamin.
Pagkatapos kong kausapin ang sarili ko sa harap ng salamin ay agad akong pumunta sa loob ng banyo upang maligo na.
Nakaraan ang ilang minuto ay natapos narin ako.
Kailangan kong magpapogi ng matindi ngayon kasi, fisrst day of school at first day din ng pagiging Senior High student ko ngayon. Panigurado marami nanamang mga bagong transferring chix this year, kaya kailangan kong maghanda ng todo.
"Zeth anak bumaba kana jan" tawag sakin ni Mommy sa baba. "Opo My, tatapusin ko lang po tong ginagawa ko" sagot ko. "O sya sige bilisan mo jan at baka malate ka pa sa school" aniya "Opo"
Kumuha agad ako ng nang masusuot ko at agad ng nag bihis.
Pagkatapos kong mangbihis ay pumunta muna ako harap ng salamin upang ayosin ang sarili ko at magpagwapo.
"Hmm pogi ka naman na pero, kailangan mo paring mas pomogi para hindi lang mapanganga ang mga girls, mahihimatay pa haha" sabi ko sa repleksyon ko sa salamin.
Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko ay agad ko ng inayos ang lahat ng dapat dalhin ko sa school. Naayos ko na ang lahat pero, parang meron paring kulang.
Inisip ng inisip ko kong anoman man yong kulang.
Nakalipas ang ilang segundong pag-iisip ay naalala ko na kong ano iyon.
"Ano ba yon? Ano ba yon? Ano ba-- AHA!" nang maalala ko na kong ano iyon ay agad akong pumunta sa study table at hinanap yong muntik ko ng makalimotan. Nakalipas ang ilang segundong paghahanap ay nakita ko narin ito sa tapat ng lamp shade ko.
"Oh shit!" napamura nalang ako ako nang makita kong lowbat yong cellphone ko! Nakalimotan ko palang icharge to kagabi. Badtrip! "Pano na ako hihingi nong mga number nong mga chix kong lowbat tong cellphone ko!? Kainis!" ng dahil sa inis ay nasipa ko yong study table ko.
"Arayyy!" napalakas ata ang pagsipa ko don sa mesa kaya ayon sumakit yong paa ko.
"Zeth, Zeth anak, ok ka lang ba jan?" tanong sakin ni mommy sa baba na halatang napapraning ng dahil sa nangyari sakin. Hindi ako nakasagot dahil sa tindi ng sakit na naidudulot ng dahil sa pagsipa ko sa mesa. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa patungo sa aking silid.
"Oh my God anak, anong nangyayari sayo?" tanong sakin ni mommy. "Nasipa ko po kasi yong study table ko My" sagot ko. "Mag-ingat ka kasi anak!" "Opo My" "Nasipa nya yong study table nya kasi, lowbat yong cellphone nya at hindi sya makakakuha nong mga contact number nong mga transferring chix. Ang malas mo naman bro, lowbat na nga yong cellphone mo, nainjured payang paa mo tsk tsk tsk. Pero sana bro ginamit mo muna yang utak mo bago mo sipain yong mesa" sabat nong kapatid kong nakatayo sa pintoan nong kwarto ko. "Anong sabi mo!?" "Ang sabi ko makakakuha ka parin naman nong contact number nong mga girls kahit lowbat yang cellphone mo" aniya "P-pano" "Ugaliin mong mag-isip ng mga solusyon sa lahat ng problema bro,hindi yong aasa ka ng aasa ng solusyon ng iba kasi, pag-ipinagpatuloy mo yang ganyan mong ugali, wala ka talagang mapupuntahan nyan." aniya "Tsk, pacool" "Anong sabi mo?" "Hep! Hep! Hep! Itigil nyo na yan at baka mauwi pa yan sa suntokan." awat samin ni Mommy "Ikaw Zeth huh! Puro nalang pambababae yang inaatupag mo! Try mo kayang atupagin yang pag-aaral mo para malaman kong ano ang halaga ng eduksyon sayo" sermon ni mommy sakin. "At ikaw Zander, tigil-tigilan mo na yang pangungulit mo jan sa kapatid mo para iwas gulo." sermon naman ni mommy kay kuya. "Bumaba na kayong dalawa dahil kanina pang nakahanda ang pagkain don sa baba at baka malate pa kayo" "Opo My" sabay naming sagot ni kuya
Sabay-sabay kaming lumabas ng silid at agad ng pumunta sa dining room upang kumain na.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna ako saking silid upang kunin ko na yong mga dapat kong dalhin sa school.
"Tapos kana ba jan Zeth?" tanong sakin ni Daddy sa baba "Malapit na po Dy" sagot ko naman "Bilisan mo jan, kasi naiinip na yong kuya mo sa kaiintay sayo" "Opo Dy saglit lang to" "O sya sige"
Bago ako lumabas ng kwarto ay pumunta muna ako sa harap ng salamin upang tingnan ang kondisyon ng aking maamong mukha haha.
"Hayst, ang pogi ko talaga haha" papuri ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko ay lumabas na ako ng silid upang umalis na at papasok na sa paaralan. Nagpaalam muna ako kay Mommy bago lumabas ng bahay.
Pag-labas ko ng ng bahay ay natanaw ko agad ang sasakyan namin na nakabukas ang pintoan non kong saan nakaupo yong kapatid kong ang sama sama ng tingin sakin.
"Anong oras ka bang balak pumasok huh? 8 o'clock, 9 o'clock, 10 o'clock?" aniya na halatang inip na inip na sa ka iintay sakin. "Chill bro, di pa naman agad sisimulan yong klase ngayon kasi first day, at tsaka paniguradong ang first words na maririnig mo sa mga guro ngayon ay "Please introduce your self" kaya don't pressure your self that much bro, baka ikastress mo yan at papangit pang lalo yang mukha mo." "Anak ng, anong sabi mo?" "Itigil nyo na yan" awat samin ni Daddy "Pumasok kana ng sasakyan Zeth at para makaalis na tayo" sabi ni Daddy "Opo Dy!" masiglang sagot ko at agad ng pumasok sa loob ng sasakyan.
Inistart na ni Daddy ang sasakyan upang kami ay makaalis na. Nang magsimula ng umandar ang sasakyan ay, binuksan muna namin ang bintana at sabay-sabay kaming kumaway kay mommy.
"Mag-ingat sa pag dadrive Dy huh" sabi ni Mommy kay Daddy "Yes My, ikaw din My mag-ingat ka din jan" sagot naman ni Daddy "Oh sya sige, umalis na kayo baka malate pa kayong pareho" "Babye My" sabay'ng sagot namin ni kuya kay Mommy. Kumaway samin si mommy bilang tugon niya.
Matapos naming magpaalam kay mommy ay sinimulan ng paandarin ni Daddy ang sasakyan.
Hmm ano kayang mag-yayarisa first day of school ko this year...
°°°°°°°
D's note: uwuuu natapos ko rin ang chapter 1. Tulad nong sinabi ko sa first story kong hindi natapos, I'm sorry kong marami tong errors kasi hindi ako tagalog bisaya ako mga peps, kaya hope you guys will understand. Makakaasa kayong uusog tong storya nato unlike don sa first story ko na hindi talaga nadagdagan ng chapter kahit isa man lang haha. And guys, hope y'all will enjoy and like this story (^ω^).