Chapter 5

41 6 0
                                        

Zeth's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zeth's POV

Akala ko magsisimula na agad si Hena'ng kumanta ngunit, bumalik pa muna ito sa kanyang upoan at kinuha ang ukulele sa loob ng bag nya.

Kaya pala, parang ang daming laman nong bag nya kasi may laman pala itong ukelele.

Pagkatapos n'yang kunin ang kanyang ukelele ay agad siyang bumalik sa harapan at nagsimula ng tumugtog.

"I've been awake for a while now You've got me feelin' like a child now
'Cause every time I see your bubbly face
I get the tingles in a silly place" ang ganda ng boses nya, mala anghel. Yon bang tipong nawawala lahat ng stress mo pag narinig mo yong boses nya.

"It starts in my toes, and I crinkle my nose
Where ever it goes I always know That you make me smile, please, stay for a while now
Just take your time wherever you go"

"Ang ganda pala ng boses ng chix nato pre." sambit ni Chito ngunit hindi ko lamang siya pinansin at pinanood lang ng maigi si Hena'ng kumakanta.

"Wherever, wherever, wherever you go
Wherever, wherever, wherever you go Wherever you go
I always know
'Cause you make me smile, even just for a while"

"Oi pre! Baka pwede mo nang isara yang bibig mo...tapos ng kumanta si Hena oh. Baka pasokan pa yan ng langaw."

"H-ha?"

"Sabi ko, isara mo na yang bibig mo, baka tumulo pa yong laway mo't pasokan pa yan ng langaw."

"Tapos na pala?" tanong ko kay Chito.

"Ano sa tingin mo pre?" sarkastikong sambit naman nya.

"Hmm, ang ganda nga ng boses mo. Sumasali ka ba sa mga singing contest?" tanong ni ma'am Zamora kay Hena.

"Hindi po." tugon ni Hena.

"Bakit naman? Kay ganda kaya ng boses mo, ba't di mo ito gamitin?"

"Di po ako interesado."

"Aba't sanay binigay mo nalang sana yan sa iba."

"Kung pwede lang po sana." aniya.

"Anong sa--" hindi na natapos ni ma'am Zamora dahil bigla nalang nag ring ang bell. E hininga nalang ito.

"Ipagpapatuloy natin to bukas, paalam."

"Paalam at maraming salamat po ginang Zamora."

"Ba't mo sinagot si ma'am Zamora ng ganon?" tanong ni Daniella kay Hena. "Baka kung anong gawin non sayo, baka ibagsak ka non hala." dagdag pa niya.

"Ang OA mo masyado Daniella, di yan magagawa ni ma'am Zamora." sambit ni Daniella.

"Anong hindi!? Kaya yong gawin ni ma'am Zamora kasi guro siya." sambit ni Daniella.

Nothing Last Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon