Chapter 6

31 4 0
                                        

Zeth's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zeth's POV

"Hoi Zeth, gawin mo na!" pabulong na sambit ni Daniella sabay siko sa'kin.

"Gagawin ko naman talaga Daniella, wag ka ngang atat...nakakabadtrip ka na!" kanina pa talaga siya pilit ng pilit na humingi na'ko ng tawad kay Hena, nakakairita na. Nag-iisip pa ako ng paraan kong pa'no ko siya iaaproach.

Nga pala, hindi pumasok yong teacher namin ngayon kasi may meeting sila kaya ayon, ingay doon, ingay dito...daldal doon, daldal dito. First day na first day ng klasi ang ingay na nila  parang ang tagal na nilang magkakilala.

"Kanina ka pa din sabi ng sabi na gagawin mo, pero walang nangyari!" pasigaw nyang tugon sa'kin.

"Anak ng---, nag-iisip pa ako ng paraan Daniella kong paano ko gagawin." sambit ko.

"Kailangan mo pa talagang pag-isipan yon? Mahirap bang humingi ng sorry Zeth?" tanong nya sa'kin.

Hayst, ayoko ng pahabain pa tong walang kwentang talonan naming dalawa kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Oo na oo na." sambit ko. Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng humakbang palapit kay Hena na nagbabasa ng libro.

"Ahh...ahh Hena...ahm s-sorry don sa ginawa ko sayo kanina." sambit ko. Parang hindi n'ya narinig yong sinabi ko kaya dinagdagan ko.

"Sorry...sorry kasi pinagtripan kita kanina ng hindi inaalam kong sasabay ka ba sa trip ko o mapipikon ka. Sorry kong ginago kita, sorry kong pinagkatowaan kita, sorry kong naging ganito ako sayo. Sorry talaga Hena, sorry." paumanhin ko at bigla nyang ibinaba ang kanyang libro.
"Tapos ka na?" sambit nya.

"H-ha?"

"Sabi ko, tapos ka na ba? Kasi kong tapos ka na ay pwede ka nang bumalik sa upoan mo."

"Pinapatawad mo na ako?"

"May sinabi ba akong pinapatawad na kita?" ano?! Andami nong sinasabi ko tapos...ahh!

"Sa kabila ng mga pinagsasabi ko...hindi mo parin ako pinapatawad?!" Nakakainis! Sana pala hindi nalang ako humingi ng tawad, wala naman palang napapala yong paghingi ng tawad ko.

"Hmm." tipid nyang tugon.

"Sana pala hindi nalang ako humingi ng tawad!"

"Bakit pinilit ba kitang humingi ng tawad sa'kin." sarkastiko nyang tugon.

"Hindi, pero siya Oo!" pasigaw kong sambit sabay turo sa direksyon ni Daniella.

"Okay." walang kaemoemosyong tugon nya at bumalik lang ulit sa pagbabasa.

Nakakainis na! Big deal ba talaga yong ginawa ko sa kanya? Tsk OA naman nya masyado.

"Ewan ko sayo! Bahala ka na sa buhay mo!" at tinalikoran ko na siya at agad ng tumungo pabalik sa upoan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nothing Last Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon