Chapter 2

48 9 0
                                    

Zeth's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zeth's POV

Habang nasa byahe kami, ay hindi ako mapakali kasi naalala ko bigla yong sinabing solusyon ni kuya kong pano ko makukuha yung mga contact numbers nong mga chix mamaya.

"Bro?"
"Ano!?" ay galit? Puriin ko kaya para mawala na yong galit nya sakin at para sabihin na niya kong ano yong solusyon don sa problema ko.

"Hihi saa totoo lang bro, pogi ka namang talaga eh. Promise bro, hindi ako nagbibiro." papuri ko sa kanya sabay taas ko ng aking kamay na para bang nanunumpa.

"Wag mo nga akong madaan daan sa ganyanan mo! Ulol luma nayang ganyang style na yan.Hinding hindi mo ako mauuto nyan. Kaya kong gusto mong alamin kong anuman yong solusyon sa pagkuha nong mga numbers ng mga babae, wag na. Nag-aaksaya ka lang ng oras." aniya. Aba pano nya nalaman na yon ang sadya ko sa kanya. Makakakita ba ng future tong kapatid ko?

"Mambababae tapos walang back up plans kong may emergency. Bobo na tanga pa." bulalas niya sa tabi ko.

"Anong sabi mo!?"

"Kailangan ko pa ba talagang ulitin yong sinabi ko? Eh halata namang narinig mo yon. Di karin naman bingi diba?" aniya.

"Anak ng --" susuntokin ko na sana siya kaso bigla nalang huminto ang sasakyan, dahilan para ma out off balance kaming pareho at mabangga sa kaharap naming upoan.

"Yan yong bagay sa inyong dalawa. Ang liit liit nong bagay na pinag-aawayan nyo, pinapalaki nyo. O sya nandito na tayo." sabi ni Daddy saming dalawa.

Sabay kaming napatingin ni kuya sa labas.

"Nandito na pala tayo? Hindi ko man lang napansin?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Pano nyo mapapansin eh lagi kayong nag-babangayan jan sa likod?" sagot ni Daddy.
"O siya sige, pumasok na kayong dalawa at baka mahuli pa kayo sa klasi." sabi ni Daddy.
"Sige po Dy." tugon naming dalawa ni kuya kay Daddy sabay kaway sa kanya.

Pinanood muna namin ang pag-alis ng sasakyan at nong hindi na namin ito natanaw ay pumasok narin kami sa loob ng paaralan.
Naunang pumasok ang kapatid ko na para bang may humahabol na snatcher sa likod nya kasi ang bilis nong paglalakad nya.

"BRO INTAYIN MO AKO!" pasigaw kong tawag sa kapatid ko.

Napalakas ata ang pagsigaw ko kasi, yung iilan sa mga estudyanteng nasa paligid namin ay napatingin sa direksyon ko.

Huminto muna ako saglit at binigyan sila ng isang matamis na ngiti.

Susundan ko na sana yong kapatid ko kaso, pag-lingon ko hindi ko na siya natanaw.

"Anak ng." tatakbo na sana ako papunta sa direksyon na hinatak ng kapatid ko pero, napahinto ako ng may narinig akong tumawag sa likoran ko.

"Zeth!!" tawag sakin nong mga kaibigan ko.

Nothing Last Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon