Ang Tipon ng "Kawikaan"

79 2 0
                                    

Ang kabanatang ito ay puno ng mga kawikaang tungkol sa pag-ibig, pangkatauhan, politikal, atbp. na ako mismo ang lumikha.


























"Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing tayo'y masyadong nalalakihan sa problema, ang braso ang ating nilalatayan. Samantalang mas kakapal sana ang puso kung sa puso mo ilalatay ang lahat ng sakit at kapighatian upang doon magmarka ang sugat at peklat."



"Hindi ako magaling gumuhit, ngunit kaya kong magbigay ng kulay."



"Gumising nang maaga, ito na ang simula, hindi ako makapaniwala. Mamaya na ang bagong kabanatang matagal ko ng binuo, isa sa mga pangunahing kabanata sa dami ng aking hilig na gawin. Magbabalik ako sa dati kong mataas na paaralan, hindi na bilang estudyante ngunit bilang isang guro. Pero isa lang ang masisigurado ko, pare-pareho kaming mga mag-aaral na hindi natatapos ang pagkatuto. Mabigat ang mga ulap at mabigat din ang tiyan ko sa kaba. Kumain ngunit gutom sa kaalaman. Magiging mabuti akong guro na kulong sa hangaring magturo at magiging malaya akong manunulat. Magbibigay ako sa kanila ng mga aral na wala sa mga libro. Didiligan ko sila na parang halaman, iintindihin ang bawat kaganapan. Mahirap na masarap at matamis na maalat ang kapalaran, gayon pa man, ang lahat ay gagawin ko sa gabay ng Kaitaasan."



"Bukas, simula na ng bagong kabanata sa aking buhay. Haharapin ko na ang mga kauna-unahan kong estudyante sa pormal na klase. Gagawa ng mga plano sa pang-araw-araw na aralin, mamimigay ng inspirasyon, mambabato ng mga masasakit na aral, magpupulot ng karanasan, at kung ano-anong mga 'di ko maipaliwanag at hindi ako makapaniwala na narito na ako. Nasa harapan na ako ng pinto palabas sa pagiging estudyante, sa pagiging bata, at may maidadagdag na sa mga medalya. Masaya dahil sa malapit na akong makapagtapos, nangangamba dahil sa mahirap na magsulat, nanabik sa mga sorpresa ng tadhana, at masaya akong alam kong nandiyan kayo, 'yung mga kaibigan kong manunulat at dummy sa mundong hindi ko man lang nalamang naroon na pala ako, tayo. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, magulo. Pero ang lahat ay ipinagdarasal ko."



"Sa pagkuha ng kanin, asahang dadaan muna ang sandok mula sa itaas at pailalim."



"Ang tanging makapagdidikta sa tatahakin ng aking panulat ay ang mga guhit ng aking kwaderno."



"Kapag susubukan kong maglaslas, gusto kong gaya ng aking pagsulat; puno ng kababalaghan at simbolismo. Hindi ko gagamitin ang kanang kamay na aking nakasanayan, gaya na lang ng hindi ko pagpansin sa aking kalakasan. Gagamitin ko ang kaliwa upang masabing kinain ako ng aking kahinaan. At hihiwain ang kanan, kung saan naubos ang aking kalakasan."



"Sa iksi ng oras, at haba ng daang tatahakin; hindi imposibleng maubusan na lang ako bigla ng hangin."



"Minsan talaga, naiisip kong tama na, huwag na, ayaw ko na."



"Itinutungga ko ang alak na para bang nasa ilalim nito sa looban ang hinahanap kong kasiyahan."



"Alam ko na kung bakit hindi pansinin ang aking mga tula. Dahil sa aking tinta'y mga luha na kailanman sa iba'y 'di nila kayang makita. Sana'y maintindihan ang mga isinalita."



"Kagabi, habang nakatingala sa kalangitan; naisip kong magandang masdan ang mga bituin dahil sa ito'y walang pagkakasunod-sunod, na para bang mga palamuting sinaboy na kayhirap kabisaduhin, pagsawaan, at tanggihang manghaan. Gaya ng ating buhay, magandang hindi ito nakaayos palagi ng gusto nating ayos, na minsan ay magulo pero nagpapaganda ng buhay, na hindi natin kaya kabisaduhin ang takbo nito, at hindi natin nalalaman ang kinabukasan."



"U.L.A.N."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon