Ang Tipon ng "Bihag ng Panganganinag"

27 2 0
                                    

Ang tinipong mga tula sa kabanatang ito ay tungkol sa aking sariling pagrepleksyon sa aking mga bagay na ginagawa at sa mismong aking iniisip.




























"Hindi na kita Kilala"
ni Et Ong
[Miy., Peb. 1, 2017 ng 1:49nu]

Hindi na kita kilala.
Nariyan ka pa ba?
Kaya mo pa ba?
'Yong tama, alam mo pa ba?

Alam mo, napapansin kong napapariwara ka;
Tinatamad ka na sa'yong mga asignatura.
Magpapahuli ka ba?
Gumising ka na.

Hindi na yata kita kilala.
Hindi mo na yata alam na ika'y nagkakasala.
Huwag kang umasa sa hula.
Huwag kang magtago sa kuta.

Lumaban ka.
Huwag kang umasa;
Umasa sa tulong ng iba.
Tumayo sa sariling paa.

Magpatulong ka sa Kaniya.
Huwag kang magpakatanga.
Lumuhod ka sa lupa,
At tumingala.

Matagal na tayong magkakilala,
Pero sa'kin ay ayaw mo maniwala.
Sa masamang gawain ay pumara;
Tayo'y magbago, tara.

Mahal na mahal kita.
Sana kaya mong patawarin ang sarili mo.
Sa salamin lang tayo nagkikita,
Tandaan mong ikaw ay ako.


















"Isang Mababaw na Damdamin sa Gabing Malalim"
ni Et Ong
[Huw., May. 11, 2017 ng 12:35nu]

Ako'y uminom at nagpakalasing,
Sa lugar kung saan ay napakadilim.
Ang tanging tanglaw ay ang buwan at mga bituin.
Ang tanging gising ay ang mababaw na damdamin.

Hindi makatulog,
Hindi makasulong.
Dahil ba sa ako'y namamahay,
O talagang lasing lamang?

Sa tuktok ng bahay ng aking tropa,
Dito sa liblib na barangay sa isang probinsya,
Ako'y tumuloy at nagpakalulong,
Ako'y bumulong at sa sariling pag-iisip nagpakulong.

Hindi malaman kung malalim ang isip sa malalim na gabi,
O malalim ang gabi at ang mababaw na damdamin ay kailangang isantabi?
Siguro nga'y hindi na dapat maging kami,
Pagsuko na lang talaga ang tanging wari.

Ang mga buton ang saksi,
Na ang damdami'y dapat ng iwaksi.
Siguro ako'y nahihibang,
O kaya'y lutang lamang?

Tinakot ako ng sariling tapang,
Sa gabing bituin ay 'di mabilang.
Alas kwatro na pala ng umaga,
Ako'y kailangang umidlip na,
Upang maibsan ang antok at sakit na nadarama,
At kanyang makalimutan ang lahat ng nagdaan na.


















"Ligaw"
ni Et Ong
[Huw., Mar. 23, 2017 ng 1:30nu]

'Di ko na alam kung saan patungo,
Kung yuyuko na lang at hahayo.
Sa bawat tanong, ang tugon ay pagtango.
Ang damdami'y hindi maitago.

Sabagay, sayang naman ang aking mga inalay;
Ang pagtakas sa katotohanan at pagkapilay.
Mga prutas at rosas,
Na sa hardin ay aking ninakaw, pinitas.

Hindi ko na namalayang masyado yata akong umangat,
Kaya siguro ako'y hinila pababa at napigilan ang pagsikat.
Sa ganitong paraan naramdaman ko ang bigat sa balikat.
Nahumaling ako sa muling panghihikayat.

Masyado akong naloko,
Masyado akong nagpaloko,
Masyado akong lumobo,
Masyado akong naging gago.

Ang tanging langit siguro ay pagtanggap.
Ang tama pala ay dapat na hinagilap
Ang lahat pala ay nakukuha sa pagsisikap.
Ang lahat pala ay hinihintay ang aking paghihirap.


















"U.L.A.N."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon