Ang Tipon ng "Higit na Init"

11 0 0
                                    

Ang huling tipon ng mga tula sa librong ito ay tungkol sa pagbabanggaan ng dalawang taong hindi na kayang pigilin ang init na nararamdaman ng kanilang katawan.




























"Kape't Kapit"


ni Et Ong


[Lin., Nob. 3, 2017 ng 3:36nu]


Malamig ang gabi at mainit ang mga mata sa isa't isa,


Mainit ang kape at malamig ang pag-iisa.


Hindi mapigilan ang pagkaakit at balani ang paglapit,


Nagulat sa pagdikit, parang gatilyo ang kinalabit.



Sa ganda ng iyong ngiti ay para itong isang abilidad,


Na magpahulog sa makakikita na para bang ito'y grabedad.


Grabe naman kasi ang iyong dating na parang bagyo,


Hindi sa tubig nabasa kundi sa malalamig na pawis ko.



Hindi ako makapagsalita na para bang ako'y napipi,


Ang tinig mo lang ang aking naririnig na para bang nabingi.


Nabulag ako binibini sa taglay mong ganda,


Wala na akong panlasa, ikaw lang ang nais matamasa.



At oo, sa gabing ito'y ikaw ang nais makasama sa kwarto,


Kaya pwede bang mahingi ang 'yong numero?


Hindi na kailangan, ang mabilisan mong tugon,


Sa titigan nating dalawa, parang nasa pugon.



At alam ko na sa mga oras na iyon ay hindi na ako halaman,


Sapagkat napansin mo ang tawag ng ating mga laman.


At alam kong libido lang ang nararamdaman,


Pero kailangan ding pagbigyan paminsan-minsan.



Sa gabing iyon, ang langit ay makulimlim,


At sa kwartong iyon, ang ilaw ay malimlim.


Mabait akong tao pero inangkin kita ng buong pagkasakim,


Na para bang ikaw ang pinakamasarap na putaheng ipatitikim.



Sa maaamo nating mukha ay may nakatagong lihim,


Ang ating laman na minsan ay may balak na maitim.


Na ngayon ay ating tatanggalin,


Ikukulong kita sa bisig habang ang nararamdama'y palalayain.



Hinubad ko ang iyong pulang kurtina na lambong mo,


Upang aking masaksihan ang isang magandang teatro.


Hindi na kailangan pa ng musika sa ating sayaw,


Sapat na ang ingay mong ihihiyaw.



Sinimulan ko sa mala-kundiman kong romansa,


Dinaan ko sa malamya kong pagkumpas ng kamay sa,


Mala-hangin sa lambot mong kutis,


Ito nga ang iyong ninanais.

"U.L.A.N."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon