Ang tinipong mga tula sa kabanatang ito ay tungkol sa aking mga pangamba at nakasasakal na pag-iisip.
"Puyat"
ni Et Ong
[Sab., Abr. 8, 2017 ng 5:53nu]
Sa kalaliman ng gabi ay naglalakbay ang utak habang nakaupo sa bangkuan.
Hindi man lang namalayan ang oras dahil sa taglay na kalayaan sa dilim ng kapayapaan.
Mga ganitong oras ay lumalabas ang lungkot at talino sa isipan;
Mahihinuha't mahahalintulad sa kabaliwan.
"Paglisan"
ni Et Ong
[Miy., May. 17, 2017 ng 8:19nu]
Sa bandang huli,
Huwag ka magsisi.
Dahil kahit na anong pagsisikap,
Marami pa rin ang magpapanggap.
Buong buhay ay naghahanap tayo ng kaibigan,
Kaibigang hindi kailanman lilisan.
Ngunit, lahat ng iyon ay mababasura,
Makakalimutan ka at itatapon ang mga alaala.
Masakit man isipin pero dapat nating tanggapin,
Ang katotohanang dapat na anihin.
Na ang lahat ng naririto,
Ay bigla ka ring iiwan at lalayo.
Ang ating mga kaibiga'y minsa'y panandalian lamang,
Na pansamantalang ipararamdam ang kasiyahan.
Sasabihin ko sa 'yo'y iiwan ka lang rin at malilinlang,
At magbibigay sa 'yo ng sakit na nararamdaman.
Kung ako sa 'yo'y ihanda ang sarili,
Upang hindi ka magsisi.
At huwag natin silang gawing sandalan,
Pagkat sila rin ay lilisan.
"Bakit?"
ni Et Ong
[Sab., Hun. 3, 2017 ng 2:22nu]
Sa planong ang tadhana'y ninais mapihit,
Ako'y nalubog at sa gitna'y napaipit.
Ang mga layuning hindi nakamit,
Nagdulot lamang ng pighati't sakit.
Ang tadhana'y hindi umayon sa 'kin,
Ang pampahabag ay ang pag-amin;
Pag-amin na kailanman'y hindi ako magtatagumpay,
Sa mga bagay ng gusto kong makamit sa buhay.
Maraming nag-aabang,
Maraming humahadlang.
Mga tao, ang oras, at ang tadhana;
BINABASA MO ANG
"U.L.A.N."
PuisiAng "U.L.A.N." (Unti-unting Lisanin ang Ating Nakaraan) ay isang libro na kung saan ay tinipon ng may-akda na si Et Ong ang lahat ng kanyang kawikaa't tulang nasa Wikang Filipino mula taong 2015 hanggang 2018. Ito ay naglalaman ng mga totoong kwento...