chapter 1

22 3 3
                                    

Ashley Veldale Montereal on the media

Dedicate ko ito sa pinakamaganda kong kaibigan pinkyflower143

Ashley's POV

Ako si Ashley Veldale Montereal, 21 years old, fourth year college sa Moonlight University. Maraming natatakot sa akin doon. Bakit? Dahil ako ay isang Campus Bad Girl Queen and ang Leader ng XXXGANG. Yes! Tama ang narinig niyo may gang ako. Minsan masama ako, minsan din mabait. May tatlo naman akong kaibigan na kasali sa Campus Bad Girls at XXXGANG.

"Ashley gumising ka na!" Sigaw ng isang babae. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa aking pagtulog. Ang sarap pa ng tulog ko eh.

"Arrrraaayyyy!" Sigaw ko. Hulaan niyo ang ginawa niya sa akin. Hinila niya ang beddings ko kaya nahulog ako. Tumayo ako at hinawakan ang puwet ko tapos tiningnan ng masama si Loiza. "Ang sakit nun ah, sakit sa puwet!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayaw mo kasing gumising eh." Sabi ni Loiza sa akin. Si Loiza Stuart, ang aking madaldal na kaibigan na mahilig sa mga gwapo. Kung makapagreact nga akala niya wala ng iba pang gwapong nilalang sa mundo. Isa din siya sa Campus bad girls at member ng XXXGANG.

"Ang sarap ng tulog ko eh." Sabi ko sa kanya. Ang sakit pa rin ng puwet ko.

"May klase pa tayo eh, baka malate tayo." Sabi niya sa akin. Hindi naman first day eh. Well it's been a few months since first day of school. At tsaka, next week na ang sem break.

"Wala akong pake." Sabi ko sa kanya.

"Ang aga-aga nagtatalo kayong dalawa." Lumingon ako sa kanya at nakita ko si Fancy na nakasandal sa pinto. Fancy Nicole Chua, ang pilosopo kong kaibigan na minsan makulit at minsan din ay mataray. She's also a campus bad girl at ang kanang kamay ng XXXGANG. "Napasarap tulog mo noh kaya hindi mo narinig ang alarm clock mo." Sabi ni Fancy tapos ngumiti. Hehe, hindi ko nga narinig.

"Yup, so we're all awake?" Tanong ko.

"Not all of us." Sabi ni Fancy. So It means hindi pa gising si Zie? "Well... Hindi pa gising si Zie." Sabi na nga ba eh. Lumabas kami sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Zie. Pagdating namin sa kwarto ay naabutan namin si Zie na natutulog. Wait is she snoring? Nilapitan ko siya at hinampas ko siya sa kanyang braso ng malakas. Bigla naman siyang bumangon at napahawak sa braso niya.

"Ang sakit nun ah." Sabi niya. Masakit talaga siya bes. Siya naman si Chelzie Anna Lim, ang aking boyish na kaibigan. Tama ang narinig niyo boyish siya ayaw niya sa mga sexy na mga damit. She's the Only Campus Bad Boyish Girl at member ng XXXGANG.

"Ginising lang kita." Sabi ko kay Zie. Totoo naman ah, ginising ko lang siya.

"Bakit kailangan mo pa akong hampasin sa braso ko?" Tanong ni Zie. Sasagot sana ako pero inunahan ako ni Fancy.

"Magtatalo na lang ba tayo? Mabuti pa maligo na kayo." Sabi ni Fancy sa amin.

"Teka, tapos ka na ba maligo?" Tanong ni Loiza kay Fancy.

"Nakita mong basang basa ang buhok ko, tinanong mo pa na tapos na ba ako maligo." Sabi ni Fancy at lumabas. Lumabas na din ako at bumalik sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako at nakita ko sila Fancy at Loiza na kumain. Lumapit ako at umupo.

"Sinong nagluto nito?" Tanong ko tapos kumain. Ang sarap!

"The one and only Fancy Nicole Chua." Sabi ni Fancy sabay turo sa kanya sarili.

Bad People In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon