John Ace Jones on the media
—
Clyde's POV
Pagpasok namin sa room ay bigla silang nagsigawan. Alam niyo na kung bakit, dahil dumating na kami. Nagshades ako para 'di mahalata na may black eye ako. Umupo ako sa upuan.
"Anong nakain mo nang nagshades ka." Sabi ni Ashley. Hindi ko lang siya pinansin.
"Teka. Bakit may bugbog ka?" Tanong ni Fancy kay Rafael mula sa likod. "Nakipag away ka noh?"
"Anong pake mo." Sabi ni Rafael. Nagulat na lang ako ng biglang tinanggal ni Ashley ang shades ko. Fvck! Ba't niya tinanggal?
"Bakit may black eye ka?!" Sigaw ni Ashley. Ano bang sasabihin ko?
"Wala." Tipid kong sagot.
"Nakipag away kayo noh?! At bakit wala si France?!" Sigaw ni Ashley. Tss. Ingay niya. Kinuha ko ang shades ko sa kanya at sinuot.
"Hindi kami nakipag away. At si France, nilagnat." Pagsisinungaling ko. Baka maniwala siya. Binatokan naman niya ako. "Aray! Para saan 'yun?"
"Nagsisinungaling ka pa, eh halata naman na nakikipag-away kayo eh." Sabi niya. Halata ba? "Sabihin mo nga ang totoo, nakipag away ba kayo?" Tanong niya.
"Oo na! Nakipag away na kami, pero nilagnat talaga si France." Pagsisinungaling ko ulit. Nakipag away nga kami, pero gang fight. Hindi naman nilagnat si France dahil nasa ospital. "Bakit mo naman tinanong? Nag alala ka?"
"Hindi noh. At ako mag alala sa 'yo? Asa ka." Sabi niya. Sus! Ayaw pa umamin.
"Umamin ka nga, may gusto ka sa 'kin noh." Sabi ko sa kanya.
"Ako magkakagusto sa 'yo." Sabi niya sabay turo sa kanyang sarili. Malamang ikaw, ikaw nama kausap ko eh. "Ako na isang dyosa magkakagusto sa isang halimaw? Yuck!" Sigaw niya. Ako halimaw? Ang gwapo ko nga eh.
"Sus! Aminin mo na lang na may gusto ka sa 'kin. Malay mo gusto rin kita." Sabi ko sa kanya. Pero sa totoo, wala talaga akong gusto sa kanya. Inaasar ko lang siya.
"Wag ka ngang felingero. Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na bulag lang ang magkakagusto sa 'yo!" Sigaw niya at inirapan ako. Bulag? Alam ko na.
"Tama ka nga. Bulag lang ang magkakagusto sa 'kin. Dahil nabulag sila sa kagwapohan ko." Sabi ko sa kanya at nagpogi sign. Tama naman ang sinabi ko.
"Tse! Hindi ka nga gwapo!" Sigaw niya. Bakit pa kasi ayaw niyang aminin.
"Away na naman kayo ng away. Baka magkatuluyan kayo niyan." Sabi ni Rafael. Napatingin kaming dalawa ni Ashley kay Rafael at tiningnan ng masama.
"Baka kayo ni Fancy ang magkatuluyan." sabi ni Ashley. Witwew! May love team na tayo.
"It's a nightmare." Sabi ni Fancy. Nightmare? Mas madalas pa nga kayo mag away kesa sa 'min eh.
"Good morning class." Lahat kami tumahimik at tumingin kay ma'am. Boring.
—
(Lunch time at cafeteria)
"Clyde, may praktis pala tayo sa basketball." Sabi ni Daryl. First time niya yata magsalita sa harap ng mga babae na 'yun. Nandito na pala si France. Ok na daw siya, kaya pumasok na siya.
BINABASA MO ANG
Bad People In Love
Teen FictionBLACKPINK Jennie as Ashley Veldale Montereal EXO Kai as Clyde Williams IZ*ONE Wonyoung as Fancy Nicole Chua WANNAONE Kuanlin as Rafael Jeon IZ*ONE Yujin as Chelzie Anna Lim WANNAONE Ong as John Ace Jones IZ*ONE Hye Won as Loiza Stuart EXO D.O as Dar...